Thursday, August 21, 2008

Stanley ( pangalan ng Aso)

*Nang minsan na mahawakan ko ang alagang aso na ito ng kaibigan ko ay nakita ko sa leeg niya ang kuwintas na ang nakasulat ay Stanley. Dahil doon nasabi ko na Stanley pala ang pangalan ng aso niya. Sa aso na ito na si Stanley nabuo ko ang kuwento na ito. Alam niyo na kung sino ang may ari nito dahil post ko na ito dati pa dito sa blog ko kasama ng nagmamay ari sa kanya na kaibigan ko hehe. Pero hindi po totoo na patay na ang aso na ito. Gawa-gawa lang ang lahat tungkol dito sa aso ng kaibigan ko ng kung tawagin din ay Mags.*



STANLEY
Ni: Arvin U. de la Peña

Wala na raw si Stanley. Hu hu hu hu, halos himatayin ako sa pag-iyak ng marinig ko iyon mula sa tawag sa telepono. Ang mahal kong si Stanley patay na raw. Agad ay umuwi ako mula sa trabaho para matingnan si Stanley. Habang sakay ng taxi ay di ko mapigilan ang di lumuha. Paano?, si Stanley lang ang madalas kasama ko sa buhay at nagpapasaya kahit na ganun siya. Kapag wala akong trabaho siya ang kalaro ko. At sa pagkain ay halos sabay kaming kumain. Siya ang napagsasabihan ko kapag ako ay may problema sa buhay. Siya rin ang sinasabihan ko para sa mga plano ko sa buhay. Sa kanya ko ibinubulong ang nais kong sabihin sa buhay.

Wala na nga si Stanley. Habang papalapit ako sa bangkay niya ay parang gusto ko na rin na sumama sa kanya. Para sabay kaming dalawa na mamaalam sa mundo. "Bakit nangyari ito sa kanya?. Tanong ko sa aming katulong sa bahay. "Nasagasaan po ng makalabas sa gate dahil naiwan na bukas." Ang mahinahon na sagot ng aming katulong. Parang gusto ko na palayasin ang aming katulong sa sinabi niya dahil sa kanila na rin kapabayaan. Pero hindi ko iyon nagawa. Iyak na lang ako ng iyak sa nangyari.

Habang naghuhukay na para ilibing si Stanley ay naiisip ko ang mga magandang alaala na naiwan niya sa akin. Ang mga paghahabulan namin, ang paliligo sa dagat at ang pagsakay din niya ng eroplano o bus kapag ako ay bumibiyahe sa ibang lugar dahil na rin sa trabaho ko. Sayang at hindi ko na siya makikita at makakasama pa.

Nang mailibing na si Stanley agad ay nasabi ko na sana kahit sa panaginip muli ay makasama ko siya. Muli kahit sa panaginip ay pasayahin niya ako.

Iniwan ako ng mahal kong aso na si Stanley.Pero kahit na wala na siya ay naniniwala ako na balang araw ay makakatagpo ako ng katulad niya. Kung kailan iyon ang hindi ko alam. Ngunit hanggang hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng mawala si Stanley ay hindi pa muna ako maghahanap ng kapalit niya. Dahil para sa akin nag-iisa lang si Stanley sa mundo.

Thursday, August 14, 2008

Mga Sikat

Bea Alonzo John Lloyd Cruz Claudine Baretto Judy Ann Santos KC Concepcion Ruffa Gutierrez Yasmien Kurdi Pauleen Luna Angelica Panganiban Pia Guiano Jennylyn Mercado Alyssa Alano Piolo Pascual Katrina Halili Alfred Vargas Charice Pempengco Anne Curtis RR Enriquez Mark Herras Riza Santos Sharon Cuneta Manny Pacquiao Vic Sotto Nancy Castiglione Willie Revillame Roxanne Guinoo Sam Milby Zanjoe Marudo Luis Manzano Angel Locsin Marian Rivera Iwa Motto Diether Ocampo Paolo Contis Richard Gutierrez Jolina Magdangal Rhian Ramos Dennis Trillo Joey de leon Ehra Madrigal Shaina Magdayao Michelle Madrigal Iya Villania John Pratts Dingdong Dantes Jake Cuenca Aga Muhlach JC de Vera Chiz Escudero Enchong Dee Sarah Geronimo Erik Santos Rufa Mae Quinto Robin Padilla Krista Ranillo Dingdong Avanzado Kris Aquino Cesar Montano Jessa Zaragosa Kim Chiu Patrick Garcia Alessandra de Rossi Aljur Abrenica Paula Abdul Kobe Bryant Michael Jordan Charles Barkley Tim Duncan Lebron James Jet Li Jacky Chan Tony Parker Paolo Bediones Kitchie Nadal Nadine Samonte Regine Tolentino Ogie Alcasid Jason Kidd Grant Hill Ai Ai de las Alas Heart Evangelista TJ Trinidad Carlene Aguilar Ara Mina Korina Sanchez Cristine Reyes Gretchen Barretto Gerald Anderson Mariel Rodriquez Valerie Concepcion Derek Ramsey Margarit Wilson Jenny Miller Michael V Megan Young Jiro Manio Jen Rosendahl Rayver Cruz Kristine Hermosa Sheryl Cruz Allen Dizon James Yap Jericho Rosales Jay Manalo Oyo Boy Sotto Joey de leon Ariel Rivera Sheree Juliana Palermo Katya Santos Andrea del Rosario Regine Velasquez Gretchen Espina Sue Ellen Robby Navarro Kid Camaya Gwen Garci Josh Groban Arnel Pineda Side A Eraserheads River Maya LJ Reyes Gabby Concepcion Luis Manzano Marvin Agustin Glaiza de Castro Lucy Torres Dennis Trillo Richard Gomez Iza Calzado Mart Escudero Yeng Constantino Christian Bautista Rachelle Ann Go Mark Bautista Marky Cielo Lea Salonga Camille Pratts Carmina Villaroel Diana Zubiri Matt Evans Melissa Ricks Baron Geisler Wendell Ramos John Lapus Maureen Larrazabal Sheena Halili Jopay Sexbomb Girl Paris Hilton Britney Spears Madonna Rosanna Roces Priscilla Almeda JC Cuadrado Rita Magdalena

Thursday, July 17, 2008

Nang Makilala...(published)

* Nakilala ko ang babae na ito sa chat. At ginusto ko na mahandugan ko siya ng sinulat ko. Mabuti at nagtagumpay ako sa ganun na ang pangalan niya ay malagay sa diaryo na siyang hinahandugan ko ng tula. Kung gusto niyo siyang makilala at makita pa ang mga pictures niya ay nasa friendster ko po. Hanapin niyo na lang doon ang pangalan niya na Laarni Casinillo, he he.*

(click niyo po ang naka scan para lumaki siya at mabasa niyo ang tula)



Wednesday, June 11, 2008

Sa Aking Mahal

Sa Aking Mahal
Ni: Arvin U. de la Peña
To: Cherryl Joy Francisco

Sa isang pag chat nakilala kita
Hiningi ko ang cellphone number mo
At mula noon ay madalas na
Tayong dalawa ay nagkakatext.

Hanggang dumating ang araw
Madalas na tayong nagkikita
Sa pamamasyal kung saan-saan
Nagdugtong ang ating mga puso.

Nag-ibigan tayong dalawa
Nagkaroon ng bunga ating pagmamahalan
Masaya tayong nabubuhay bawat araw
Kasama ang ating anak.

Mahal ko, pinakamamahal ko
Nais kong malaman mo
Ikaw lang sa aking puso
Kahit sino pa ay di kita ipagpapalit.

Sunday, May 11, 2008

Ikaw Lamang.......published

*Minsan ng nag-iinuman kami ng ka batch ko na ito sa high school ay nagsabi siya na sana siya naman ang ilagay ko sa diaryo na siyang hinahandugan ng sinulat ko. Ito nagawa ko na, nalagay ko rin sa wakas ang name niya na Magnolia Seron. At ang nandito na picture ng aso ay iyon po ang aso niya. Paborito niyang aso ito. Bawat pag-uuwi niya sa aming lugar ay dala niya lagi ang aso na ito. Suwerte nga ng aso na ito kasi madalas makasakay ng eroplano. hehe. At lastly ay gawa-gawa lang ang mga salita na nandito sa tula na Ikaw Lamang. Wala pong katotohanan itong mga salita na nakasulat. Huwag kayong mag-isip ng kung ano. Ok.*

(click niyo po ang naka scan para po lumaki big screen ng mabasa niyo naman.)











Hamon....published

*Post ko ang tulang ito noong October 2, 2007 dito sa blog ko. Tapos ng ipasa ko para sa diaryo ang hinahandugan ko ay si Mr. Jun Lozada na minsan naging kilala dahil siya ang nagsiwalat sa NBN ZTE scandal. Hanga ako sa tapang niya sa pagbunyag sa publiko sa isang anomalya na alam niya na di maganda kahit na ba manganib pa ang buhay niya. Sana madami pa ang katulad niya na magbunyag sa publiko ng isang katiwalian.*



Wednesday, May 7, 2008

Kaibigang Minahal Ako

*Minsan sa buhay di natin akalain na ang kaibigan pala natin ay may pagtingin din pala sa atin. Hanap pa tayo ng hanap at nandito lang pala sa ating tabi ang handang magmahal sa atin.* Ganun talaga iyon kung minsan.*
KAIBIGANG MINAHAL AKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Madaming pagkakataon na ako'y nabigo
Nasaktan at lumuha ng labis
Sa bawat iniibig ko
Walang maganda na nangyayari.

Minsan sinabi kong di na ako magmamahal
Hahayaan na lang ang nararamdaman
Ngunit ako ay nahihirapan sa ganun
Dahil kaibigan ko'y nagbigay ng pahiwatig.

Ang kaibigan ko mahal pala ako
May tinatago pala siyang pagtingin sa akin
Minahal ko rin siya
Kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Puso ko ay sumaya na
Naging makulay na ang mundo ko
Ako ay nagkaroon na ng tiwala sa sarili
Salamat talaga sa kaibigan na minahal ako.