Saturday, July 28, 2007

Sana

*Sa mga nawalan na ng isang Ina o kaya sabihin pang Itay at nabasa niyo ito, siguro ay masasabi niyo na tama lang na makasulat ako ng isang ganito.*

SANA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sana muli kitang makasama
ng madama ko ang pagmamahal
mo sa akin.

Sana muli kitang makita
ng magkaroon ng kulay mata
kong nalulungkot.

Sana muli kitang makasabay sa
pagkain para kahit ano
ang ulam kasalo kita.

Sana muli tayong makapamasyal
para kahit di man masyado malinis ang
paligid ay may sigla pa rin.

Sana muli tayong magkakuwentuhan
para malaman ang suliranin
ng isa't isa.

Sana muli tayong manood ng tv
ng malaman mga nangyayari
sa ibang lugar.

Sana muli nating madama
ang lungkot at saya na
nangyayari sa atin.

Kung buhay ka lamang
ay mangyayari sana ang
lahat ng ito.

Sana buhay ka pa
mahal na mahal kong Ina
sana, sana buhay ka pa.

Monday, July 23, 2007

Only You

* 1999 ng isulat ko ang poem na ito. Ito ang pangatlo kong sinulat na poem. At alam niyo ito na rin ang naging huli kong sinulat na poem. Mula ng sinulat ko ito at hanggang ngayon ay di pa uli ako nagsusulat ng poem. Kasi ng pinabasa ko ito sa kaibigan ko ay tumawa siya, at pakiramdam ko ay di niya nagustuhan. Pakiwari ko din ay nainsulto ako, he he. Kaya mula noon di na ako gumawa ng poem. Ang mga ginagawa ko na lang ay tula, kasi madaling maintindihan lalo at tagalog ang pagkakasulat. Ang una at pangalawa kong sinulat na poem ay ang MISS YOU at ang MY CRUSH na nandito rin sa blog na ito. Click lang ang OLDER POST para makita iyon. Kung di mo makita sa una mong pag click ng older post ay click lang uli hanggang sa makita at mabasa mo. *

ONLY YOU
By: Arvin U. de la Peña

Since that we've meet
No anymore lonely in my eyes
Everyday my life is wonderful
Full of joy and happiness.

Like a star in the sky
Is what my feelings
Very high from others
Hard to reach.

Thus, wherever I go
You're always in my memory
Even that I have a problem
I never think to forget you.

Because I fall in love with you
How happy I am
If I am thinking
That we would be together someday.

For only you already in my heart
A very best that happen to me
That inspired me
To work hard at efficient.

Tuesday, July 17, 2007

Huling El Bimbo

HULING EL BIMBO
Ni: Arvin U. de la Peña

Katulad pa rin ng mga nagdaang araw si Carlo ay madalas sa tapat ng bahay nila, naggigitara. Kapag may dumaraan na mga kilala niya ay kanya itong papansinin at minsan nakikipagkuwentuhan. Dati ay hindi ganun si Carlo. Dahil siya iyong tipo ng tao na sa pagkakaalam ko hindi gusto na nandoon lagi sa bahay nila. Kapag walang pasok sa paaralan ay sa mga barkada niya siya lagi nakikihalubilo. At uuwi sa bahay nila kapag gabi na.
Minsan si Carlo ay nilapitan ko. Papalapit pa lang ako ay nginingitian na niya ako. Paano, ay siya iyong madalas kong kalaro noong bata pa ako na mahilig akong dayain. Madalas pa niya akong biruin at kulitin. Higit sa lahat mahilig siyang magpatawa. May pagkainis nga akong nararamdaman sa kanya.
Habang nag-uusap kami halata sa mukha niya ang lungkot. Para bang walang sigla ang buhay niya. Hindi katulad dati na kapag nag-uusap kami ay masaya talaga siya at nagpapatawa pa. Nang tanungin ko siya bakit ganyan siya ngayon ay sinabi niya na pag-ibig ang dahilan. Nabigo raw siya sa babae na tibok ng puso niya. Mahirap daw na limutin ang babaing iyon.
Gusto kong tanungin kung sino ang babae pero hindi ko magawa. Pansin ko sa mga mata na gusto niyang lumuha habang kausap ako, pero hindi niya nagawa. Pinigil niya ang pagpatak ng luha.
Pag-uwi ko sa amin ay awang-awa ako kay Carlo. Kasi parang nawalan ng halaga ang buhay niya ng dahil lang sa babae. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang babae na tinutukoy niya.
Bigla, isang gabi ay idinaos ang paligsahan ng pag-awit na matagal na ring inanunsiyo. Napakarami ng tao ang naroon ng pumunta ako sa pagdadausan ng patimpalak. Malaking halaga kasi ang premyo kaya maraming tao ang nanonood para alamin kung sino ang magwawagi.
Ilang sandali nga lang ay inumpisahan na ang paligsahan. Ang mga tao ay nakikinig talaga sa umaawit at minsan ay humihiyaw pa. Palakpakan naman kapag natatapos na sa pagkanta ang isang kalahok. Sa di inaasahan ay nabigla ako dahil narinig ko na kasali daw si Carlo. Pumasok agad sa isip ko, ano kaya ang aawitin ni Carlo at bakit sumali siya.?
Pag-akyat palang ni Carlo sa entablado ay di mapigilan ang hiyaw at palakpak ng mga tao. Kung bakit?, iyon ay dahil si Carlo ay kilala sa aming lugar. Ngunit ng umpisahan na niya ang pag-awit ay tumigil ang mga tao sa hiyaw at palakpak. Tiningnan at pinakinggan talaga nila ng mabuti ang ginagawang pag-awit ni Carlo. Habang tumatagal ang pag-awit ni Carlo ay lalo siyang ginaganahan. Gandang-ganda talaga siya sa pag-awit. Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan na nadarama. Ngunit ng patapos na ang kanta bigla ay may tumulong luha sa kanyang mga mata. Lalo na ng binalikan uli sa pag-awit ang koro ng kanta.
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
na umibig ng tunay"
Kita talaga sa mga mata ni Carlo ang pagluha. Ang maganda ay hindi niya hinayaan ang sarili na magkamali. At ng matapos na ang pag-awit niya ay palakpakan uli ang mga tao. At si Carlo habang bumababa ng entablado ay bakas sa mukha niya na malungkot talaga siya.
Habang inaanunsiyo na kung sino ang mananalo sa sampu na kalahok ay di mapakali ang mga tao dahil halos lahat na sumali ay magagaling. Tinawag ang pang pangatlo na nagwagi. Gayundin ang pang pangalawa. Palaisipan ang mga tao kung sino ang mananalo. Nang iaanunsiyo na talaga kung sino ang magwawagi ang mga tao ay di na mapakali. At bigla ay pangalan ni Carlo ang binigkas na siyang nanalo. Palakpakan at hiyawan agad ang mga tao. Nang tinanggap na ang tropeo at premyo na napanalunan ni Carlo, bigla ay nagsalita siya sa mikropono na ang tagumpay niya ay inihahandog niya sa babaing mahal na mahal niya ngunit di siya mahal na ang pangalan ay Magnolia. Na touch ang mga tao sa sinabi niya kasali na rin ako dahil nagkaroon na rin ng kasagutan kung sino ang babae na nagpalungkot sa kanya.
Si Magnolia pala ang nagbigo sa buhay pag-ibig ni Carlo. Si Magnolia pala na isa ko ring kababata.

Tuesday, July 3, 2007

Katanungan

KATANUNGAN

Marami-rami na ring lugar ang aking napuntahan. Habang sakay ng bus o jeep nakikita ko ang iba't-ibang uri ng pamumuhay ng tao. May nagtitinda sa gilid ng kalsada, may naglalako ng diyaryo, nagbebenta ng mga candy o ano pa. Ang iba naman ay nagpapalimos. Magkaroon lang talaga ng pantawid gutom kahit anong trabaho ay pinapasukan kahit masakit sa kalooban. Gustuhin man nila na ibang trabaho naman hindi nila nagagawa dahil iyon lang ang alam nila para sila ay mabuhay.
Minsan habang sakay ako ng bus ay may sumakay na mag-asawa. Halos ang kanilang edad nasa twenty-five. May isa silang anak na siguro mga isang taon na. At mayroon din silang dala na malaking bag. Na kung hindi ako nagkakamali mga gamit nila ang nasa loob. Sa unahan ng inuupuan ko sila umupo. Kaya dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Noong una hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila. Sa halip ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. At iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Kahit paano ay mayroon akong permamente na trabaho.
Sa di ko inaasahan bigla kong narinig na sinabi ng lalaki na "paano na ito ngayon, pinalayas na tayo sa bahay ng mama mo?". Doon ay bigla akong nagka-interes na makinig sa pag-uusap nila. Nalaman ko na kaya sila pinalayas ay dahil nagkaroon ng alitan ang babae at ang mama niya. Nalaman ko rin na si babae ay walang trabaho at umaasa lang sa magulang. At si lalaki naman may trabaho pero di gaanong malaki ang suweldo. Natanong ko sa sarili, "paano na ngayon sila?". Mabuti kung nandoon pa sa bahay ng babae kasi kahit paano nalilibre ng kaunti kasi may ikinabubuhay naman ang pamilya ng babae. Ngayon na wala na sila doon ay uupa na sila ng bahay at lahat ng makakain nila o gatas ng bata ay perang pinaghirapan na ng lalaki. Di naman daw sila puwede umuwi sa lugar ng lalaki dahil walang magiging trabaho doon ang lalaki.
Bigla ay umiyak ang bata na karga ng lalaki. Doon natanong ko uli sa sarili, "ano kaya ang buhay na naghihintay sa batang ito paglaki niya?" May maganda kaya siyang buhay sa hinaharap? O matutulad din siya sa ibang mga bata na paglaki di naging maganda ang kapalaran. Sa di inaasahan bigla ay nagpapara ang lalaki para sila ay bumaba na. Napakadami ng katanungan tungkol sa mga bata na di muna nasasagot dahil sa paiba-iba ang takbo ng panahon. Kung ngayon ay naghihirap ang isang tao, baka sa susunod na buwan o taon ay hindi na. Kung ngayon ay hindi naghihirap ang isang tao, baka sa susunod na buwan o taon ay maghirap na. Wala talagang kasiguraduhan ang kaginhawaan sa buhay. Sabi nga ng iba mas mabuti pang laging bata kasi di gaanong nararamdaman ang mga problema. Pero imposible naman iyon na mangyari na laging bata lang. Kahit walang gaanong kainin ang isang bata ay lalaki pa rin iyon paglipas ng taon.
Buti na lang ako hindi ko naranasan ang magpalaboy-laboy sa kalsada. Kung hindi baka wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. Pero paano nga pala ang nabuntis kong kasintahan noong ako ay nag-aaral pa sa kolehiyo apat na taon na ang nakakaraan na ang babae ay umuwi na lang sa kanilang probinsya dahil hindi ko pa kayang maging isang ama? Paano na kaya ang buhay niya ngayon? Hinahanap kaya niya ang kanyang ama? O baka mayroon na siyang ibang ama. Mahirap sagutin ang katanungan ko tungkol sa bata. Pero alam ko at nararamdaman ko na hindi siya pababayaan ng kanyang ina. Hindi siya pababayaan ng minsan kong minahal na si Anna Madelle. At alam ko darating ang tamang panahon na muli kaming magkikita, kasama ang naging anak ko sa kanya.

Monday, July 2, 2007

Water Love

WATER LOVE
Kay: Stefanie Joan Villarin
Ni : Arvin U. de la Peña

Lagi akong masaya
Kapag ikaw ay naaalala ko
Ang mga problema sa buhay
Bigla ay nakakalimutan

Tandang-tanda ko pa
Nang makipagkita ako sa iyo
Akala ko di mo ako papansinin
Kasi lumingon ka lang muna ng tinawag kita

Oo inaamin ko naman
Walang pagkukunwari kong inaamin
Wala talaga akong sinabi sa iyo
Kasi maganda ka at mabuti pa ang kalagayan

Minsan naiisip ko tuloy
"Bakit nahihibang ako sa'yo?"
"Bakit gustong-gusto kita?"
"At bakit umiibig ako sa'yo?"

Kung bakit ikaw pa
Mahirap po na ipaliwanag
Basta ang alam ko
Masayang-masaya ako sa'yo

Kahit di ka maging akin
Kahit maging pangarap lang kita
Pagtingin ko sa'yo ay di mag-iiba
Sa puso at isip ay ikaw pa rin

Sa iyo ay iisa lang ang hiling ko
Kahit na masakit sa akin
Kahit na mapaluha pa ako
Sana pagbigyan mo ako

"Sa iyong kasal sana imbitahin mo ako
dahil iyon po ang huli at tanging
paraan upang maisip ko na ikaw
ay aking asawa."