Thursday, August 21, 2008

Stanley ( pangalan ng Aso)

*Nang minsan na mahawakan ko ang alagang aso na ito ng kaibigan ko ay nakita ko sa leeg niya ang kuwintas na ang nakasulat ay Stanley. Dahil doon nasabi ko na Stanley pala ang pangalan ng aso niya. Sa aso na ito na si Stanley nabuo ko ang kuwento na ito. Alam niyo na kung sino ang may ari nito dahil post ko na ito dati pa dito sa blog ko kasama ng nagmamay ari sa kanya na kaibigan ko hehe. Pero hindi po totoo na patay na ang aso na ito. Gawa-gawa lang ang lahat tungkol dito sa aso ng kaibigan ko ng kung tawagin din ay Mags.*



STANLEY
Ni: Arvin U. de la Peña

Wala na raw si Stanley. Hu hu hu hu, halos himatayin ako sa pag-iyak ng marinig ko iyon mula sa tawag sa telepono. Ang mahal kong si Stanley patay na raw. Agad ay umuwi ako mula sa trabaho para matingnan si Stanley. Habang sakay ng taxi ay di ko mapigilan ang di lumuha. Paano?, si Stanley lang ang madalas kasama ko sa buhay at nagpapasaya kahit na ganun siya. Kapag wala akong trabaho siya ang kalaro ko. At sa pagkain ay halos sabay kaming kumain. Siya ang napagsasabihan ko kapag ako ay may problema sa buhay. Siya rin ang sinasabihan ko para sa mga plano ko sa buhay. Sa kanya ko ibinubulong ang nais kong sabihin sa buhay.

Wala na nga si Stanley. Habang papalapit ako sa bangkay niya ay parang gusto ko na rin na sumama sa kanya. Para sabay kaming dalawa na mamaalam sa mundo. "Bakit nangyari ito sa kanya?. Tanong ko sa aming katulong sa bahay. "Nasagasaan po ng makalabas sa gate dahil naiwan na bukas." Ang mahinahon na sagot ng aming katulong. Parang gusto ko na palayasin ang aming katulong sa sinabi niya dahil sa kanila na rin kapabayaan. Pero hindi ko iyon nagawa. Iyak na lang ako ng iyak sa nangyari.

Habang naghuhukay na para ilibing si Stanley ay naiisip ko ang mga magandang alaala na naiwan niya sa akin. Ang mga paghahabulan namin, ang paliligo sa dagat at ang pagsakay din niya ng eroplano o bus kapag ako ay bumibiyahe sa ibang lugar dahil na rin sa trabaho ko. Sayang at hindi ko na siya makikita at makakasama pa.

Nang mailibing na si Stanley agad ay nasabi ko na sana kahit sa panaginip muli ay makasama ko siya. Muli kahit sa panaginip ay pasayahin niya ako.

Iniwan ako ng mahal kong aso na si Stanley.Pero kahit na wala na siya ay naniniwala ako na balang araw ay makakatagpo ako ng katulad niya. Kung kailan iyon ang hindi ko alam. Ngunit hanggang hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ng mawala si Stanley ay hindi pa muna ako maghahanap ng kapalit niya. Dahil para sa akin nag-iisa lang si Stanley sa mundo.

Thursday, August 14, 2008

Mga Sikat

Bea Alonzo John Lloyd Cruz Claudine Baretto Judy Ann Santos KC Concepcion Ruffa Gutierrez Yasmien Kurdi Pauleen Luna Angelica Panganiban Pia Guiano Jennylyn Mercado Alyssa Alano Piolo Pascual Katrina Halili Alfred Vargas Charice Pempengco Anne Curtis RR Enriquez Mark Herras Riza Santos Sharon Cuneta Manny Pacquiao Vic Sotto Nancy Castiglione Willie Revillame Roxanne Guinoo Sam Milby Zanjoe Marudo Luis Manzano Angel Locsin Marian Rivera Iwa Motto Diether Ocampo Paolo Contis Richard Gutierrez Jolina Magdangal Rhian Ramos Dennis Trillo Joey de leon Ehra Madrigal Shaina Magdayao Michelle Madrigal Iya Villania John Pratts Dingdong Dantes Jake Cuenca Aga Muhlach JC de Vera Chiz Escudero Enchong Dee Sarah Geronimo Erik Santos Rufa Mae Quinto Robin Padilla Krista Ranillo Dingdong Avanzado Kris Aquino Cesar Montano Jessa Zaragosa Kim Chiu Patrick Garcia Alessandra de Rossi Aljur Abrenica Paula Abdul Kobe Bryant Michael Jordan Charles Barkley Tim Duncan Lebron James Jet Li Jacky Chan Tony Parker Paolo Bediones Kitchie Nadal Nadine Samonte Regine Tolentino Ogie Alcasid Jason Kidd Grant Hill Ai Ai de las Alas Heart Evangelista TJ Trinidad Carlene Aguilar Ara Mina Korina Sanchez Cristine Reyes Gretchen Barretto Gerald Anderson Mariel Rodriquez Valerie Concepcion Derek Ramsey Margarit Wilson Jenny Miller Michael V Megan Young Jiro Manio Jen Rosendahl Rayver Cruz Kristine Hermosa Sheryl Cruz Allen Dizon James Yap Jericho Rosales Jay Manalo Oyo Boy Sotto Joey de leon Ariel Rivera Sheree Juliana Palermo Katya Santos Andrea del Rosario Regine Velasquez Gretchen Espina Sue Ellen Robby Navarro Kid Camaya Gwen Garci Josh Groban Arnel Pineda Side A Eraserheads River Maya LJ Reyes Gabby Concepcion Luis Manzano Marvin Agustin Glaiza de Castro Lucy Torres Dennis Trillo Richard Gomez Iza Calzado Mart Escudero Yeng Constantino Christian Bautista Rachelle Ann Go Mark Bautista Marky Cielo Lea Salonga Camille Pratts Carmina Villaroel Diana Zubiri Matt Evans Melissa Ricks Baron Geisler Wendell Ramos John Lapus Maureen Larrazabal Sheena Halili Jopay Sexbomb Girl Paris Hilton Britney Spears Madonna Rosanna Roces Priscilla Almeda JC Cuadrado Rita Magdalena

Thursday, July 17, 2008

Nang Makilala...(published)

* Nakilala ko ang babae na ito sa chat. At ginusto ko na mahandugan ko siya ng sinulat ko. Mabuti at nagtagumpay ako sa ganun na ang pangalan niya ay malagay sa diaryo na siyang hinahandugan ko ng tula. Kung gusto niyo siyang makilala at makita pa ang mga pictures niya ay nasa friendster ko po. Hanapin niyo na lang doon ang pangalan niya na Laarni Casinillo, he he.*

(click niyo po ang naka scan para lumaki siya at mabasa niyo ang tula)



Wednesday, June 11, 2008

Sa Aking Mahal

Sa Aking Mahal
Ni: Arvin U. de la Peña
To: Cherryl Joy Francisco

Sa isang pag chat nakilala kita
Hiningi ko ang cellphone number mo
At mula noon ay madalas na
Tayong dalawa ay nagkakatext.

Hanggang dumating ang araw
Madalas na tayong nagkikita
Sa pamamasyal kung saan-saan
Nagdugtong ang ating mga puso.

Nag-ibigan tayong dalawa
Nagkaroon ng bunga ating pagmamahalan
Masaya tayong nabubuhay bawat araw
Kasama ang ating anak.

Mahal ko, pinakamamahal ko
Nais kong malaman mo
Ikaw lang sa aking puso
Kahit sino pa ay di kita ipagpapalit.

Sunday, May 11, 2008

Ikaw Lamang.......published

*Minsan ng nag-iinuman kami ng ka batch ko na ito sa high school ay nagsabi siya na sana siya naman ang ilagay ko sa diaryo na siyang hinahandugan ng sinulat ko. Ito nagawa ko na, nalagay ko rin sa wakas ang name niya na Magnolia Seron. At ang nandito na picture ng aso ay iyon po ang aso niya. Paborito niyang aso ito. Bawat pag-uuwi niya sa aming lugar ay dala niya lagi ang aso na ito. Suwerte nga ng aso na ito kasi madalas makasakay ng eroplano. hehe. At lastly ay gawa-gawa lang ang mga salita na nandito sa tula na Ikaw Lamang. Wala pong katotohanan itong mga salita na nakasulat. Huwag kayong mag-isip ng kung ano. Ok.*

(click niyo po ang naka scan para po lumaki big screen ng mabasa niyo naman.)











Hamon....published

*Post ko ang tulang ito noong October 2, 2007 dito sa blog ko. Tapos ng ipasa ko para sa diaryo ang hinahandugan ko ay si Mr. Jun Lozada na minsan naging kilala dahil siya ang nagsiwalat sa NBN ZTE scandal. Hanga ako sa tapang niya sa pagbunyag sa publiko sa isang anomalya na alam niya na di maganda kahit na ba manganib pa ang buhay niya. Sana madami pa ang katulad niya na magbunyag sa publiko ng isang katiwalian.*



Wednesday, May 7, 2008

Kaibigang Minahal Ako

*Minsan sa buhay di natin akalain na ang kaibigan pala natin ay may pagtingin din pala sa atin. Hanap pa tayo ng hanap at nandito lang pala sa ating tabi ang handang magmahal sa atin.* Ganun talaga iyon kung minsan.*
KAIBIGANG MINAHAL AKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Madaming pagkakataon na ako'y nabigo
Nasaktan at lumuha ng labis
Sa bawat iniibig ko
Walang maganda na nangyayari.

Minsan sinabi kong di na ako magmamahal
Hahayaan na lang ang nararamdaman
Ngunit ako ay nahihirapan sa ganun
Dahil kaibigan ko'y nagbigay ng pahiwatig.

Ang kaibigan ko mahal pala ako
May tinatago pala siyang pagtingin sa akin
Minahal ko rin siya
Kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Puso ko ay sumaya na
Naging makulay na ang mundo ko
Ako ay nagkaroon na ng tiwala sa sarili
Salamat talaga sa kaibigan na minahal ako.

Thursday, April 24, 2008

Kaibigan

*Bawat isa sa atin ay may kaibigan. Ngunit nabubukod tangi kong may kaibigan ka na naaasahan mo talaga sa lahat ng pagkakataon. Dahil sa kaibigan ko na si Magnolia ay naisipan ko na isulat ito. Siguro sa lahat ng kaibigan ko ay ito ang ayaw ko na mawala sa buhay ko.*

KAIBIGAN
Ni : Arvin U. de la Peña
Kay: Magnolia Seron

Ako ay labis na nagagalak
Naging kaibigan kitang tunay
Kapag ako ay may kailangan
Naaasahan ka anumang oras.

Tandang-tanda ko pa ang noon
Ako ay walang pera
Para sa pambili ko ng gamot
Isang sabi ko lang ay nagbigay ka agad.

Lumipas pa man maraming taon
Sana ikaw ay di magbago
Sa akin ay manatili
Maganda mong pakikitungo.

Dahil ako na kaibigan mo rin
Makakaasa ka sa akin
Handa kitang tulungan kapag kailangan mo
Puwede kong isakripisyo buhay ko.

Tuesday, April 8, 2008

Maling Akala at Artista

Ang Maling Akala at Artista na tula ay ilan lang sa mga sinulat ko na hindi ko pangalan ang ginamit pag submit para sa diaryo. Iyon ay dahil sa kagustuhan ko rin na ang pangalan ng babae na nandito ay malagay sa diaryo as writer. Bago ko ginawa iyon ay nagpaalam muna ako sa kanya. Gamit ang paaralan na St. John's Academy kahit na hindi siya nag-aral doon ay napagtagumpayan ko na malagay name niya sa diaryo as writer. Sumaya ako ng mapublish ang sinulat ko na ito kahit na hindi ko pangalan ang ginamit.


Monday, March 10, 2008

Miss Na Miss

Miss Na Miss
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat araw na nagdaraan
Sa bawat tik tak ng relo
Ikaw lagi ang naiisip ko
Masakit man sa akin
Na ikaw ay wala sa tabi ko
Tinitiis ko na lang
Sanay naman ako na nasasaktan
Ang di ko lang lubos maisip
Bakit bigla iiwan mo ako
May mali ba ako?
Sana sabihin mo sa akin
Para ko maituwid kung may pagkakamali
Dahil ngayon habang sinusulat ko ito
Miss na miss pa rin kita
Lahat sa iyo namimiss ko
Saan man mapunta buhay ko
Nais ko malaman mo
Na ikaw lang at wala ng iba
Ang siyang nais ko
Na makasama sa buhay.

Thursday, February 14, 2008

Aktibista

*Kapag nakakapanood ako sa tv ng nagrarally o kaya nagwewelga ay nakakapag-isip ako na ano kaya kung kasali ako sa rally o welga na iyon. Para bang gusto kong maramdaman ang pakiramdam ng ganun na sitwasyon. Sana ma experience ko ang sumali sa rally o welga, hehe. Para naman di sayang na isinulat ko ang tula na ito.*

AKTIBISTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Habang ako ay buhay
Ako ay magsasalita
Hindi ko ililihim
Katiwalian sa gobyerno.

Kung kailangan na magrally
Kusang loob kong gagawin
Ipagsisigawan ko sa sambayanan
Hinaing sa pamahalaan.

Tawagin man akong aktibista
O kung ano pa man
Buong puso kong tatanggapin
Dahil iyon ang pagkatao ko.

Kahit kapalit ng lahat panganib
Ay ayos lang sa akin
Maipaalam lang sa lahat
Ang di magandang pamamalakad.

Nawa ay pagpalain ako
At sa iba pang tulad ko
Hindi natatakot na magsabi
Basta para sa kapwa mamamayan.

Monday, February 11, 2008

Alumni

Alumni
Ni: Arvin U. de la Peña


Ayaw ko sana itong isulat kasi baka pag nabasa ng mga ka batch ko sa high school ay pagsabihan ako ng kung ano. Pero dahil tanggap ko na ang mga pagbibiro nila at pagkakantyaw sa akin kaya go ako na isulat ko ito.

Malapit na naman ang alumni. Sa marso na darating. Araw ng lunes, martes at miyerkules pagkatapos iyon ng holy week. Sa mga batch na sasali sa mga competition ay ilang araw iyon na practice. Hindi lang practice kundi kasali na siyempre ang inuman at kamustahan. Kasi once a year lang naman ang event na iyon.

Sa batch namin dati sumasali kami sa mga competition. Minsan may natatanggap din kami na award. Ang masakit nga lang sa raming beses na aming pagsali ay ilan pa lang ang natanggap namin na award. Matinding competition talaga ang nangyayari dahil kasikatan ng batch na mananalo ang nakataya at higit sa lahat ay malaki-laki din ang premyo na napapanalunan sa bawat category pag oras na ng awarding. Kung ano iyong batch na nagkakaisa at maganda ang pamamalakad nila ay malamang talaga may matanggap na award, pera at trophy. Ayos din ang pagsali kasi first, second and third prize ang parangal.

Ngayong darating na alumni ewan kung sasali ako o pupunta sa mga meeting na mangyayari para sa aming batch. Wala na kasing gana kasi ang nangyayari ay sa inuman napupunta ang pag memeeting. Sa halip na na pag-usapan ang tungkol sa alumni ay kung anu-ano ang pinag-uusapan. Kaya ang nangyayari katulad ng mga nagdaang taon ay pumaparade nalang ang batch namin. Hindi na nakikipag compete sa ibang batch sa competition. At iyon ang ayoko! Kasi nakakainggit talaga kapag awarding na dahil kapag binabanggit na ang batch na nanalo sa isang competition ay sobrang saya nila. Ang iba ay napapalundag pa sa tuwa. Tapos marami pa sila na pumupunta sa stage para tanggapin ang trophy at cash prize. Nakakainggit talaga pero wala akong magagawa dahil di ko naman hawak ang buhay ng mga naging kasabayan ko pag graduate sa high school. Sa isang taon ay nakakaisa nga lang nangyayari ang alumni para sa aming pinanggalingan na paaralan ay ayaw pa na sumali o maki cooperate ang iba sa amin. Lalo na kapag awarding night at beach party inuman talaga na para bang ngayon lang nakainom, hehe. Iyon na lang lagi, laging ganun. Ilang taon na rin na nangyayari iyon sa amin. Hindi sumasali sa competition.

Sana tuparin ng kabatch ko na sina Kim at Joel ang sabi nila sa akin sa text na after 10 years pa uli sila sasali sa alumni para tatlo kami, hehe. Wala na rin kasi akong balak na sumali pa sa mga class reunion na nangyayarisa amin dahil (di ko babanggitin, secret ko na lang sa kanila kung anuman iyon. )

Ewan ko lang kung ngayong alumni na darating sa marso ay matiis ko na hindi makisalo sa mga kabatch ko habang umiinon ng malamig na SAN MIGUEL BEER.

Friday, February 1, 2008

Idolo

IDOLO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa iyo humahanga ako
Noon pa man at ngayon
Hindi lang sa taglay mong galing
Kundi sa kabutihan pa ng loob.

Araw man ay lumipas
Paghanga sa iyo di magbabago
Ikaw at walang iba
Ang aking idolo sa buhay.

Panginoon, o aking diyos
Ikaw nagbibigay sigla at liwanag
Hindi lang sa akin
Kundi sa iba pa.

Magpakailan pa man
Magbago man ang lahat
Ikaw ay patuloy kong sasambahin
Sa iyo taos puso pa rin mananalangin.

Thursday, January 24, 2008

Tula Ng Magtatapos
























Tula Ng Magtatapos
Ni: Arvin U. de la Peña

Paalam na sa inyo kaibigan
Kailangan ko ng umalis
Kung saan man ako makakapunta
Tadhana ang nakakaalam.

Huwag kayong mag-alala sa akin
Alam ko ang gagawin kong hakbang
Hindi ako sa inyo
Magiging problema sa buhay.

Balang araw mauunawaan niyo rin
Kung bakit ako lalayo
Mag-isa na harapin
Pagsubok ng isang nagtapos.

Kahit wala na ako
Makakaasa kayo sa akin
Na hindi ko kayo makakalimutan
Bawat araw maiisip ko kayo.

Ako’y magtatapos na sa pag-aaral
Mga kaibigan kong nag-aaral pa
Sana kayo din ay tumulad
Sa akin at sa iba pa kahit na di magtagumpay.

Thursday, January 10, 2008

Para sa biktima ng rape

*Marami ang nabiktima ng rape ang natatakot na isumbong sa mga alagad ng batas ang nangyari sa kanila. Hinahayaan na lang ang sinapit nilang di kanais-nais. Ewan kung bakit?*
Para Sa Biktima Ng Rape
Ni: Arvin U. de la Peña

Sumigaw ka hanggang kaya mo
Huwag kang matatakot
Banggitin mo may kasalanan
Marami ang dadamay sa iyo.

Huwag mong ipawalang-bahala
Ang nangyari sa iyo
Pagkat di na maibabalik
Ang nawasak mong pagkatao.

Hustisya pilitin mong makamit
Maawa ka sa sarili mo
Siguraduhin mong makulong
Kung sino man ang may gawa.

Nasa likod mo ay marami
Ang handang tumulong
Pagtatawanan ka lang ng may sala
Kapag di ka kumilos.

Ngayon na, ito na ang panahon
Kahit sino pa ang masagasaan
Dahil di katanggap-tanggap
Birhen mong nadungisan.

Old Bricks


OLD BRICKS
By: Arvin U. de la Peña

Goodbye old bricks
It's been many years
That you are strong
But now your twilight time
Is about to come your life.

I knew it's hard to accept
Situation like that
But you have nothing to do
That is LIFE.

As the time pass by
Make another day
And the year when change
Life is getting older.

Old bricks I knew
You will surely miss
The day you're strong
Which leads you to be happy
Even you came from
A lower class family.

Wednesday, January 9, 2008

Ang Pag-ibig, oh haha, ewan

Ang pag-ibig ay parang giyera, madaling umpisahan pero mahirap tapusin. Kaya kung ikaw ay iibig pumili ka sa puwede na lumaban sa iyo hanggang katapusan.


Thursday, January 3, 2008

Ang Bobong Bayani

Ang Bobong Bayani
Ni:Arvin U. de la Peña

May isang tao na ang tawag sa kanya ay bobo. Siya ay nasa grade six sa paaralan. Sa kanilang klase siya ay tampulan ng tukso. Madalas nagkakatuwaan ang mga kaklase niya lalo kapag sinasabihan siya kung bakit nakakapasa gayong bobo naman. Lahat na mga pangungutya sa kanya ay tinitiis niya lang dahil sa pagkakaalam niya nakakasagot naman siya minsan kapag tinatanong ng guro. Hindi lang madalas na nakakasagot siya. At kung may pagsusulit naman ay nakakakuha naman siya ng iskor. Minsan nga lang ay zero.
Ngunit sa kanilang bahay ang tinatawag na bobo ay isang magandang halimbawa ng mabait na bata. Tumutulong muna siya sa lahat ng gawaing bahay bago siya maglaro. Palibhasa ay mahirap sila ay halos hanga ang mga kapitbahay niya sa sipag niyang mag-ibig ng tubig at kung ano pa na gawain sa bahay.
Minsan sa klase nila nagkaroon sila ng field trip. Sasakay sila ng bus at pagkatapos sasakay naman ng bangka para makapunta na sa pakay nila. Isa sa kasama ang tinatawag nilang bobo. Sa loob ng bus ay masayang-masaya silat at nagkakatuwaan pa dahil sa panunukso at pagbibiro kay bobo. Si bobo naman ay wala lang kibo. Pagkatapos na nilang sumakay ng bus ay umupa na ang guro nila ng tatlong bangka para makatawid sa dagat. Sa simula ay sinabihan na sila na medyo maalon kaya dapat ay umupo lang ng maayos at huwag malikot pag nasa bangka na.
Nang umalis na ang tatlong bangka ay masyadong masaya ang mga estudyante na sakay si bobo. Binibiro pa nga na sana ay maglangoy na lang si bobo kasi magaling din naman siya maglangoy. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla lumakas pa ang alon at doon ay tumaob ang bangka na sinasakyan nina bobo. Palibhasa siya lang ang masyadong marunong lumangoy bukod sa nagmamaneho ng bangka ay bigla tinulungan niya ang mga kaklase niya na makakapit sa tumaob na bangka. Kita ng mga sakay ng dalawang bangka na mga kaklase din niya ang ipinakita niyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod. At aminado ang guro at ang ibang kaklase na kung hindi dahil kay bobo ay may nalunod na estudyante dahil hindi makakaya ng mag-isa ng nagmamaneho ng bangka na masagip lahat na estudyante lalo at malayo-layo pa ng konti bago nakarating sa kanila ang dalawa pang bangka.
Pagkatapos ng trahedya ay umuwi na lang sila. Lahat na mga estudyante pati ang guro nila ay tinsiyonado pa rin sa nangyari. At si bobo ay ganun pa rin walang kibo dahil noon pa ay di talaga siya kasundo ng mga kaklase niya. Pag-uwi sa bahay ay agad na ikinuwento ni bobo ang nangyari sa kanyang mga magulang. Doon ay ipinagmalaki niya ang kanyang kabayanihan at umaasa siya na dahil doon ay sana di na siya tuksuhin pa ng mga kaklase niya.
Kinabukasan sa paaralan dahil alam na ng lahat ang nangyari ay nagpasya ang principa ng paaralan na bigyan ng parangal si bobo sa kanyang kabayanihan sa pagsagip sa mga kaklase na nalulunod. Ngunit ay ipinagtaka nila ay ala siyete na ay di pa rin dumarating si bobo sa paaralan. Gayong kahit kailan ay di nag absent si bobo. Pupunta na sana ang guro sa bahay nina bobo ng bigla ay dumating ang pinsan ni bobo para ipaalam na kailanman ay hindi na makakapasok si bobo sa paaralan dahil patay na siya. Lahat ay nabigla sa ibinalita na patay na si bobo. Di sila makapaniwala na mamamatay si bobo ng ganun kadali. Ang mga kaklase niya ay nag-iyakan. Iyon na sana ang araw na hihingi ng tawad ang mga kaklase niya sa ginagawang panunukso. Iyon na sana ang araw ng tatawagin na siya sa tunay niyang pangalan na Edward. At ang kanyang guro habang may luha sa mga mata ay sinabihan ang mga estudyante na wala ng ang bobo na madalas na tuksuhin.
Sa kanilang bahay naman nina bobo ay nag-iiyakan pa rin ang mga nandoon lalo na ang kanyang mga magulang. Nang dumating ang guro ay agad na umiyak at nagsalita pa tungkol sa kabayanihan ng kanyang estudyante. Ang iba ay sinasabi na bangungot ang ikinamatay ni bobo. Ang iba naman ay baka sakit sa puso. Pagdating ng mga tao nu susuri kung bakit namatay si bobo ay agad sinuri ang bangkay ni bobo. Doon ay may nakita kanyang binti na namamaga dahil sa kinagat ng kung ano. Nang ikuwento sa sumuri sa bangkay ni bobo na siya ay nagligtas sa kapwa estudyante na nalulunod sa kahapon ay agad nagsabi ang tao na baka habang nasa dagat si bobo at nagliligtas sa mga kaklase na nalulunod ay baka may kumagat sa kanya at ang lason ay mga ilang oras muna bago umepekto.
Ang namamaga sa binti na kinagat ng kung ano ang naging basehan sa pagkamatay ni bobo ng mga tao na sumuri sa kanya.