Thursday, February 14, 2008

Aktibista

*Kapag nakakapanood ako sa tv ng nagrarally o kaya nagwewelga ay nakakapag-isip ako na ano kaya kung kasali ako sa rally o welga na iyon. Para bang gusto kong maramdaman ang pakiramdam ng ganun na sitwasyon. Sana ma experience ko ang sumali sa rally o welga, hehe. Para naman di sayang na isinulat ko ang tula na ito.*

AKTIBISTA
Ni: Arvin U. de la Peña

Habang ako ay buhay
Ako ay magsasalita
Hindi ko ililihim
Katiwalian sa gobyerno.

Kung kailangan na magrally
Kusang loob kong gagawin
Ipagsisigawan ko sa sambayanan
Hinaing sa pamahalaan.

Tawagin man akong aktibista
O kung ano pa man
Buong puso kong tatanggapin
Dahil iyon ang pagkatao ko.

Kahit kapalit ng lahat panganib
Ay ayos lang sa akin
Maipaalam lang sa lahat
Ang di magandang pamamalakad.

Nawa ay pagpalain ako
At sa iba pang tulad ko
Hindi natatakot na magsabi
Basta para sa kapwa mamamayan.

Monday, February 11, 2008

Alumni

Alumni
Ni: Arvin U. de la Peña


Ayaw ko sana itong isulat kasi baka pag nabasa ng mga ka batch ko sa high school ay pagsabihan ako ng kung ano. Pero dahil tanggap ko na ang mga pagbibiro nila at pagkakantyaw sa akin kaya go ako na isulat ko ito.

Malapit na naman ang alumni. Sa marso na darating. Araw ng lunes, martes at miyerkules pagkatapos iyon ng holy week. Sa mga batch na sasali sa mga competition ay ilang araw iyon na practice. Hindi lang practice kundi kasali na siyempre ang inuman at kamustahan. Kasi once a year lang naman ang event na iyon.

Sa batch namin dati sumasali kami sa mga competition. Minsan may natatanggap din kami na award. Ang masakit nga lang sa raming beses na aming pagsali ay ilan pa lang ang natanggap namin na award. Matinding competition talaga ang nangyayari dahil kasikatan ng batch na mananalo ang nakataya at higit sa lahat ay malaki-laki din ang premyo na napapanalunan sa bawat category pag oras na ng awarding. Kung ano iyong batch na nagkakaisa at maganda ang pamamalakad nila ay malamang talaga may matanggap na award, pera at trophy. Ayos din ang pagsali kasi first, second and third prize ang parangal.

Ngayong darating na alumni ewan kung sasali ako o pupunta sa mga meeting na mangyayari para sa aming batch. Wala na kasing gana kasi ang nangyayari ay sa inuman napupunta ang pag memeeting. Sa halip na na pag-usapan ang tungkol sa alumni ay kung anu-ano ang pinag-uusapan. Kaya ang nangyayari katulad ng mga nagdaang taon ay pumaparade nalang ang batch namin. Hindi na nakikipag compete sa ibang batch sa competition. At iyon ang ayoko! Kasi nakakainggit talaga kapag awarding na dahil kapag binabanggit na ang batch na nanalo sa isang competition ay sobrang saya nila. Ang iba ay napapalundag pa sa tuwa. Tapos marami pa sila na pumupunta sa stage para tanggapin ang trophy at cash prize. Nakakainggit talaga pero wala akong magagawa dahil di ko naman hawak ang buhay ng mga naging kasabayan ko pag graduate sa high school. Sa isang taon ay nakakaisa nga lang nangyayari ang alumni para sa aming pinanggalingan na paaralan ay ayaw pa na sumali o maki cooperate ang iba sa amin. Lalo na kapag awarding night at beach party inuman talaga na para bang ngayon lang nakainom, hehe. Iyon na lang lagi, laging ganun. Ilang taon na rin na nangyayari iyon sa amin. Hindi sumasali sa competition.

Sana tuparin ng kabatch ko na sina Kim at Joel ang sabi nila sa akin sa text na after 10 years pa uli sila sasali sa alumni para tatlo kami, hehe. Wala na rin kasi akong balak na sumali pa sa mga class reunion na nangyayarisa amin dahil (di ko babanggitin, secret ko na lang sa kanila kung anuman iyon. )

Ewan ko lang kung ngayong alumni na darating sa marso ay matiis ko na hindi makisalo sa mga kabatch ko habang umiinon ng malamig na SAN MIGUEL BEER.

Friday, February 1, 2008

Idolo

IDOLO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa iyo humahanga ako
Noon pa man at ngayon
Hindi lang sa taglay mong galing
Kundi sa kabutihan pa ng loob.

Araw man ay lumipas
Paghanga sa iyo di magbabago
Ikaw at walang iba
Ang aking idolo sa buhay.

Panginoon, o aking diyos
Ikaw nagbibigay sigla at liwanag
Hindi lang sa akin
Kundi sa iba pa.

Magpakailan pa man
Magbago man ang lahat
Ikaw ay patuloy kong sasambahin
Sa iyo taos puso pa rin mananalangin.