Sunday, May 11, 2008

Ikaw Lamang.......published

*Minsan ng nag-iinuman kami ng ka batch ko na ito sa high school ay nagsabi siya na sana siya naman ang ilagay ko sa diaryo na siyang hinahandugan ng sinulat ko. Ito nagawa ko na, nalagay ko rin sa wakas ang name niya na Magnolia Seron. At ang nandito na picture ng aso ay iyon po ang aso niya. Paborito niyang aso ito. Bawat pag-uuwi niya sa aming lugar ay dala niya lagi ang aso na ito. Suwerte nga ng aso na ito kasi madalas makasakay ng eroplano. hehe. At lastly ay gawa-gawa lang ang mga salita na nandito sa tula na Ikaw Lamang. Wala pong katotohanan itong mga salita na nakasulat. Huwag kayong mag-isip ng kung ano. Ok.*

(click niyo po ang naka scan para po lumaki big screen ng mabasa niyo naman.)











Hamon....published

*Post ko ang tulang ito noong October 2, 2007 dito sa blog ko. Tapos ng ipasa ko para sa diaryo ang hinahandugan ko ay si Mr. Jun Lozada na minsan naging kilala dahil siya ang nagsiwalat sa NBN ZTE scandal. Hanga ako sa tapang niya sa pagbunyag sa publiko sa isang anomalya na alam niya na di maganda kahit na ba manganib pa ang buhay niya. Sana madami pa ang katulad niya na magbunyag sa publiko ng isang katiwalian.*



Wednesday, May 7, 2008

Kaibigang Minahal Ako

*Minsan sa buhay di natin akalain na ang kaibigan pala natin ay may pagtingin din pala sa atin. Hanap pa tayo ng hanap at nandito lang pala sa ating tabi ang handang magmahal sa atin.* Ganun talaga iyon kung minsan.*
KAIBIGANG MINAHAL AKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Madaming pagkakataon na ako'y nabigo
Nasaktan at lumuha ng labis
Sa bawat iniibig ko
Walang maganda na nangyayari.

Minsan sinabi kong di na ako magmamahal
Hahayaan na lang ang nararamdaman
Ngunit ako ay nahihirapan sa ganun
Dahil kaibigan ko'y nagbigay ng pahiwatig.

Ang kaibigan ko mahal pala ako
May tinatago pala siyang pagtingin sa akin
Minahal ko rin siya
Kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Puso ko ay sumaya na
Naging makulay na ang mundo ko
Ako ay nagkaroon na ng tiwala sa sarili
Salamat talaga sa kaibigan na minahal ako.