BOULEVARD
Ni: Arvin U. de la Peña
Kaysarap mong balik-balikan
Kasi kahit paano nakakagaan ka
ng loob
Kahit na sa bawat pagpunta sa'yo
Halos maubos ang perang dala.
Habang tinitingnan ang dagat
At ang malayong bukid
Pakiwari talaga kuntento na sa buhay
Lalo kapag iniinom na ang malamig
na beer.
Sa bawat pagpunta sa iyo
Kasama minsan ang ilang mga kaibigan
Ay nagdudulot ka talaga ng saya
Sabihin pang nahihilo kami sa pagkalasing.
Minsan isang gabi napadaan ako sa'yo
Akala ko ay sasaya ako
Akala ko lalasingin mo uli ako
Pero hindi, hindi ganun ang nangyari.
Bakit?, bakit sa'yong lugar ko pa
Nakita na magkasama at masaya
Ang tibok ng aking puso
At ang karibal ng aking puso.
Hudyat ba iyon para humanap ako ng iba?
Hudyat ba iyon para kalimutan na lang siya?
Hudyat ba iyon para di ko na siya isipin pa?
O, hudyat iyon para unti-unti iwasan na kita?
Oh, boulevard sikat ka ngang puntahan
Nang magsing-irog o nais mag-inuman
Ngunit bakit sa kabila ng lahat na
pagpupunyagi ko sa'yo
Binigyan mo ako ng sakit, walang kapantay
na sakit.
Boulevard, oh boulevard, bakit?
Ate Jhajha Vlogs
-
Ang post ko pong ito ay patungkol po sa video blog ni Ate Jhajha. Isa po
siyang DJ sa MOR Tacloban. Sana po ay magustuhan niyo din ang mga video
blog niya....
5 years ago
No comments:
Post a Comment