Thursday, October 11, 2007

Tula Ng Pag-ibig

TULA NG PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahal na mahal kita
Batid mo iyon di ba?
Na ikaw lang sa aking puso
Wala ng iba pa.

Sa bawat araw at gabi
Ramdam mo pagmamahal ko sa'yo
Kahit di maganda ang panahon
Pag-ibig ko sa'yo pinadarama pa rin.

Lahat na sandali
Ikaw lang ang nasa isip ko
Dahil ang nais ko na lumigaya
Sa iyo ko natagpuan.

Subalit kapwa natin alam
Ang buhay sa mundo may katapusan
Kung kailan na matatapos
Iyon ang di natin alam.

Kung ikaw ang mauna
Makakaasa kang di na ako hahanap
Sapagkat ikaw ay walang katulad
Nag-iisa ka lang sa akin.

At kung ako man ang maunang pumanaw
Ang tula kong ito na para sa iyo
Sana ay lagi mong tatandaan
Para pag-ibig ko ay madama mo pa rin.




.

Tuesday, October 9, 2007

Pagtatapos


PAGTATAPOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Nagulat ako ng bigla ay sabihin mo
Na ikaw ay magpapaalam na
Kasi para bang sinabi mo
Na ayaw mo na sa akin.

Noong una di ko talaga tanggap
Ang ikaw ay malalayo na sa akin
Dahil sa loob ng apat na taon
Ako ang iyong inspirasyon.

Sa loob ng isang linggo
Ay halos anim na beses mo akong puntahan
At sa limang araw doon ay pumupunta ka talaga
Para mahasa sa iyong pag-aaral.

Kahit masama ang panahon
Di ka nagsasawa sa pagpunta sa akin
Ayaw mo talaga na may makaligtaan
Sa ituturo sa isang araw.

Ngayon, iiwan mo na ako
Hindi lang ikaw, kundi marami kayo
Dala niyo ang pag-asa
Na sana ay maging matagumpay.

At ako, ako na iyong paaralan
Nais kong magpasalamat
Na naging bahagi kayo sa akin
Sana ay malayo ang inyong marating.

Sunday, October 7, 2007

Salamat

*Isa ang SALAMAT na sinulat kong tula na napublish sa newspaper. Tungkol po ito sa isang tao na sa kabila na siya ay iniwanan ng kanyang minahal ay nagpapasalamat pa rin. Kahit na ang pag-iwan sa kanya ay masakit sa kalooban ay salamat pa rin ang nasasabi niya sa sarili para sa taong minahal niya ngunit hiniwalayan siya.*
( Click niyo ang naka scan para lumaki ang mga letra, ng mabasa niyo naman.)


Hinanakit

*Ewan ko kung sinong tao na may posisyon sa gobyerno ang puwede na ang sinulat kong ito ay bagay sa kanya. Mahirap na magturo o magbanggit ng pangalan kasi alams na, hehe. Basta sinulat ko lang ito at walang tinutukoy kung sino na tao.*

HINANAKIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Bulag sa mga nangyayari
Bingi sa mga sumbong
Iwas sa mga patutsada
Tanggap sa mga imbitasyon
Punta sa ibang bansa
Sarili ay laging inaaliw
Habang ang bayan ay lugmok!

Tuesday, October 2, 2007

Hamon

*Kaya ko nasulat ang tula na ito ay dahil minsan may mga iniimbestigahan na hindi talaga nagsasabi ng totoo. Sa madaling salita ay nagsisinungaling sila o kaya may pinagtatakpan para na rin siguro sa kaligtasan nila. Bihira na lang po talaga sa ngayon ang nagsasabi ng totoo. Minsan kasi ang pagsisinungaling ay nakakatulong din sa buhay ng tao. Kaya ang ang HAMON ko ay magsabi ng totoo.*

HAMON
Ni: Arvin U. de la Peña

Kumanta ka habang may tinig pa
Ipakita mo hindi ka duwag
Hindi ka natatakot sa mga banta
Sa iyong buhay at pamilya.

Pangalanan mo mga taong sangkot
Ipamukha mo sa mga nagtatanong
Nang lumabas ang katotohanan
Sino-sino ang dapat na managot.

Sabihin mo ng walang pag-aalinlangan
Ipadama mo sa humuhusga sa'yo
Kung ano ang tunay na nangyari
Nang malinis ang nadungisan mong pangalan.

Gawin mong maging magandang halimbawa
Na hindi natatakot sa pagsabi
Kung ano talaga ang totoo
Para marami ang humanga sa'yo.

Safe Sex Daw

Safe Sex Daw
Ni: Arvin U. de la Peña

Second year college ako ng sa di inaasahan ay may nakiusap sa guro namin na may ipapaliwanag sila. Dalawa silang babae at taga ibang paaralan sila nag-aaral. Kung sa ganda ang pag-uusapan ay maganda sila pareho. Pagpasok nila ay di maiwasan na di magkantiyawan ang iba sa aming klase. Ang katabi kong lalaki ay nagsabi agad na "guwapa" o sa tagalog ay "maganda." Bigla ng magsalita na ang isa ay napatawa ang iba sa amin at nagkatinginan. Kasi ang sinabi niya ay "kami ay 2nd year college din katulad niyo at kami ay narito para ipaalam sa inyo na naaalarma na ang gobyerno dahil sa paglobo ng populasyon dahil sa karamihan ay di marunong ng safe sex. Kahit mga estudyante pa lang ay napapatigil na sa pag-aaral dahil nabubuntis." Habang nagsasalita pa siya ang isa niyang kasama ay namimigay ng papel na may mga sulat at graph ng populasyon sa noon at ngayon. Kung totoo nga talaga ang nasa graph ay masasabi talaga na madami ang nanganganak sa kasalukuyan kaysa noon. May mga picture din ng mga sanggol na pinalalaglag. Concerned lang talaga sila kaya sila ay nagpapaliwanag at kailangan iyon sa kanilang pag-aaral. Nagsalita pa siya ng "sa mga magkarelasyon ay di maiiwasan ang gumawa ng ganun. Kaya ang payo namin sa inyo at ng pamahalaan ay safe sex lalo na kapag hindi pa handa na magkaroon ng pamilya. Lalo na kung ikaw ay estudyante pa lang. Para din po maiwasan ang abortion kasi talamak na talaga iyon." Habang nagsasalita pa siya ay nasabi ko na " malayo ang mararating nga babaing ito pati na rin ang kasama niya". Kalaunan ay nagpaalam na sila at umaasa na maliliwanagan kami sa sinabi nila.
Madaling lumipas ang panahon at ang mga sinabi na iyon ay nawala na lang sa isipan, lalo at abala sa pag-aaral. Nasa 4th year college na kami 2nd semester ng maisipan naming magbabarkada sa klase na pumunta ng SM para mamasyal. Tatlo kami na pumunta doon. Habang tumitingin ako sa mga bagong labas na modelo ng sapatos ng kalabitin ako ng isa kong kaibigan at sabihin sa akin na " di ba ang babae na iyon ang nagpaliwanag sa atin noon about safe sex?". Agad ay nasabi ko na " oo nga siya, pero bakit buntis siya at sino ang kasama niyang babae?". Ewan ang naging sagot ng kaibigan ko. Sa isip ko ay nasabi ko na lang na kaygaling niyang magpaliwanag about safe sex pero sa sarili nya ay di niya pala kayang magawa. Hanga pa naman ako sa kanya. Nasabi ko rin na kung di ako nagkakamali ay 4th year college na din siya katulad ko at sigurado na aakyat siya sa entablado para kumuha ng diploma na isa siyang buntis.
Safe sex daw, oh. Ha ha ha.