Tuesday, October 2, 2007

Hamon

*Kaya ko nasulat ang tula na ito ay dahil minsan may mga iniimbestigahan na hindi talaga nagsasabi ng totoo. Sa madaling salita ay nagsisinungaling sila o kaya may pinagtatakpan para na rin siguro sa kaligtasan nila. Bihira na lang po talaga sa ngayon ang nagsasabi ng totoo. Minsan kasi ang pagsisinungaling ay nakakatulong din sa buhay ng tao. Kaya ang ang HAMON ko ay magsabi ng totoo.*

HAMON
Ni: Arvin U. de la Peña

Kumanta ka habang may tinig pa
Ipakita mo hindi ka duwag
Hindi ka natatakot sa mga banta
Sa iyong buhay at pamilya.

Pangalanan mo mga taong sangkot
Ipamukha mo sa mga nagtatanong
Nang lumabas ang katotohanan
Sino-sino ang dapat na managot.

Sabihin mo ng walang pag-aalinlangan
Ipadama mo sa humuhusga sa'yo
Kung ano ang tunay na nangyari
Nang malinis ang nadungisan mong pangalan.

Gawin mong maging magandang halimbawa
Na hindi natatakot sa pagsabi
Kung ano talaga ang totoo
Para marami ang humanga sa'yo.

No comments: