Thursday, November 15, 2007

Sorry

SORRY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sorry ha nasaktan ko ang damdamin mo
Dahilan para dumistansya ka sa akin.
Sorry ha may nasabi akong di maganda
sa kaibigan mo.
Wala sa isip ko na masasaktan ka dahil doon.
Sorry ha dahil sa akin nagkatampuhan
kayo minsan ng kaibigan mo.
Sorry ha sa dati na madalas kong pag-abala
sa'yo.
Kasi minimiskol kita at madalas etext.
Sorry ha alam ko na mali ang nagawa ko.
Pero lahat ng iyon pinagsisisihan ko na.
Kasi di na kita nakakausap at nakakatext.
Saan ka man ngayon, sana ay malaman mo
na hindi pa rin kita nakakalimutan.
At umaasa ako na sana balang araw ay
mapapatawad mo na ako.

Friday, November 9, 2007

Hiling at Ang Totoo...(dalawang tula)


  1. HILING
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Kailangan ko ang pagmamahal niyo
    Nandito lang ako sa tabi
    Naghihintay na lapitan niyo
    Nang madiligan nauuhaw kong laman.

    Alam ko naman balewala lang ako
    Kasi hindi ako tulad niyo
    Pero sana pansinin niyo ako
    Kahit konting pagmamahal lang.

    Maliit na tubig sapat na iyon
    Masyado na kasing tuyo
    Ang lupang kinatitirikan ko
    Gusto ko po na lumaki pa.

    Puno, ako ay maliit pa na puno
    Nasa gilid ng dinaraanan niyo
    Balang araw lalaki ako
    At masisilungan niyo sa araw at ulan.


    ANG TOTOO
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Bilang ng tao dumadami
    Mga nagugutom nadadagdagan
    Mga pangyayaring di maganda
    Lalo lang lumalala.

    Habang ang hari at prinsesa
    Masaya lang sa pagkakaupo
    Mga kailangan ng nasasakupan
    Di magawang pansinin.

    Gusto mang maghimagsik
    Di magawa ng kawawang nilalang
    Sa takot na makulong
    Poot kinikimkim na lang.

    Pagdurusa sa bayang sinilangan
    Wala talagang katapusan
    Kahit magpalit pa ng administrasyon
    Angat pinoy ay malabo pa rin.

Monday, November 5, 2007

Isipin mo

Isipin mo naglalakad ka sa tabing dagat at palubog na ang araw. Nang bigla ay may sisigaw mula sa iyong likod at tinatawag ang pangalan mo. Paglingon mo ay ang tao na dati mong minahal ngunit iniwanan ka pagtagal, pero ngayon ay gustong bumalik sa'yo. Paglapit sa'yo ay nagmamakaawa siya na balikan mo at dama mo na nagsasabi talaga siya ng totoo. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at humihingi ng tawad sa'yo sa nagawa niyang kasalanan. Ano ang gagawin mo kung sa dako pa roon ng nilalakaran mo ay naghihintay sa'yo ang bago mo lang nakilala na tao na siya ngayon ang nagpapasaya sa buhay mo?

Thursday, November 1, 2007

Sana (newspaper clip, published)

*Isa ang tula na SANA na sinulat ko na napublish din sa diaryo. Sayang nga lang di ito nabasa ng babae na hinandugan ko ng tula na ito kasi graduate na ako ng magsimula ng magsulat ng kuwento o tula para sa diaryo. Naging kaklase ko noong nag-aaral pa ako ng college sa Cebu ang babae na hinahandugan ko ng tula na ito. Habang sinusulat ko ito ay naaalala ko ang sandali na magkaklase kami at magkatabi pa ng upuan. Sa isang subject lang kami magkaklase at Accountancy ang kurso niya. Matalino po ang babae na ito. Second year college ako at 2nd semester ng maging classmate ko siya. Hanggang sa mag 4th year college na ako ay madalas ko pa rin siya makita. Madalas kapag pumupunta ako noon sa library para mag study ay nakikita ko rin siya doon at nag study din. At sa bawat pagkikita ay siyempre nagkakangitian kami at nagpapansinan. Ang sarap talaga minsan gunitain ang mga alaala na kailanman di na mangyayari uli. *
(click niyo ang naka scan na ito para lumaki at ng mabasa niyo naman.)


Pagtatapos (newspaper clip, published)

"Graduation does not mean you will be apart from school. But rather you will always be a part of it."

*Post ko po ang tula na ito noong October 09, 2007 sa blog ko gamit ang pangalan ko kasama pa ang picture ko na tumatanggap ako ng diploma at napublish po noong October 15, 2007. Mag scroll down kayo ng konti at makita niyo talaga na post ko ang tula na ito. Ngunit ng ipinasa ko na ito para sa diaryo ay pangalan na ng isa kong kaibigan ang ginamit ko. Taon pang 2005 ay nagsusulat na ako ng kuwento o tula tapos pag ipinapasa para sa diaryo ay di ko pangalan ang ginagamit ko at may napapublish po naman. Madami po ang napublish na sinulat ko pero di ko pangalan ang gamit. Okey lang po iyon sa akin kahit di pangalan ko ang narerecognize ng nakakabasa. Isa pa ay may mga napublish din po naman na sinulat ko na pangalan ko ang nandoon. Sa mga araw pa na darating ay epost ko pa ang iba na napublish na sinulat ko pero di ko pangalan ang nakasulat bilang writer, sa halip ay pangalan ng isa kong kaibigan na babae. Masaya po ako na kahit paano ay nasama ang pangalan niya bilang contributor sa pagpapadala ng kuwento o tula sa column na BAGONG SIBOL sa diaryo na Pilipino Star Ngayon or in short PSN.

(click niyo ang naka scan na ito para lumaki siya at ng mabasa niyo naman.)