Thursday, December 27, 2007

From a quotes

When I was a child, I wanted to grow up and fall in love. Now that I growin up and falling in love, how I wish I was a child. Because it is easier to heal a broken knee, than a broken heart.


Wednesday, December 5, 2007

Boiling Love

BOILING LOVE
Ni: Arvin U. de la Peña

Miles apart separated by distance
Rely on the promises
Love that made in the air
Unbreakable as time pass by.

Though it's not easy
Relationship like this
Just keeping in mind
That someday would be together.

As the day going through
Messages and voices cause happiness
Even so far from each other
Do not think to look for another.

Believe of what is said
Reason to inspired always
For sometime lovers will meet
To tie themselves in a church.

Nang Makilala

Nang Makilala
Ni: Arvin U. de la Peña

Nang ikaw ay makilala ko
Tuwang-tuwa talaga ako
Kasi sa panahon na iyon
Labis ang kalungkutan ko.

Bigla nagkaroon ng kulay ang buhay ko
Naging masaya at masigla palagi
Sa bawat araw na nagdaraan
Parang katuparan ng mga pangarap ko.

Wala na talaga akong mahihiling pa
Nang dumating ka sa akin
Dahil ang taong katulad mo
Ang siya talagang hanap ng sinuman.

Inaamin ko naman
Na magkalayo talaga tayo
Nasa siyudad ka, nasa probinsya ako
Nagkakilala dahil lang sa chat.

Pero kahit na ganun
Parang magkalapit pa rin tayo
Dahil sa makabagong teknolohiya
Nagkakausap at nagkakakuwentuhan tayo.

Thursday, November 15, 2007

Sorry

SORRY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sorry ha nasaktan ko ang damdamin mo
Dahilan para dumistansya ka sa akin.
Sorry ha may nasabi akong di maganda
sa kaibigan mo.
Wala sa isip ko na masasaktan ka dahil doon.
Sorry ha dahil sa akin nagkatampuhan
kayo minsan ng kaibigan mo.
Sorry ha sa dati na madalas kong pag-abala
sa'yo.
Kasi minimiskol kita at madalas etext.
Sorry ha alam ko na mali ang nagawa ko.
Pero lahat ng iyon pinagsisisihan ko na.
Kasi di na kita nakakausap at nakakatext.
Saan ka man ngayon, sana ay malaman mo
na hindi pa rin kita nakakalimutan.
At umaasa ako na sana balang araw ay
mapapatawad mo na ako.

Friday, November 9, 2007

Hiling at Ang Totoo...(dalawang tula)


  1. HILING
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Kailangan ko ang pagmamahal niyo
    Nandito lang ako sa tabi
    Naghihintay na lapitan niyo
    Nang madiligan nauuhaw kong laman.

    Alam ko naman balewala lang ako
    Kasi hindi ako tulad niyo
    Pero sana pansinin niyo ako
    Kahit konting pagmamahal lang.

    Maliit na tubig sapat na iyon
    Masyado na kasing tuyo
    Ang lupang kinatitirikan ko
    Gusto ko po na lumaki pa.

    Puno, ako ay maliit pa na puno
    Nasa gilid ng dinaraanan niyo
    Balang araw lalaki ako
    At masisilungan niyo sa araw at ulan.


    ANG TOTOO
    Ni: Arvin U. de la Peña

    Bilang ng tao dumadami
    Mga nagugutom nadadagdagan
    Mga pangyayaring di maganda
    Lalo lang lumalala.

    Habang ang hari at prinsesa
    Masaya lang sa pagkakaupo
    Mga kailangan ng nasasakupan
    Di magawang pansinin.

    Gusto mang maghimagsik
    Di magawa ng kawawang nilalang
    Sa takot na makulong
    Poot kinikimkim na lang.

    Pagdurusa sa bayang sinilangan
    Wala talagang katapusan
    Kahit magpalit pa ng administrasyon
    Angat pinoy ay malabo pa rin.

Monday, November 5, 2007

Isipin mo

Isipin mo naglalakad ka sa tabing dagat at palubog na ang araw. Nang bigla ay may sisigaw mula sa iyong likod at tinatawag ang pangalan mo. Paglingon mo ay ang tao na dati mong minahal ngunit iniwanan ka pagtagal, pero ngayon ay gustong bumalik sa'yo. Paglapit sa'yo ay nagmamakaawa siya na balikan mo at dama mo na nagsasabi talaga siya ng totoo. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata at humihingi ng tawad sa'yo sa nagawa niyang kasalanan. Ano ang gagawin mo kung sa dako pa roon ng nilalakaran mo ay naghihintay sa'yo ang bago mo lang nakilala na tao na siya ngayon ang nagpapasaya sa buhay mo?

Thursday, November 1, 2007

Sana (newspaper clip, published)

*Isa ang tula na SANA na sinulat ko na napublish din sa diaryo. Sayang nga lang di ito nabasa ng babae na hinandugan ko ng tula na ito kasi graduate na ako ng magsimula ng magsulat ng kuwento o tula para sa diaryo. Naging kaklase ko noong nag-aaral pa ako ng college sa Cebu ang babae na hinahandugan ko ng tula na ito. Habang sinusulat ko ito ay naaalala ko ang sandali na magkaklase kami at magkatabi pa ng upuan. Sa isang subject lang kami magkaklase at Accountancy ang kurso niya. Matalino po ang babae na ito. Second year college ako at 2nd semester ng maging classmate ko siya. Hanggang sa mag 4th year college na ako ay madalas ko pa rin siya makita. Madalas kapag pumupunta ako noon sa library para mag study ay nakikita ko rin siya doon at nag study din. At sa bawat pagkikita ay siyempre nagkakangitian kami at nagpapansinan. Ang sarap talaga minsan gunitain ang mga alaala na kailanman di na mangyayari uli. *
(click niyo ang naka scan na ito para lumaki at ng mabasa niyo naman.)


Pagtatapos (newspaper clip, published)

"Graduation does not mean you will be apart from school. But rather you will always be a part of it."

*Post ko po ang tula na ito noong October 09, 2007 sa blog ko gamit ang pangalan ko kasama pa ang picture ko na tumatanggap ako ng diploma at napublish po noong October 15, 2007. Mag scroll down kayo ng konti at makita niyo talaga na post ko ang tula na ito. Ngunit ng ipinasa ko na ito para sa diaryo ay pangalan na ng isa kong kaibigan ang ginamit ko. Taon pang 2005 ay nagsusulat na ako ng kuwento o tula tapos pag ipinapasa para sa diaryo ay di ko pangalan ang ginagamit ko at may napapublish po naman. Madami po ang napublish na sinulat ko pero di ko pangalan ang gamit. Okey lang po iyon sa akin kahit di pangalan ko ang narerecognize ng nakakabasa. Isa pa ay may mga napublish din po naman na sinulat ko na pangalan ko ang nandoon. Sa mga araw pa na darating ay epost ko pa ang iba na napublish na sinulat ko pero di ko pangalan ang nakasulat bilang writer, sa halip ay pangalan ng isa kong kaibigan na babae. Masaya po ako na kahit paano ay nasama ang pangalan niya bilang contributor sa pagpapadala ng kuwento o tula sa column na BAGONG SIBOL sa diaryo na Pilipino Star Ngayon or in short PSN.

(click niyo ang naka scan na ito para lumaki siya at ng mabasa niyo naman.)


Thursday, October 11, 2007

Tula Ng Pag-ibig

TULA NG PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahal na mahal kita
Batid mo iyon di ba?
Na ikaw lang sa aking puso
Wala ng iba pa.

Sa bawat araw at gabi
Ramdam mo pagmamahal ko sa'yo
Kahit di maganda ang panahon
Pag-ibig ko sa'yo pinadarama pa rin.

Lahat na sandali
Ikaw lang ang nasa isip ko
Dahil ang nais ko na lumigaya
Sa iyo ko natagpuan.

Subalit kapwa natin alam
Ang buhay sa mundo may katapusan
Kung kailan na matatapos
Iyon ang di natin alam.

Kung ikaw ang mauna
Makakaasa kang di na ako hahanap
Sapagkat ikaw ay walang katulad
Nag-iisa ka lang sa akin.

At kung ako man ang maunang pumanaw
Ang tula kong ito na para sa iyo
Sana ay lagi mong tatandaan
Para pag-ibig ko ay madama mo pa rin.




.

Tuesday, October 9, 2007

Pagtatapos


PAGTATAPOS
Ni: Arvin U. de la Peña

Nagulat ako ng bigla ay sabihin mo
Na ikaw ay magpapaalam na
Kasi para bang sinabi mo
Na ayaw mo na sa akin.

Noong una di ko talaga tanggap
Ang ikaw ay malalayo na sa akin
Dahil sa loob ng apat na taon
Ako ang iyong inspirasyon.

Sa loob ng isang linggo
Ay halos anim na beses mo akong puntahan
At sa limang araw doon ay pumupunta ka talaga
Para mahasa sa iyong pag-aaral.

Kahit masama ang panahon
Di ka nagsasawa sa pagpunta sa akin
Ayaw mo talaga na may makaligtaan
Sa ituturo sa isang araw.

Ngayon, iiwan mo na ako
Hindi lang ikaw, kundi marami kayo
Dala niyo ang pag-asa
Na sana ay maging matagumpay.

At ako, ako na iyong paaralan
Nais kong magpasalamat
Na naging bahagi kayo sa akin
Sana ay malayo ang inyong marating.

Sunday, October 7, 2007

Salamat

*Isa ang SALAMAT na sinulat kong tula na napublish sa newspaper. Tungkol po ito sa isang tao na sa kabila na siya ay iniwanan ng kanyang minahal ay nagpapasalamat pa rin. Kahit na ang pag-iwan sa kanya ay masakit sa kalooban ay salamat pa rin ang nasasabi niya sa sarili para sa taong minahal niya ngunit hiniwalayan siya.*
( Click niyo ang naka scan para lumaki ang mga letra, ng mabasa niyo naman.)


Hinanakit

*Ewan ko kung sinong tao na may posisyon sa gobyerno ang puwede na ang sinulat kong ito ay bagay sa kanya. Mahirap na magturo o magbanggit ng pangalan kasi alams na, hehe. Basta sinulat ko lang ito at walang tinutukoy kung sino na tao.*

HINANAKIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Bulag sa mga nangyayari
Bingi sa mga sumbong
Iwas sa mga patutsada
Tanggap sa mga imbitasyon
Punta sa ibang bansa
Sarili ay laging inaaliw
Habang ang bayan ay lugmok!

Tuesday, October 2, 2007

Hamon

*Kaya ko nasulat ang tula na ito ay dahil minsan may mga iniimbestigahan na hindi talaga nagsasabi ng totoo. Sa madaling salita ay nagsisinungaling sila o kaya may pinagtatakpan para na rin siguro sa kaligtasan nila. Bihira na lang po talaga sa ngayon ang nagsasabi ng totoo. Minsan kasi ang pagsisinungaling ay nakakatulong din sa buhay ng tao. Kaya ang ang HAMON ko ay magsabi ng totoo.*

HAMON
Ni: Arvin U. de la Peña

Kumanta ka habang may tinig pa
Ipakita mo hindi ka duwag
Hindi ka natatakot sa mga banta
Sa iyong buhay at pamilya.

Pangalanan mo mga taong sangkot
Ipamukha mo sa mga nagtatanong
Nang lumabas ang katotohanan
Sino-sino ang dapat na managot.

Sabihin mo ng walang pag-aalinlangan
Ipadama mo sa humuhusga sa'yo
Kung ano ang tunay na nangyari
Nang malinis ang nadungisan mong pangalan.

Gawin mong maging magandang halimbawa
Na hindi natatakot sa pagsabi
Kung ano talaga ang totoo
Para marami ang humanga sa'yo.

Safe Sex Daw

Safe Sex Daw
Ni: Arvin U. de la Peña

Second year college ako ng sa di inaasahan ay may nakiusap sa guro namin na may ipapaliwanag sila. Dalawa silang babae at taga ibang paaralan sila nag-aaral. Kung sa ganda ang pag-uusapan ay maganda sila pareho. Pagpasok nila ay di maiwasan na di magkantiyawan ang iba sa aming klase. Ang katabi kong lalaki ay nagsabi agad na "guwapa" o sa tagalog ay "maganda." Bigla ng magsalita na ang isa ay napatawa ang iba sa amin at nagkatinginan. Kasi ang sinabi niya ay "kami ay 2nd year college din katulad niyo at kami ay narito para ipaalam sa inyo na naaalarma na ang gobyerno dahil sa paglobo ng populasyon dahil sa karamihan ay di marunong ng safe sex. Kahit mga estudyante pa lang ay napapatigil na sa pag-aaral dahil nabubuntis." Habang nagsasalita pa siya ang isa niyang kasama ay namimigay ng papel na may mga sulat at graph ng populasyon sa noon at ngayon. Kung totoo nga talaga ang nasa graph ay masasabi talaga na madami ang nanganganak sa kasalukuyan kaysa noon. May mga picture din ng mga sanggol na pinalalaglag. Concerned lang talaga sila kaya sila ay nagpapaliwanag at kailangan iyon sa kanilang pag-aaral. Nagsalita pa siya ng "sa mga magkarelasyon ay di maiiwasan ang gumawa ng ganun. Kaya ang payo namin sa inyo at ng pamahalaan ay safe sex lalo na kapag hindi pa handa na magkaroon ng pamilya. Lalo na kung ikaw ay estudyante pa lang. Para din po maiwasan ang abortion kasi talamak na talaga iyon." Habang nagsasalita pa siya ay nasabi ko na " malayo ang mararating nga babaing ito pati na rin ang kasama niya". Kalaunan ay nagpaalam na sila at umaasa na maliliwanagan kami sa sinabi nila.
Madaling lumipas ang panahon at ang mga sinabi na iyon ay nawala na lang sa isipan, lalo at abala sa pag-aaral. Nasa 4th year college na kami 2nd semester ng maisipan naming magbabarkada sa klase na pumunta ng SM para mamasyal. Tatlo kami na pumunta doon. Habang tumitingin ako sa mga bagong labas na modelo ng sapatos ng kalabitin ako ng isa kong kaibigan at sabihin sa akin na " di ba ang babae na iyon ang nagpaliwanag sa atin noon about safe sex?". Agad ay nasabi ko na " oo nga siya, pero bakit buntis siya at sino ang kasama niyang babae?". Ewan ang naging sagot ng kaibigan ko. Sa isip ko ay nasabi ko na lang na kaygaling niyang magpaliwanag about safe sex pero sa sarili nya ay di niya pala kayang magawa. Hanga pa naman ako sa kanya. Nasabi ko rin na kung di ako nagkakamali ay 4th year college na din siya katulad ko at sigurado na aakyat siya sa entablado para kumuha ng diploma na isa siyang buntis.
Safe sex daw, oh. Ha ha ha.

Sunday, September 2, 2007

Thank You

Masaya ako sa naging buhay ng kaibigan kong ito. Parang dugo at pawis ang ipinuhunan niya para sa pangarap niya na ngayon ay nakamit na niya. Sa mga previous post ko, kung titingnan niyo ang huli kong poem na sinulat ay noon pang 1999 na ang title ay Only You at mula noon ay di na ako nagsulat pa ng poem. So, after almost 8 years muli ay naisipan kong magsulat ng poem ng dahil sa kanya. Wala pong pag-aalinlangan na para po talaga kay Cherryl ang poem na Thank You. Dahil sa kanya kaya ko ito naisulat.

(Note: Kung may mali man na salita sa poem ko ay pasensya na po kasi di po talaga ako magaling sa english. Okey, bye.)

THANK YOU
By: Arvin U. de la Peña

I was so sad at that day
When suddenly you came into my life
And it turned out that you,
You give brightness to my life.

Hopeless I can be called by others
Always failed whatever I aim
Despite of all my frustration
I still stand up and face the life road.

Whatever people say to me
Whether it is a joke or not
I just laugh and smile
Anyway who are they to interfere my decision.

And now that you are here with me
I expect to be much stronger
I believe that I can still survive
All the struggles of being alive.

THANK YOU, thank you very much
That's what I only say to you
I know you are far from me
But I hope you won't tired of me, like
others do.

Sakristan

Napakadami ko pong sinulat na kuwento. Sa lahat po ay ang SAKRISTAN ang napakadali kong nagawa kasi hindi umabot ng isang oras. Di katulad ng iba na matagal bago ko matapos dahil sa kaiisip kong ano ang isusulat sa ginagawang kuwento. Minsan nga mga ilang araw pa bago matapos. At ng ipasa ko ito para sa diaryo ay napublish agad after 4 days. Thursday ko ito ipinasa at pagka Lunes na araw na may column na Bagong Sibol sa diaryo na Pilipino Star Ngayon ay napublish na. Nagulat nga ako kasi madaling napublish. Di katulad ng iba kong kuwento na matagal muna bago mapublish. Siguro ay maganda din ang kuwento kaya inuna sa mga nakasabayan ko sa pagpasa ng kuwento sa week na iyon. Sa kuwento po na ito ay di maganda ang imahe ng pari. Kung gusto niyo po itong mabasa ay click lang ang gitna ng naka scan na kuwento para po lumaki ang mga sulat o kaya ay scroll down lang at click ang older post hanggang na makita kasi ay tapos ko na po itong ipost pero di naka scan. Buwan ng June ng ipost ko ang kuwento na ito. Hindi po ako naging isang SAKRISTAN. Gawa-gawa ko lang ang kuwento na ito.


Saturday, September 1, 2007

Gulong ( isang tula )

GULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Manipis na rin ang gulong ni
Mang Estong drayber
Limang taon ding ginamit-gamit
sa kung saan-saan
Sa pagliliwaliw minsan sa mga
bahay aliwan
Tanging gulong ang saksi kung
sino ang tangay.

Wala na talagang kulay
Ang dating makintab na gulong
Ngayon ay parang alikabok na
Sa pagdaan sa kalsada
Usap-usapan kung kailan papalitan.

Ang dating pinagkakaguluhan na gulong
Ngayon ay balewala na lang
Sa unti-unting pagkupas ng gulong
Dahan-dahan ding kumupas karisma
ni Mang Estong drayber.

Kita na ngang may butas ang gulong
Kung kailan lumipas ang panahon
Saka lang niya napansin na kailangan
na palang palitan
Kawawang Mang Estong na drayber
Saan pa siya kukuha ng pambili ng
apat na gulong
Wala ng nagtitiwala sa kanya
Wala na ring nagpapautang pa sa kanya.

Monday, August 27, 2007

Hibang

HIBANG
Ni: Arvin U. de la Peña

Sumayaw ka sa harapan namin
Gilingan mo kami
Tuksuhin mo kami
Akitin mo pa kami.

Linlangin mo aming mga mata
Abusuhin mo aming kahinaan
Lokohin mo kami sa iyong salita
Perahan mo pa kami.

GRO, ka nga talaga
Di maiiwasan pang-aakit
Kahit alam naming bulsa ay mauubusan
ng laman
Patuloy kaming naghahangad ng iyong
konting pagmamahal.

Magulang (publish in newspaper clip)

Ang MAGULANG na gawa kong tula ang ilan lang sa mga napublish kong tula. Katuwaan nga lang kasi ang kaibigan ko ay nag hiling siya sa akin na ilagay ko daw ang pangalan niya. Kaya ayun nilagay ko nga. Buti at napublish.....




Wednesday, August 22, 2007

Walk (story of imagination)

WALK
By: Arvin U. de la Peña

One day as I walk on the street, I see
a beggar ask money to a beautiful lady.
And then for a certain reason the beautiful
lady refuse to give. That scene was the saddest
part of my life I saw happen for a beggar. As
I continue walking I see the church. I immediately
said to the Lord " hope your beautiful daughter
give something to that beggar ". When I said
that the one boy walk past beside me carrying
an expensive flowers. And then I immediately
said to myself, " flowers only good if it is fresh ".
When I already near to the place where I want
to go what comes in my mind is the story of a
person in which his life became worst because
always escape his responsibility in their house.
So I after I think that I immediately go back and
as i walk I hear the sound of an ambulance.
After a few minuntes of walking I saw the ambulance
park at the center of the street and many persons
seeing of what happen. In my mind I know it was
an accident. Huh! I immediately wonder of what
happen. The beautiful lady is hit by the car and
some parts of the body is bleeding. All persons
in the scene including me was pity for her
situation. As she slowly carried inside the
ambulance the boy that walk past beside me
bringing flowers get near to the beautiful lady and
said, " Don't cry, be strong. Our parents will come
with us to the hospital. I already give the flowers
to
your lover
". And as the ambulance go I asked myself
" Who is her lover that she give an expensive flowers?,
It is a boy or a girl?. How lucky they are. I also said
to myself, " That beautiful lady can afford to buy an
expensive flowers but even a centavo or a one piso
coin cannot give to a beggar." I just laugh and said to
myself again reminding the song of the band Side A
"so many questions in life but the answers are so few."
When I go home I helped something to do in the house
and promise to myself that I will only go out to go to
a place where I want to go if there is anymore nothing
to do in the house. And the lesson I get when i walk is
" You can never knew what will happen to your life
when you go out or even when you are only inside of
the house. It is because accident come to a person
without notice."

Friday, August 17, 2007

Boulevard

BOULEVARD
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap mong balik-balikan
Kasi kahit paano nakakagaan ka
ng loob
Kahit na sa bawat pagpunta sa'yo
Halos maubos ang perang dala.

Habang tinitingnan ang dagat
At ang malayong bukid
Pakiwari talaga kuntento na sa buhay
Lalo kapag iniinom na ang malamig
na beer.

Sa bawat pagpunta sa iyo
Kasama minsan ang ilang mga kaibigan
Ay nagdudulot ka talaga ng saya
Sabihin pang nahihilo kami sa pagkalasing.

Minsan isang gabi napadaan ako sa'yo
Akala ko ay sasaya ako
Akala ko lalasingin mo uli ako
Pero hindi, hindi ganun ang nangyari.

Bakit?, bakit sa'yong lugar ko pa
Nakita na magkasama at masaya
Ang tibok ng aking puso
At ang karibal ng aking puso.

Hudyat ba iyon para humanap ako ng iba?
Hudyat ba iyon para kalimutan na lang siya?
Hudyat ba iyon para di ko na siya isipin pa?
O, hudyat iyon para unti-unti iwasan na kita?

Oh, boulevard sikat ka ngang puntahan
Nang magsing-irog o nais mag-inuman
Ngunit bakit sa kabila ng lahat na
pagpupunyagi ko sa'yo
Binigyan mo ako ng sakit, walang kapantay
na sakit.

Boulevard, oh boulevard, bakit?

Saturday, July 28, 2007

Sana

*Sa mga nawalan na ng isang Ina o kaya sabihin pang Itay at nabasa niyo ito, siguro ay masasabi niyo na tama lang na makasulat ako ng isang ganito.*

SANA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sana muli kitang makasama
ng madama ko ang pagmamahal
mo sa akin.

Sana muli kitang makita
ng magkaroon ng kulay mata
kong nalulungkot.

Sana muli kitang makasabay sa
pagkain para kahit ano
ang ulam kasalo kita.

Sana muli tayong makapamasyal
para kahit di man masyado malinis ang
paligid ay may sigla pa rin.

Sana muli tayong magkakuwentuhan
para malaman ang suliranin
ng isa't isa.

Sana muli tayong manood ng tv
ng malaman mga nangyayari
sa ibang lugar.

Sana muli nating madama
ang lungkot at saya na
nangyayari sa atin.

Kung buhay ka lamang
ay mangyayari sana ang
lahat ng ito.

Sana buhay ka pa
mahal na mahal kong Ina
sana, sana buhay ka pa.

Monday, July 23, 2007

Only You

* 1999 ng isulat ko ang poem na ito. Ito ang pangatlo kong sinulat na poem. At alam niyo ito na rin ang naging huli kong sinulat na poem. Mula ng sinulat ko ito at hanggang ngayon ay di pa uli ako nagsusulat ng poem. Kasi ng pinabasa ko ito sa kaibigan ko ay tumawa siya, at pakiramdam ko ay di niya nagustuhan. Pakiwari ko din ay nainsulto ako, he he. Kaya mula noon di na ako gumawa ng poem. Ang mga ginagawa ko na lang ay tula, kasi madaling maintindihan lalo at tagalog ang pagkakasulat. Ang una at pangalawa kong sinulat na poem ay ang MISS YOU at ang MY CRUSH na nandito rin sa blog na ito. Click lang ang OLDER POST para makita iyon. Kung di mo makita sa una mong pag click ng older post ay click lang uli hanggang sa makita at mabasa mo. *

ONLY YOU
By: Arvin U. de la Peña

Since that we've meet
No anymore lonely in my eyes
Everyday my life is wonderful
Full of joy and happiness.

Like a star in the sky
Is what my feelings
Very high from others
Hard to reach.

Thus, wherever I go
You're always in my memory
Even that I have a problem
I never think to forget you.

Because I fall in love with you
How happy I am
If I am thinking
That we would be together someday.

For only you already in my heart
A very best that happen to me
That inspired me
To work hard at efficient.

Tuesday, July 17, 2007

Huling El Bimbo

HULING EL BIMBO
Ni: Arvin U. de la Peña

Katulad pa rin ng mga nagdaang araw si Carlo ay madalas sa tapat ng bahay nila, naggigitara. Kapag may dumaraan na mga kilala niya ay kanya itong papansinin at minsan nakikipagkuwentuhan. Dati ay hindi ganun si Carlo. Dahil siya iyong tipo ng tao na sa pagkakaalam ko hindi gusto na nandoon lagi sa bahay nila. Kapag walang pasok sa paaralan ay sa mga barkada niya siya lagi nakikihalubilo. At uuwi sa bahay nila kapag gabi na.
Minsan si Carlo ay nilapitan ko. Papalapit pa lang ako ay nginingitian na niya ako. Paano, ay siya iyong madalas kong kalaro noong bata pa ako na mahilig akong dayain. Madalas pa niya akong biruin at kulitin. Higit sa lahat mahilig siyang magpatawa. May pagkainis nga akong nararamdaman sa kanya.
Habang nag-uusap kami halata sa mukha niya ang lungkot. Para bang walang sigla ang buhay niya. Hindi katulad dati na kapag nag-uusap kami ay masaya talaga siya at nagpapatawa pa. Nang tanungin ko siya bakit ganyan siya ngayon ay sinabi niya na pag-ibig ang dahilan. Nabigo raw siya sa babae na tibok ng puso niya. Mahirap daw na limutin ang babaing iyon.
Gusto kong tanungin kung sino ang babae pero hindi ko magawa. Pansin ko sa mga mata na gusto niyang lumuha habang kausap ako, pero hindi niya nagawa. Pinigil niya ang pagpatak ng luha.
Pag-uwi ko sa amin ay awang-awa ako kay Carlo. Kasi parang nawalan ng halaga ang buhay niya ng dahil lang sa babae. Palaisipan pa rin sa akin kung sino ang babae na tinutukoy niya.
Bigla, isang gabi ay idinaos ang paligsahan ng pag-awit na matagal na ring inanunsiyo. Napakarami ng tao ang naroon ng pumunta ako sa pagdadausan ng patimpalak. Malaking halaga kasi ang premyo kaya maraming tao ang nanonood para alamin kung sino ang magwawagi.
Ilang sandali nga lang ay inumpisahan na ang paligsahan. Ang mga tao ay nakikinig talaga sa umaawit at minsan ay humihiyaw pa. Palakpakan naman kapag natatapos na sa pagkanta ang isang kalahok. Sa di inaasahan ay nabigla ako dahil narinig ko na kasali daw si Carlo. Pumasok agad sa isip ko, ano kaya ang aawitin ni Carlo at bakit sumali siya.?
Pag-akyat palang ni Carlo sa entablado ay di mapigilan ang hiyaw at palakpak ng mga tao. Kung bakit?, iyon ay dahil si Carlo ay kilala sa aming lugar. Ngunit ng umpisahan na niya ang pag-awit ay tumigil ang mga tao sa hiyaw at palakpak. Tiningnan at pinakinggan talaga nila ng mabuti ang ginagawang pag-awit ni Carlo. Habang tumatagal ang pag-awit ni Carlo ay lalo siyang ginaganahan. Gandang-ganda talaga siya sa pag-awit. Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan na nadarama. Ngunit ng patapos na ang kanta bigla ay may tumulong luha sa kanyang mga mata. Lalo na ng binalikan uli sa pag-awit ang koro ng kanta.
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
na umibig ng tunay"
Kita talaga sa mga mata ni Carlo ang pagluha. Ang maganda ay hindi niya hinayaan ang sarili na magkamali. At ng matapos na ang pag-awit niya ay palakpakan uli ang mga tao. At si Carlo habang bumababa ng entablado ay bakas sa mukha niya na malungkot talaga siya.
Habang inaanunsiyo na kung sino ang mananalo sa sampu na kalahok ay di mapakali ang mga tao dahil halos lahat na sumali ay magagaling. Tinawag ang pang pangatlo na nagwagi. Gayundin ang pang pangalawa. Palaisipan ang mga tao kung sino ang mananalo. Nang iaanunsiyo na talaga kung sino ang magwawagi ang mga tao ay di na mapakali. At bigla ay pangalan ni Carlo ang binigkas na siyang nanalo. Palakpakan at hiyawan agad ang mga tao. Nang tinanggap na ang tropeo at premyo na napanalunan ni Carlo, bigla ay nagsalita siya sa mikropono na ang tagumpay niya ay inihahandog niya sa babaing mahal na mahal niya ngunit di siya mahal na ang pangalan ay Magnolia. Na touch ang mga tao sa sinabi niya kasali na rin ako dahil nagkaroon na rin ng kasagutan kung sino ang babae na nagpalungkot sa kanya.
Si Magnolia pala ang nagbigo sa buhay pag-ibig ni Carlo. Si Magnolia pala na isa ko ring kababata.

Tuesday, July 3, 2007

Katanungan

KATANUNGAN

Marami-rami na ring lugar ang aking napuntahan. Habang sakay ng bus o jeep nakikita ko ang iba't-ibang uri ng pamumuhay ng tao. May nagtitinda sa gilid ng kalsada, may naglalako ng diyaryo, nagbebenta ng mga candy o ano pa. Ang iba naman ay nagpapalimos. Magkaroon lang talaga ng pantawid gutom kahit anong trabaho ay pinapasukan kahit masakit sa kalooban. Gustuhin man nila na ibang trabaho naman hindi nila nagagawa dahil iyon lang ang alam nila para sila ay mabuhay.
Minsan habang sakay ako ng bus ay may sumakay na mag-asawa. Halos ang kanilang edad nasa twenty-five. May isa silang anak na siguro mga isang taon na. At mayroon din silang dala na malaking bag. Na kung hindi ako nagkakamali mga gamit nila ang nasa loob. Sa unahan ng inuupuan ko sila umupo. Kaya dinig na dinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Noong una hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila. Sa halip ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. At iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Kahit paano ay mayroon akong permamente na trabaho.
Sa di ko inaasahan bigla kong narinig na sinabi ng lalaki na "paano na ito ngayon, pinalayas na tayo sa bahay ng mama mo?". Doon ay bigla akong nagka-interes na makinig sa pag-uusap nila. Nalaman ko na kaya sila pinalayas ay dahil nagkaroon ng alitan ang babae at ang mama niya. Nalaman ko rin na si babae ay walang trabaho at umaasa lang sa magulang. At si lalaki naman may trabaho pero di gaanong malaki ang suweldo. Natanong ko sa sarili, "paano na ngayon sila?". Mabuti kung nandoon pa sa bahay ng babae kasi kahit paano nalilibre ng kaunti kasi may ikinabubuhay naman ang pamilya ng babae. Ngayon na wala na sila doon ay uupa na sila ng bahay at lahat ng makakain nila o gatas ng bata ay perang pinaghirapan na ng lalaki. Di naman daw sila puwede umuwi sa lugar ng lalaki dahil walang magiging trabaho doon ang lalaki.
Bigla ay umiyak ang bata na karga ng lalaki. Doon natanong ko uli sa sarili, "ano kaya ang buhay na naghihintay sa batang ito paglaki niya?" May maganda kaya siyang buhay sa hinaharap? O matutulad din siya sa ibang mga bata na paglaki di naging maganda ang kapalaran. Sa di inaasahan bigla ay nagpapara ang lalaki para sila ay bumaba na. Napakadami ng katanungan tungkol sa mga bata na di muna nasasagot dahil sa paiba-iba ang takbo ng panahon. Kung ngayon ay naghihirap ang isang tao, baka sa susunod na buwan o taon ay hindi na. Kung ngayon ay hindi naghihirap ang isang tao, baka sa susunod na buwan o taon ay maghirap na. Wala talagang kasiguraduhan ang kaginhawaan sa buhay. Sabi nga ng iba mas mabuti pang laging bata kasi di gaanong nararamdaman ang mga problema. Pero imposible naman iyon na mangyari na laging bata lang. Kahit walang gaanong kainin ang isang bata ay lalaki pa rin iyon paglipas ng taon.
Buti na lang ako hindi ko naranasan ang magpalaboy-laboy sa kalsada. Kung hindi baka wala ako ngayon sa kinalalagyan ko. Pero paano nga pala ang nabuntis kong kasintahan noong ako ay nag-aaral pa sa kolehiyo apat na taon na ang nakakaraan na ang babae ay umuwi na lang sa kanilang probinsya dahil hindi ko pa kayang maging isang ama? Paano na kaya ang buhay niya ngayon? Hinahanap kaya niya ang kanyang ama? O baka mayroon na siyang ibang ama. Mahirap sagutin ang katanungan ko tungkol sa bata. Pero alam ko at nararamdaman ko na hindi siya pababayaan ng kanyang ina. Hindi siya pababayaan ng minsan kong minahal na si Anna Madelle. At alam ko darating ang tamang panahon na muli kaming magkikita, kasama ang naging anak ko sa kanya.

Monday, July 2, 2007

Water Love

WATER LOVE
Kay: Stefanie Joan Villarin
Ni : Arvin U. de la Peña

Lagi akong masaya
Kapag ikaw ay naaalala ko
Ang mga problema sa buhay
Bigla ay nakakalimutan

Tandang-tanda ko pa
Nang makipagkita ako sa iyo
Akala ko di mo ako papansinin
Kasi lumingon ka lang muna ng tinawag kita

Oo inaamin ko naman
Walang pagkukunwari kong inaamin
Wala talaga akong sinabi sa iyo
Kasi maganda ka at mabuti pa ang kalagayan

Minsan naiisip ko tuloy
"Bakit nahihibang ako sa'yo?"
"Bakit gustong-gusto kita?"
"At bakit umiibig ako sa'yo?"

Kung bakit ikaw pa
Mahirap po na ipaliwanag
Basta ang alam ko
Masayang-masaya ako sa'yo

Kahit di ka maging akin
Kahit maging pangarap lang kita
Pagtingin ko sa'yo ay di mag-iiba
Sa puso at isip ay ikaw pa rin

Sa iyo ay iisa lang ang hiling ko
Kahit na masakit sa akin
Kahit na mapaluha pa ako
Sana pagbigyan mo ako

"Sa iyong kasal sana imbitahin mo ako
dahil iyon po ang huli at tanging
paraan upang maisip ko na ikaw
ay aking asawa."

Friday, June 29, 2007

Kagaya sa Magulang ( one page story line )

* Minsan nakabasa ako sa diaryo ng isang contest sa paggawa ng isang one page story line lang at puwede ipadala sa e-mail. Sa kagustuhan ko na makapag submit ay nagpadala ako. At ito po ang ginawa ko ang pamagat ay "Kagaya sa Magulang". Ewan kung ano ang kinalabasan ng pag submit ko nito.*





KAGAYA SA MAGULANG
Ni: Arvin U. de la Peña

Siya si Manilyn, nag-iisang anak ng mag-asawang Roberto at Caridad. Bilang magulang lahat ginagawa nina Roberto at Caridad para may ipantustos sa pag-aaral ni Manilyn. Dahil sa sila na mag-asawa ay kapwa di nakatapos ng pag-aaral. Hanggang third year high-school lang sila. Iyon ay dahil naging mapusok sila noong kabataan pa nila. Madalas nga ay naaalala ni Caridad ang pangyayari ng matuklasan ng magulang niya na siya ay buntis.
"Walang hiya kang babae ka, wala kang utang na loob. Pagkatapos ka naming papag-aralin sa de kalidad pa na paaralan ito pa ang isasalubong mo sa amin. Layas!, lumayas ka. Magsama kayo ng nobyo mo."
At sa bawat paggunita na iyon ni Caridad sa naging asal ng magulang niya sa kanya ay napapaiyak siya.Paano?, hindi siya natanggap na siya ay nagbuntis at di na rin susustentuhan.
Kaya nga sa pagtira niya sa baht nina Roberto na kanyang asawa pinapakita niya talaga na karapat-dapat siya sa pamilya nito. Lalo na ng siya ay manganak. Pinakita niya talaga na puwede na siyang maging isang ina kahit na bata pa. At ang asawa niya naman na si Roberto ay lalong nagpursige sa pamamasada ng jeep kasi di na naman siya nag-aaral.
" Hanggang dito na lang po ako, " sabi ng pasahero.
"Ilulugar ko lang po sa babaan ng pasahero", sagot naman ni Roberto.
Nang magtatatlong taon na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay tumanggap na si Caridad ng labahan.Kahit na nakakapagod ang paglaba ay kinaya niya. Kasi nakakahiya na sa mister niya na hindi man lang siya kumukita. Higit sa lahat sa mga magulang ng kanyang mister.
Nang nasa elementarya na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay hinahatid-sundo niya sa paaralan. Kahit mahal na mahal niya ang nag-iisa nilang anak. Hanggang sa pag high -school ng anak nila hindi pa rin tumitigil sa Caridad sa paaralan para sa paghatid at sundo sa anak. Lagi niyang pinagsasabihan na mag-aral ng mabuti.
"Manilyn, anak dapat makatapos ka ng pag-aaral ng sa ganun makapagtrabaho ka ng nasa opisina o kaya sa kompanya. Huwag mo kaming tularan ng tatay mo na hindi nakatapos. Kaya heto ako, labandera at ang tatay mo driver ng jeep".
Sa pag-aaral na ni Manilyn sa college doon ay hindi na siya hinahatid sundo ng nanay niya kasi malayo sa bahay nila.
Sa umpisa ng pag-aaral ni Manilyn pinagbuti niya talaga para di niya mabigo ang mga magulang niya. Hanggang siya ay mag-second year college ganun pa rin ang prinsipyo niya ; pag-aaral muna. Kahit may nanliligay sa kanya di niya tinatanggap. Sa panahon na iyon labandera pa rin ang nanay niya at ang tatay niya ay driver pa rin.
Ngunit sa pagsapit niya ng 3th year college nabali ang prinsipyo niya. Tinanggap niya ang panliligaw sa kanya ng kaklase niyang si Harold na hindi alam ng magulang niya. Ilang sundo at hatid sa sakayan pauwi. At ilang pamamasyal sa labas at kain, doon ay bumigay si Manilyn sa kagustuhan ng kasintahan niyang si Harold. Nalaman na lang niya na nasa loob na sila ng motel. Nasundan pa iyon ng nasundan na lingid sa kaalaman ng magulang niya.
Sa paglipas pa ng ilang buwan doon ay nalaman na ng magulang niya na siya ay buntis. Pinagalitan siya at pinagmumura ng nanay niya.
"Wala kang utang na loob. Pinag-aral ka namin ng tatay mo para ka makatapos sa pag-aaral. At para naman umasenso tayo. Pero anong ginawa mo, nagpabuntis ka sa kasintahan mo", sabi ng nanay niya
"Patawarin mo ako inay", sabi naman ni Manilyn
"Paano na ngayon iyan matitigil ka sa pag-aaral dahil buntis ka. Malandi ka rin palang babae ka!", sabay alis ng nanay ni Manilyn
Pagpunta ni Manilyn sa bahay nina Harold doon ay pinagtapat niya ang nangyari.
"Harold pinagalitan ako ng nanay ng malaman niyang buntis ako," sabi ni Manilyn
"Huwag kang mag-alala ganun talaga iyon. Hindi naman kita pababayaan," mahinahon na sabi ni Harold.
Isang araw pa bago manganak si Manilyn doon ay pumunta na si Harold sa bahay nina Manilyn. Noong una ay hindi siya matanggap dahil bata pa nga sila. Pero kalaunan ay tinanggap na rin siya. Dahil sa pangakong siya ang magtataguyod sa kanyang pamilya dahil sa maykaya naman sila.
Pagkapanganak ni Manilyn doon ay naramdaman agad ni Harold na tatay na siya at si Manilyn naman nanay na.
Si Caridad naman ay masaya sa panganganak ng anak niyang si Manilyn. Pero sa puso niya medyo may hinanakit pa rin dahil hindi nakatapos ng pag-aaral ang anak niya. At hindi matutupad ang nais niya na si Manilyn ay papasok sa opisina o kaya sa kompanya para magtrabaho.
At si Roberto naman ay masaya rin dahil may apo na siya. Ngunit nanghihinayang din siya na inuna muna ni Manilyn ang pag-ibig kaysa pag-aaral. Pero sa isip niya wala na siyang magagawa dahil nangyari na at higit sa lahat ganun di naman sila ng asawa niyang si Caridad. Inuna muna ang pag-ibig kaysa pag-aaral.

THE END

Thursday, June 28, 2007

Kasalanan ko ba?

KASALANAN KO BA?

Kasalanan ko ba kung ako'y magmahal ng tapat
Kasalanan ko ba kung maging masunurin ako sa gusto mo
Kasalanan ko ba kung magpatangay ako sa haplos ng iyon pagmamahal
Kasalanan ko ba kung tumanggi ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung pagbawalan kita
Kasalanan ko ba kung awayin kita
Kasalanan ko ba kung maiisip kita lagi
Kasalanan ko ba kung durog na ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung sumbatan kita
Kasalanan ko ba kung sinasabi ko sa'yo na wala kang hiya
Kasalanan ko ba kung maging suwail ako sa aking mga magulang dahil sa'yo
Kasalanan ko ba kung baliw na baliw ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung maging mahina ako
Kasalanan ko ba kung mapaaway ako dahil sa'yo
Kasalanan ko ba kung gumawa ako ng hakbang na hindi ko talaga nais dahil kagustuhan mo
Kasalanan ko ba kung umibig ako ng walang pag-aalinlangan
Kasalanan ko ba kung puso ko sa iyo lang talaga
Kung kasalanan man ang lahat ng ito bakit?
Bakit iniwan mo ako na ikaw ang dahilan nito?

Taong Grasa

TAONG GRASA
Ni Manelynne T. Trani

Basurang lumalakad kung ako ay tawagin. Kung bakit basura? Iyon ay dahil wala na akong silbi sa lipunan. Lahat ay iniiwasan ako. Kapag ako ay naglalakad iniiwasan nila ako na makasalubong. At kapag ako naman ay nagpapahinga at dinadaanan nila ang kanilang ilong kadalasan ay tinatakpan nila.
Palabuy-laboy lang ako sa kung saan. Wala akong permamenteng tirahan. Kapag may nakikita na puwedeng makain sa basurahan o sa kalsada iyon ay pinupulot ko para kainin. Minsan lang kung may magbigay sa akin ng pagkain o kaya pera para ko ipambili ng pagkain. Kulang na lang talaga sa akin ay mamatay na. Pero natatakot ako na magpakamatay. Kaya mahirap man ang kalagayan sa tulad ko ay nilalabanan ko na lang para mabuhay.
Minsan ay nangangarap din ako na may tumulong sa katulad ko. Para naman makawala na ako sa pagiging "taong grasa". Nang sa ganoon ay makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May matulugan na sapat na higaan at mamuhay kahit isang ordinaryong mamamayan lang. Ngunit hanggan pangarap na lang yata iyon. Dahil pinagtatabuyan na nga ako, tutulong pa kaya.
Sana isang araw ay magising talaga ako na maayos na ang buhay ko. Bagong gupit, hindi marumi, at maayos ang damit na suot. Higit sa lahat nakikisalamuha sa mga tao. Kung hindi naman dumating ayos na rin sa akin. Alam ko naman na may katapusan ang lahat ng ito sa akin. Kung kailan, iyon ay kung hindi na ako humihinga.

Sawi

SAWI

Madalas ikaw ang naiisip ko
Mula sa umaga pagkagising
Hanggang sa gabi ay matutulog
Kahit ako ay di mo pansin

Oo aaminin ko gusto kita
Noon pa man una kitang nakita
Dahil ginising mo talaga
Ang puso kong natutulog

Dati ay sinabi ko sa sarili
Hindi na ako iibig
Ngunit ng masilayan kita
Nagbago ang isip ko

Masakit nga lamang sa dibdib
Para lang akong hangin
Na nagdaraan sa iyo
Na hinding-hindi mo talaga napapansin

Hinihiling ko na lamang
Sana maging masaya ka lagi sa buhay
Walang problema na kakaharapin
Para ako ay maligaya rin.

dalawang kuwento

BAKIT

Parang nasabugan ako ng bomba ng bigla ay makipaghiwalay ka sa akin. Dahil mahal na mahal mo ako. Noong nililigawan mo pa lang ako kahit ilang oras kaya mo akong hintayin sa paaralan. Hinahatid mo pa ako sa amin. Nang minsan na sinermonan ka ng mga magulang ko na dapat hindi mo ako nililigawan dahil mahirap ka lang ay balewala lang sa iyo. Hindi ka nagalit. Naging matiyaga ka talaga sa akin. Gustong-gusto mo talaga ako. Kaya nga ng sagutin kita, kitang-kita ko sa mukha mo ang kasiyahan. Labis-labis ang iyong pasasalamat na tinanggap ko ang iyong panliligaw.
Nang tayo ay nagmahalan na wala akong masabi sa iyo. Napakamaasikasuhin mo sa akin. Hindi ka gumagawa ng hakbang na maaaring ikagalit ko sa'yo. Kapag may araw naman na di tayo nagkikita ay tinatawagan mo ako at kinukumusta. Para alamin kung ayos lang ba ako.
Ngunit bakit ngayon? Bakit pagkatapos ng tatlong taon na pag-iibigan natin bigla kang makikipaghiwalay sa akin? May kasalanan ba ako? Mayroon ba akong nagawang pagkakamali sa'yo? Bakit ito ang igaganti mo sa akin pagkatapos kong maibigay ang lahat sa'yo? Akala ko ba ako na sa piling mo? Ako ang gusto mong makasama sa habambuhay. Pero bakit? Bakit nakipaghiwalay ka sa akin ng walang sapat na dahilan? Paano na ang mga pangarap natin? Hahayaan na lamang ba na di matupad? Hindi ka ba nasasayangan roon?
Sana ay tama ang aking hinala na nabigla ka lang kaya ka nakipaghiwalay sa akin. Ayaw mo lang muna na makita ako at makasama. At babalik ka rin para ako ay sorpresahin. Dahil sa estado ng buhay natin ay langit ako at ikaw ay lupa. Pagbalik mo ay pantay na tayo at di ka na mahihiya sa aking mga magulang.
Umaasa talaga ako na wala pang katapusan sa ating dalawa. Magpapatuloy pa balang araw ang maganda nating relasyon. Wala pang wakas sa pag-iibigan natin. Kung ang wakas ay wala na ngang karugtong.

HINANAKIT NG PINALAGLAG

Kaytamis ng inyong pagmamahalan. Sweet kayo lagi sa isa't isa. Kapag kayo ay magkasama nais niyo talaga ay di na maghiwalay. Lalo na kapag nagkakasarilinan. Pangako sa bawat isa kaysarap pakinggan. Habang gumagawa kayo ng hakbang na maaaring mabuo ako para bang handa na kayo na maging anak ako. Para bang handa na kayo na maging magulang habang nagtatampisaw sa kaligayahan. Hindi niyo man lang talaga iniisip na kapag nagbunga ang dagta ng inyong pagmamahalan may responsibilidad na kayo kahit na kayo ay responsibilidad pa ng inyong mga magulang.
Ngayon buo na ako. Sanggol na ako na maituturing sa sinapupunan. Umaasa ako na pagkatapos pa ng ilang buwan makikita ko na ang mundo ng mga tao. Higit sa lahat umaasa ako na makikita ko ang dalawang tao na nagmahalan na bumuo sa akin. Para pasalamatan kahit sa isip pa lamang.
Huh!, ano ito? Bakit hinihila ako palabas? Ayoko!, ayoko! hindi pa ito ang tamang araw para ko makita ang liwanag ng mundo. Maawa ka naman sa akin. Masakit ang iyong ginagawa sa akin, masakit!. Tigilan mo na ang ginagawa mo, parang awa mo na!
Patay na ba ako? Bakit nasa isang supot na ako ng plastik? Hindi na ako nasa loob ng sinapupunan. Bakit nagawa niyo sa akin ito? Bakit pinapatay niyo ako habang maliit pa at walang kalaban-laban? Akala ko ba mamahalin niyo ako katulad ng pagmamahal niyo sa isat-isa. Bakit hindi niyo man lang ako hinayaan na mabuhay para naman matupad ang mga pangarap ko? Bakit hindi niyo man lang ako binigyan ng pag-asa na maging bahagi ng lipunan? Makakaya ko naman na tiisin ang hirap na aking mararanasan bilang bahagi ng isang pamilya. Bakit naging ganoon ang pasya niyo pagkatapos na mabuo ako?
Sana hindi na lang ako nabuo kung ipapalaglag rin lang. Hindi pa pala kayo handa na maging magulang. Tuloy pinag-uusapan ako ngayon dahil pinatapon niyo lang ako sa kung saan may makakakita sa akin. Wala talaga kayong awa sa akin.

Maling Akala

MALING AKALA
Ni Manelynne T. Trani

"Wala na siya rito sa ating lugar. Umalis na siya, matagal na. Siguro mga dalawang taon na at mula noon hindi pa siya bumabalik. Nangyari ang pag-alis niya rito isang buwan pagkatapos mong magpasya na sa Maynila mag-aral ng panibagong kurso sa kolehiyo". Para akong nasabugan ng sabihin ng kaibigan ko ang mga salitang iyon. Ang dahilan kung bakit nagbakasyon ako ay hindi ko pala makikita. Si Enrico hindi ko pala siya makakausap tungkol sa aming naputol na magandang relasyon.
Sino nga ba si Enrico sa buhay ko? Well, siya ang dahilan bakit naging makulay ang buhay ko. Siya ang taong nagmahal sa akin ng totoo. Hindi siya katulad ng iba kong nakarelasyon na puro dusa ang inabot ko. Nandun ang pagkakataon na ako ay paiiyakin, sasaktan, at higit sa lahat nakakakita ako ng dahilan para ako ay magselos. Ngunit kay Enrico hindi ko naranasan ang mga iyon. Masayang-masaya talaga ako sa kanya.
Noong una hindi ko pansin si Enrico. Paano?, isa ko siyang kababata. Magkalapit lang ang aming bahay. Madalas ay magkasama kami noon kung maglaro. Kahit nagpapasaring siya noon binabalewala ko lang. Mas pinansin ko ang mga pasaring ng mga lalaki na malayo sa aming bahay. Iyon pala hindi ako magiging masaya sa piling nila. Kay Enrico ko pala matatagpuan ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig.
Nagkalayo lang kami ng magpasya ang mga magulang ko na sa Maynila ako mag-aral sa bago kong kukunin na kurso. Wala kasing nangyari sa una kong natapos sa kolehiyo. Nang sabihin ko kay Enrico iyon ay di niya tanggap. Dahil kami raw ay magkakalayo. May kurso naman daw dito na malapit lang sa aming lugar ang kukunin ko sa Maynila, bakit doon pa raw ako mag-aaral. SInabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit doon ako mag-aaral ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. Hanggang sa ako ay paalis na patungong Maynila hindi pa rin niya tanggap na doon talaga ako mag-aaral. Ngunit sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako na sinang-ayunan ko naman dahil mahal na mahal ko rin siya. At sinang-ayunan ko rin ang sinabi niya sa akin na huwag lang kaming magsulatan dahil malulungkot lang siya kapag may matatanggap na sulat na galing sa akin na malayo ako sa piling niya.
Habang nasa Maynila ako siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Dahil umaasa ako na sa aking pagbalik o pagbakasyon ay may Enrico na naghihintay sa akin.
Subalit heto ako ngayon sa aming lugar nagbabakasyon ng isang buwan pero wala si Enrico na aking inaasahan. At ramdam ko na mula ng kami ay magkarelasyon ngayon lang ako nakadama ng lungkot. Masaya na sana ako dahil ang nasa isip ko pumunta lang sa malayong lugar si Enrico para magkaroon ng magandang buhay para sa muli naming pagkikita ay mapag-usapan na namin ang para sa aming pagsasama ng bigla ay may nabalitaan ako isang linggo pagkaraan ng aking bakasyon. Kagigising ko lang ng malaman ko sa aking kapatid na si Enrico ay umuwi pero may kasamang babae. Parang sasabog ang dibdib ko ng marinig ko iyon. Gusto kong puntahan si Enrico sa bahay nila kung bakit niya ako pinalitan gayong wala namang break-up na nangyari sa aming relasyon.
Hanggang sa makita mismo ng dalawa kong mga mata na totoo ang sinabi ng aking kapatid. Si Enrico may iba ng babae at pinalitan na ako. Akala ko pa naman hindi siya tutulad sa mga nakarelasyon ko. Tumulad din pala siya.
Bukas aalis na lang ako papuntang Maynila. Hindi ko na lang tatapusin ang isang buwan ko na bakasyon. Sana malimot ko ang alaala namin ni Enrico pagdating ko roon. Masakit pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi siya para sa akin.

Dakilang Ina

DAKILANG INA

Buhay ko ay sa inyo lamang
Inilalaan sa bawat araw
Naghahanap-buhay ako
Para kayo ay aking mapakain

Bawat araw nanalangin pa ako
Sana sa inyong paglaki
Magpakabuti kayo at magpakabait
Walang kalaban sa lipunan

Oo aaminin ko
Minsan nasasaktan ko kayo
Sa sobra ninyong pasaway
Hindi ko mapigilan na di ko kayo
paluin ng konti

Dumating man ang araw
Na di ko na kayo kayang buhayin
Dahil ako ay mahina na
Sana tulungan niyo rin ako

Mga anak, o aking mga anak
Kayo ang bunga na aking pag-ibig
Sobra nga lamang na masakit
Mag-isa ko na bumubuhay sa inyo.

Love Story

LOVE STORY

Bata pa lamang ako
Ikaw na ang pangarap ko
Minimithi ko sa buhay
Na makasama sa habang panahon

Kapag tayo ay nagkakalaro
Madalas mata ko sa'yo nakatingin
Tinitingnan ka ng mabuti
Baka mapaano ka

Walang araw noon
Na hindi ako nag-aalala sa'yo
Paano, ikaw lang ang kababata ko
Na hangang-hanga ako

Kung tayo ay nagkakausap
Masayang-masaya ako
Para bang ayaw ko
Matigil ang pag-uusap natin

Hanggang sa tayo ay lumaki
Nagbinata ako at nagdalaga ka
Ganoon pa rin hindi nagbabago
Ang paghanga ko sa'yo

Masakit nga lamang
Marami na ang humahanga sa'yo
At pakiwari ko talaga
Hindi ako makakasabay sa kanila

Dahil hindi ako katulad nila
Na humahanga rin sa'yo
May kaya sa buhay
Hindi katulad ko, mahirap

Minsan naiisip ko
Bakit umibig ako sa'yo
Gayong alam ko noon pa man
Mayaman ang iyong pamilya

At nababatid ko
Hindi tatanggapin ang tulad ko
Dahil hindi nababagay
Sa katulad mo.

2 na tula

KAHILINGAN NG INA

Sa iyong paglaki sana makaasa ako
Na makakayanan mo anak ko
Mga pagsubok na darating sa'yo
Kahit na ito ay mahirap pa

Ang mga payo ko sa'yo
Sana ito ay sundin mo
Dahil lahat ng iyon
Para naman sa iyong ikabubuti

Mangyari man na nasasaktan ka
Tawagin mo lamang ako
Handa agad kitang tulungan
Dahil ikaw ang bunga ng aking pag-ibig

Pangarap na nais mo
Pilitin mo na maabot
Kung kailangan na magsikap ka
Gawin mo para matupad

Hindi man ako mayaman
Katulad ng ibang ina
Laha ng gusto mo
Pipilitin kong maibigay ng buong puso

Tangi ko lang hiling
Sana magkaroon ng kabuluhan
Mga pagod at hirap ko para sa'yo
Upang ako ay maging masaya habang buhay.

PAG-IBIG

Salamat sa iyo kaibigan
Napakabait mo sa akin
Kapag ako ay nangangailangan
Nandiyan ka para ako ay damayan

Kahit na ba ikaw ay mahirapan
At kahit na masaktan pa
Handa kang magsakripisyo
Alang-alang sa akin

Hindi naman tayo magkamag-anak
Lalong hindi tayo magpinsan
Pero napakabuti mo sa akin
Pinapasaya mo ako ng sobra

Tuloy nasabi ko sa sarili
Sana di ka magbago sa akin
Dahil kung pag-ibig ang dahilan
Handa kitang mahalin.

Pangarap ( published )

PANGARAP

Ako ay katulad rin ng iba
Kaginhawaan sa buhay
Ay laging hinahangad
Kailan, kailan kaya darating

Kaya nga ng dumating ang
isang pagkakataon
Na ako ay makakapunta
Sa ibang bansa
Labis ang aking kasiyahan

Heto nandito na ako
Sa bansa ng mga Hapon
Mahirap man trabaho
Tinitiis ko na lamang para
maahon sa kahirapan

At sa aking pag-uwi
Naiisip ko na dito pa lang
Naipon na pera ay ipupuhunan
sa negosyo
Para kahit paano guminhawa
pamilya ko.

- Manelynne T. Trani
St. John's Academy
Jose Gil St. San Juan
Metro Manila

Pagbangon ni Mama ( published ) aka. SANA NGA

PAGBANGON NI MAMA
( sana nga)
Ni Manelynne T. Trani

Kaysarap dati ng buhay ko. Panahon na sina mama at papa ay nagsasama pa. Bawat Sabado at Linggo ay namamasyal talaga kami. Palibhasa kapwa pumapasok sa opisina at mataas pa ang sahod ay ayos lang kung gumasto man ng pera. Basta para sa ikasasaya ng pamilya walang problema. Kung gusto ko naman ng isang bagay o laruan ay naibibili talaga nina mama at papa para sa akin. Kaya nga noon sinasabi ko suwerte ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Hindi katulad sa iba kong mga kaibigan na bukod sa wala pang katulong sa bahay ay nagsasakripisyo pa sila sa bawat araw para mabuhay. Ako ay hindi na. Mayroon ng nag-aasikaso para sa pagkain namin at naglalaba ng maruming damit.
Akala ko talaga ay walang katapusan ang kasiyahan ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Hindi pala, lahat pala ay may katapusan. Nalaman ko na lang isang umaga na pagkagising ko na si mama ay umiiyak. Iyak na masyadong nasasaktan sa pangyayari. Ako na sampung taong gulang noon at musmos pa ang kaisipan ay di ko agad nadama ang kanyang pag-iyak. Ngunit ng sabihin niya sa akin na si papa ay sumama na sa ibang babae at di na magbabalik sa amin ay di ko napigilan ang di umiyak. Paano?, di ko na makakapiling pa si papa. Noon pa raw pala ay may kinahuhumalingan ng ibang babae si papa.
Lumipas pa ang ilang araw napansin ko na lagi na lang malungkot si mama. Kung dati ay di siya tumitikim ng alak ngayon ay umiinom na siya ng alak. Pinalayas na rin niya ang katulong namin. Kung dati ay hindi ako naglalaba ngayon ay nagkukuskos na ako ng maruming damit. Madalas na rin akong utusan ni mama na bumili ng pagkain. Nag-iba talaga ang buhay ko mula ng mawala sa amin si papa. Ang masakit pa ay pinag-uusapan kami lagi ng aming mga kapit-bahay.
Kapag ako naman ay nasa paaralan at tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung nasaan si papa ay di agad ako nakakasagot. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko na naghiwalay ang mga magulang ko. At kapag nakikita ko naman ang iba kong mga kaibigan na magkasama silang pamilya ay may pagkainggit sa aking sarili. Naaalala ko ang mga sandali na magkasama kami nina mama at papa.
Tuwing sumasapit naman ang Sabado at Linggo ay lagi na lang ako sa bahay. Nasa isip ko na lamang ang aming pamamasyal. Kung humiling naman ako kay mama na kami ay mamasyal ay di siya pumapayag. Masyado talaga siyang naapektuhan sa nangyari.
Minsan isang gabi ay nanaginip ako. Kaming dalawa ni papa ay namamasyal. Masayang-masaya ako habang kami ay namamasyal. Gusto ko sabihin sa kanya kung bakit niya pinalitan si mama pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na dapat harapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin at huwag akong paaapi para di masaktan si mama.
Kinabukasan pagkagising ko at paglabas sa silid ay nakita ko si mama na nagdarasal sa altar. Namangha ako kasi mula ng magkahiwalay sila ni papa ay di na niya iyon ginawa. Pero ng araw na iyon nagdasal ulit siya sa altar. Taimtim na nagdarasal.
Nasa kusina ako ng tawagin ang pangalan ko ni mama. Maghanda raw ako kasi kami ay mamamasyal. Pagkarinig ko na kami ay mamamasyal ay napaluha ako ng kaunti. Nasa isip ko sana nga ay matanggap na talaga ni mama na si papa ay wala na sa amin.
Tuwang-tuwa ako ng araw na iyon.

Plano

PLANO
Ni Manelynne T. Trani

Magkatabi ng kuwarto na paupahan sina Lester at Kristine. Ngunit magkaiba ang paaralan na kanilang pinapasukan. Si Kristine ay kasama niya ang kanyang kapatid at pinsan. Samantala si Lester ay nag-iisa lang sa kanyang kuwarto. Dahil si Lester ay medyo mayaman at kumukuha ng kursong abogasya. Sa loob ng halos tatlong buwan na nila na magkatabi ng kuwarto ay hindi man lang sila nagkakausap ng masinsinan. Dahil si Lester ay mahiyain sa babae kahit na guwapo! At si Kristine naman nahihiya na siya ang lumapit kay Lester para makipag-usap dahil baka sabihin na siya pa ang nagpapakita ng motibo. Pero si Kristine ay crush niya si Lester. Gayundin si Lester may lihim siyang pagtingin kay Kristine.
Minsan isang gabi pag-uwi ni Lester galing sa paaralan ay nakita niya na may bisitang lalaki si Kristine. Nag-uusap silang dalawa sa sala at parang masayang-masaya si Kristine. Agad ay nakadama ng selos si Lester. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto agad ay nagsisisi siya kung bakit hinayaan na lamang niya ang pagtingin na nadarama kay Kristine. Ayan tuloy, mauunahan pa yata siya.
Kinabukasan paggising niya at pagpunta sa canteen para kumain nakasabay niya sina Kristine. Habang pumipili si Kristine ng pagkain nila na bibilhin ay naglakas-loob na nagtanong si Lester kay Kristine.
"Kristine, sino ba ang lalaki na bisita mo kagabi?".
"Ah, si Junjun kaklase ko", sagot ni Kristine.
"Nanliligaw ba siya sa iyo?" tanong uli ni Lester.
"Medyo," mahinang sagot ni Kristine kay Lester
"Ganun ba?", malungkot na sinabi ni Lester kay Kristine sabay puwesto na sa upuan para kumain,.
Habang siya ay kumakain hindi siya mapalagay. Nagtatalo ang puso niya at isipan. Sa isipan niya ayaw niya munang magmahal dahil magiging abala iyon sa kanyang pangarap na maging isang abogado. Ngunit sa puso niya ay nag-uudyok na ligawan na si Kristine. Dahil noon pa man na makita niya ito ay nagkaroon na siya ng pagtingin sa dalaga pero inililihim lang niya.
Kinagabihan muli ay bumisita na naman si Junjun. Ang masakit siya pa ang napagtanungan kung nandiyan ba si Kristine dahil nakatayo siya sa may pinto. At ilang sandali pa nagselos na naman siya.
Pagkabukas dahil sa hindi na niya talaga makaya na pigilan na lang ang nararamdaman kay Kristine ay niyaya niya ito na mamasyal. Laking pasasalamat niya ng si Kristine ay pumayag. Nasundan pa iyon ng nasundan. Bawat imbita niya kay Kristine ay pumapayag ito at sa bawat pamamasyal nila masayang-masaya siya, gayundin si Kristine. Ang ipinagtataka niya bakit mula ng mamasyal sila ni Kristine ay di na muli pang bumisita si Junjun.
Hanggang isang araw na hinihintay niya si Kristine na dumating galing sa paaralan ay nakipagkuwentuhan muna siya kay Rhea na pinsan ni Kristine. Sa pag-uusap nila doon ay nalaman niya na si Junjun ay kaibigan lang pala ni Kristine sa paaralan. Kinasabwat na kunwari ay manliligaw sa kanya para siya ay magselos ng sa ganun maglakas-loob na ipadama ang nararamdaman niya kay Kristine dahil mula pa raw noong una alam na ni Kristine na siya ay may pagtingin.
Pagdating ni Kristine ay napatawa lang si Lester. Nasa isip niya na naisahan siya ni Kristine. Nalaman ni Kristine na siya ay mayroon talagang pagtingin. Kaya si Kristine na ang gumawa ng plano para mangyari ang nais dahil si Kristrine crush din siya. Magpaganun pa man walang pagsisisi na minahal niya si Kristine dahil hindi iyon naging sagabal sa kanyang pag-aaral kundi naging inspirado pa siya.
Hanggang sa maging sila.

Kokak ng Kamatayan

KOKAK NG KAMATAYAN
Ni Manelynne T. Trani

Kokak...kokak...kokak...kokak...palakas ng palakas ang tinig na iyon at parami ng parami. Tila nagbabadya na may mangyayaring di maganda. Kinakabahan ako ng gabing iyon. Sa isang bahay na kami lang dalawa ni Inay.
Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga tao na nagdaraan. Nang tingnan ko si Inay sa higaan niya ay wala. Agad ay bumaba ako para siya ay hanapin.Nalaman ko sa mga tao na nagdaraan na pupunta sila sa tabi ng ilog para kumita sa taong napatay. Warak daw ang dibdib at kinain ang puso ng tao. Sa pagpunta ko doon nagulat ako sa aking nakita. Totoo yata na may aswang. Doon ko rin nakita si Inay. Nakiusyoso din pala siya sa nangyari.
Nang araw na iyon naging usap-usapan agad ang nangyari. Pati sa kabilang baryo ay umabot ang usapan. Wala silang alam na suspek kahit isa. Mag-iingat na lamang daw at kung maaari ay huwag ng lumabas ng bahay kapag hating-gabi na.
Kumakain kami ni Inay ng tanungin ko siya kung nakarinig din ba siya ng kokak ng mga palaka kagabi. Nagulat ako sa naging sagot niya dahil wala raw siyang narinig. Eh! sa palagay ko sigurado ako na kahit tulog ay magigising dahil sa masyado talagang malakas at maraming kokak ang naririnig ko.
Isang linggo ang lumipas muli nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka sa hating-gabi. Katulad rin noong una kong marinig ang mga iyon. Palakas ng palakas at parami ng parami. Nasa isip ko sana di mangyari ang hinala ko na may papatayin na naman.
Muli pagkabukas nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Nang tingnan ko naman si Inay sa higaan niya ay wala. Usap-usapan ng mga tao ang taong pinatay sa may puno ng akasya. Ang pagkakapatay ay katulad din daw sa taong pinatay sa tabi ng ilog. Aswang daw ang may kagagawan.
Sa pagpunta ko sa may puno ng akasya. Muli ay nakita ko na katulad talaga ang pagkakapatay isang linggo na ang nakakaraan. Warak ang dibdib at wala ng puso ang tao. At si Inay nakita ko na naroon din.
Naglilinis ako ng bahay ng si Inay ay tanungin ko rin tungkol sa kokak ng mga palaka. Tulad din ng dati ang naging sagot niya. Wala siyang naririnig na mga kokak ng palaka.
Naulit pa ng naulit iyon. Na sa bawat pakakarinig ko ng kokak ng mga palaka pagkabukas ay may patay na tao na warak ang dibdib at wala ng puso. Gusto kong ikuwento sa mga tao na kapag ako ay nakakarinig sa hating-gabi ng mga kokak ng palaka ay may patay pagkabukas. Ngunit hindi ko magawa dahil baka pagtawanan lang nila ako.
Minsan isang hating-gabi nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka. Kinakabahan ako ng gabing iyon at di mapakali. Naisipan kong tingnan si Inay sa kanyang higaan. Nagulat ako dahil wala siya roon. Hinalugad ko ang buong bahay wala talaga si Inay. Gusto kong lumabas ng bahay para siya hanapin ngunit naghari ang takot sa akin. Nagdasal na lamang ako na sana walang masama na mangyari sa kanya.
Muli, nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Agad pumasok sa isip ko si Inay dahil wala siya kagabi ng marinig ko ang mga kokak ng palaka. Habang papunta ako sa pinangyarihan ay kinakabahan ako. Lalo na ng makarinig ako na ang pinatay na babae ay halos magkasing-edad lang ni Inay.
Laking pasasalamat ko na lang ng hindi si Inay ang pinatay ng aswang. Ngunit ng makita ko si Inay ay di katulad noong dati ko siyang nakikita kapag may pinapatay ang sinasabi nilang aswang. Dahil si Inay ng makita ko ay may mga kaunting sugat sa katawan. Lalo na sa kanyang mga kamay. Para siyang nakipaglaban. Gusto kong lapitan si Inay sa oras na iyon para alamin kung bakit nagkaganun siya. Pero di ko na lang ginawa. Hanggang sa pag-uwi ng bahay hindi ko na siya tinanong. Naging palaisipan na lang sa akin kung bakit nagkaroon siya ng mga kaunting sugat.
Kokak...kokak...kokak...kokak..."Huh!", ito na naman ang kokak ng mga palaka. Sana bukas ay walang tao na patay na warak ang dibdib at wala ng puso.
-wakas-

Sir Bobby: PNP-TMG

SIR BOBBY: PNP-TMG


Tawagin na lang natin siyang Sir Bobby. Ang pangalan niya kasi ay Roberto. Isa siya sa mga miyembro ng PNP-Traffic Management Group na hinahangaan ko. Dahil hindi siya tumatanggap ng suhol. Kapag mayroon talagang violation ang sasakyan ay huhulihin niya. Kahit sino pa ang may-ari.
Ang paghanga ko sa kanya ay sobra-sobra. Kapag kami ay nagkakausap makikita mo talaga na pawang katotohanan ang sinsabi niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit hanga ako sa kanya ay tungkol sa buhay niya. Noong nag-aaral pa raw siya ay may banda sila.Tumutugtog sila sa kung saan-saan at ang pera na ibinabayad sa kanila ay ginagasto nilang lahat sa pag-aaral. Ang iba daw na kasama niya sa banda ay nasa ibang bansa na. Kung nag-interes daw siya na mangibang bansa at tumugtog doon ay sigurado daw na matutupad iyon. Dahil magaling siyang maggitara at umaawit din siya. Dahil sa kanilang banda ay second voice siya sa vocalist.
Marami pang dahilan kung bakit hinahangaan ko siya. Ngunit ang masyado kong hinangaan sa kanya ay ng makasalba siya sa isang hinostage na babae. Nasa kalsada siya at ginagampanan ang tungkulin bilang PNP-TMG. Nang may mapadaan na taxi na sa loob ay may hostage. Agad ay hinabol nila ng kasamahan niya. Dahil matraffic bigla ay nakalabas ay driver ng taxi at naiwan sa loob ang biktima at ang suspek na ang hawak ay patalim. Sigaw pa raw ng sigaw ang suspek na papatayin niya ang biktima habang nasa loob ng taxi at tinututukan ng patalim ang biktima. Kahit anong pakiusap raw nila na palayain na ang babaing biktima ay ayaw makinig ng suspek. Kitang-kita raw niya na masyado ng kinakabahan ang biktima dahil hindi nagbibiro ang suspek.
Sa tawag ng tungkulin na baka tuluyan ng suspek ang biktima agad ay nag-isip siya kung paano babarili ang suspek na hindi makakahalata. Dahan-dahan ay pumunta siya sa likod ng taxi. May mga reporter na daw noon at nakavideo na ang nagaganap. At ng makalugar na siya na barilin ang suspek agad ay pinaputukan niya sa kanang braso ang suspek na doon hawak ang patalim. At agad ay nadampot nila ang suspek na namimilipit na sa sakit.
Iyak ng iyak daw ang babae na hinostage pagkatapos na siya ay makawala na sa suspek. Dahil sa akala ng babae ay katapusan na niya. Sa araw na iyon agad ay ipinakita sa TV ang naganap na pangyayari. Bayani siya sa tingin ng iba ngunit sa mga magulang ng suspek ay hindi. Dapat daw ay hindi binaril ang suspek at pinakiusapan lang ng mabuti na palayain ang hinostage dahil sa ang suspek ay galing sa mental hospital at kalalabas lang ng araw na iyon.
Lalo siyang nagulat ng siya ay kinasuhan ng mga magulang ng suspek na mayaman pala. Dahil sa tingin niya tama ang ginawa niya at di niya alam galing sa mental hospital ang suspek ay nilabanan niya ang kaso. Umutang pa raw siya ng pera para ipambayad sa abogado.
Ang masakit ay bawat hearing ng kaso ay pumupunta siya sa Maynila. Dahil isang linggo pagkatapos na mangyari ang insidente ay nagpalipat siya sa probinsya. Dahil sa pakiusap na rin ng mga kaibigan niya na baka siya gantihan. Nakailang hearing din daw ang nangyari hanggang sa siya ay manalo sa kaso.
Kahit daw pala ikaw ay alagad ng batas at gumawa ka ng hakbang na sa tingin mo ay tama ay hindi ka nakakasiguro na tama nga ang iyong ginawa. Dahil iyon daw ang nangyari sa kanya.
Hanggang ngayon si Sir Bobby ay patuloy pa rin na nagseserbisyo bilang PNP-TMG. Tapat siyang naglilingkod.

Japayuki

JAPAYUKI

Si Nicole ay isa kong kababata. Katulad niya rin ako na nakatira sa squatter area. Ulila na siya sa ama. Ang mama niya naman ay sa Japan nagtratrabaho. Bata pa lang kami ay kaming dalawa na ang magkasundo sa lahat ng bagay. Sa paglalaro naman kaming dalawa ay laging magkakampi. Kung mayroon siyang kaaway kinakampihan ko siya. Gayundin siya sa akin. Kahit sabihin pa na kami ang may kasalanan nagkakampihan pa rin kami. Pagdating naman sa problema kami ay nagtutulungan.
Kaya nga ng isama siya ng kanyang mama pagkatapos namin ng high school ay nalungkot ako. Kasi mawawala pansamantala ang matalik kong kaibigan. Nang lumipad na nga ang eroplano na sinakyan nila sa paghatid ko sa airport ay di ko napigilan ang hindi lumuha.
Hanggan sa pag-uwi ko sa amin ramdam ko pa rin ang lungkot ng pag-alis ni Nicole. At sa isipan ko inaalala ang mga sandali na kami ay magkasama.
Nawala lang ang kalungkutan ko ng ako ay ipasok ng nanay ko sa isang malaking tindahan bilang tindera. Wala raw silang pera na ipagpapaaral sa akin sa kolehiyo kaya mabuti pang magtindera na lang muna ako. Para sakali ay makapag-ipon ako ng pera.
At paglipas pa ng dalawang taon bilang tindera ay nagpasya ako na mag-aral na sa kolehiyo. Nasa pangatlong taon ako sa kolehiyo ng umuwi si Nicole galing sa Japan. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko talaga iyon.Agad nga kinagabihan ay pumunta ako sa kanila.
Ngunit ang ikinabigla ko ay ng di man lang niya ako pinansin masyado. Pinapasok niya lang ako at pinaupo. Mas binigyan niya ng pansin ang dalawa rin naming kababata na sa club nagtratrabaho dito sa Maynila. Nasa isang upuan lang ako at pinagmamasdan lang sila na nag-uusap. Nagtatawanan pa sila kung minsan. At pagkalipas pa ng halos isang oras na ganun pa rin ang kalagayan ko ay nagpasya ako na magpaalam na. Nasa isip ko na lamang na baka may mahalaga lang silang pinag-uusapan.
Kinabukasan umaga pa lang ay pinuntahan ko na siya sa kanila. Nasa mesa siya at kumakain. Pinasabay lang niya ako sa pagkain tapos ay wala na. Kung humihiling ako sa kanya na magkuwento naman tungkol sa buhay niya sa Japan hindi siya sumasagot. At ng yayain ko na mamasyal kami ay umayaw rin. Ngunit ng dumating sina Tina at Jean na ang trabaho ay sa club at nagyaya kay Nicole na mamasyal ay pumayag siya. Pumasok agad sa isip ko siguro ayaw na ni Nicole na makipagkaibigan sa akin.
Nasa isang tindahan ako kinagabihan ng makita ko sina Nicole, Tina, at Jean na magkakasama. Masyadong seksi ang suot nilang damit. Agad ay nagbalak ako na sundan sila. Dahil masama ang kutob ko na sa club ang punta nila. At hindi nga ako nagkamali dahil sa club nga sila pumunta. Agad sa isipan ko ay bakit ganun na si Nicole? Eh! noong bata pa kami ay galit siya sa mga tao na ang trabaho ay sa club. Pero bakit ngayon ay nandoon siya?
Pag-uwi ko sa amin nasa pintuan pa lang ako ay narinig ko na nag-uusap sina Inay at Itay. Akma na akong papasok ng bigla akong mapatigil dahil naring ko na si Nicole ay tumulad din pala sa mama niya na naging Japayuki. Higit akong nabigla ng marinig ko na hindi lang pagbabakasyon ang iniuwi ni Nicole kundi para rin makalikom ng pera sa mga magiging kustomer niya sa club.
Pagpasok ko ay diretso agad ako sa kuwarto. Hindi nila alam na narinig ko ang pag-uusap nila tungkol kay Nicole. Paghiga ko agad ay nanghihinayang ako para kay Nicole kung bakit naging ganun ang trabaho niya.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw na ni Nicole na mapalapit ako sa kanya. Dahil baka pagsabihan ko siya tungkol sa uri ng trabaho niya o di kaya mahikayat niya ako na tumulad sa kanya.

Naglahong Diploma

NAGLAHONG DIPLOMA

Malapit na naman ang pasukan. Sigurado ako na masayang-masaya na naman ang mga estudyante na papasok sa paaralan. Nakauniporme at bagong ligo pag pumupunta na sa paaralan. Ang paggising sa umaga para maghanda sa pagpasok ay balewala lang dahil nasusuklian naman sa kasiyahan na nadarama sa paaralan. Lalong-lalo na pag nakikita na ang mga kaibigan. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagbibiruan, at kung minsan ay naghahabulan pa.
Pero ako ay heto, hanggan pangarap na lang yata ang makapag-aral pa. Hindi na siguro mangyayari sa akin na makagawa pa ng takdang-aralin. Lalong-lalo na ang paghawak ng libro at babasahin sa harap ng guro at mga kaklase.
Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay at ang bunso ko naman ay tatlong taon gulang pa lamang. Mga magulang ko ay walang permamenteng trabaho. Ang nanay ko minsan may kumukuha para maglaba ng mga maruming damit. At ang tatay ko naman konduktor ng pampasaherong jeep. Kapag hindi bumibiyahe ang jeep walang trabaho si Itay.
Nang makatapos ako ng Grade 5 napakasaya ko. Kasi pag ako ay Grade 6 na nakakasiguro ako na makakatanggap ako ng diploma. Na kailanman ang mga magulang ko ay hindi nagkaroon ng diploma. Kaya nga pinagsisikapan ko ang pag-aaral para sakali ako ay makatanggap ng hindi natanggap ng mga magulang ko. Ngunit kung hindi para sa'yo ang isang bagay hindi talaga mapupunta sa'yo.
Akala ko ng isang umaga at pinagbihis ako ng nanay ay para kami pumunta sa paaralan at ako ay ipaenroll. Hindi pala dahil dinala ako sa kumare niya para tumulong ako sa pag-aasikaso ng mga paninda sa palengke. Para daw makatulong na ako sa pamilya. Dahil hindi sapat ang kinikita nila para sa pang araw-araw na pangagailangan namin. Magtrabaho na daw ako.
Gustuhin ko man na tumanggi kasi maglalaho ang diploma kong hangad hindi ko magawa. Hindi ko kaya na suwayin si Inay. Marahil tama siya na kailangan kahit kaunti ay kumita na ako ng pera para makatulong sa aming pamilya. Marahil tama din siya na kahit ako ay makatapos ng Grade 6 hindi nila ako kayang papag-aralin sa hayskul. Masasayang din lang daw ang pagtatapos ko ng elementarya kong hindi ako mag-aaral sa hayskul.
Kaya ngayong pasukan na darating mamimiss ko talaga ang pag-aaral. At ang diploma na hinahangad ko na makamit sana balang araw makuha ko iyon. Kung hindi man sana managinip na lang ako na tinanggap ko na iyon para kahit sa panaginip maramdaman ko ang kasiyahan ng may tinanggap na diploma.

Lihim na Ambisyon

LIHIM NA AMBISYON



Nalungkot ako bigla ng magsabi ka na lalayo pansamantala. Kasi paano na ako? Hindi ko yata makakaya na ika'y wala sa akin. Dahil noon pa man ikaw na ang inspirasyon ko. Sa iyo ako kumukuha ng lakas. Kapag mayroon akong problema ikaw ang nasasandalan ko. Kahit kailan ay di mo ako binigo. Oo, alam ko may ambisyon ka. At sa iyong pupuntahan nakakasiguro ka na matutupad ang minimithi mo. (Kahit walang kasiguraduhan).
Simple lang naman ang mga pangarap nating dalawa noong mga bata pa tayo. Ang makapagtapos ng pag-aaral ng sa ganoon ay makahanap ng magandang trabaho. Nang matuto na tayong umibig tayo pang dalawa ang nagkaibigan. Nagmahalan tayo sa isa't isa.
Akala ko talaga ganoon na ang pangarap mo katulad ko. Simpleng pangarap para sa simpleng buhay. Hindi pala dahil may inilihim kang ambisyon na ngayon mo lang sinabi sa akin. Ngayong tapos na tayo sa pag-aaral. Kaya pala mahilig ka na mag-isa dahil may iniisip ka na script. At sa pag-uwi mo ng bahay doon ay tinatapos mo at tinatago lang. Kahit pala tayo ay magkasama ang isip mo sa paggawa ng script nakatuon dahil balang araw sa palagay mo magagamit iyon. Gustong-gusto mo pala na maging scriptwriter ng sa gayon ay sumikat ka. Simple ka palang tao ngunit may kahanga-hangang talento sa pagsulat.
Okey, tinatanggap ko na lalayo ka na. Babalik ka rin naman dahil iyon ang pangako mo. Magtagumpay ka bilang scriptwriter o hindi ay di mo ako bibiguin. Hindi mo ako hahayaan na maging malungkot. Dahil mahal natin ang isa't isa. Gusto natin lagi tayong masaya.
Kung tatanungin mo naman ako kung mamimiss kita kung lalayo ka na. Siyempre ay oo ang isasagot ko. Mamimiss kita ng sobra. Sadyang ganoon naman talaga ang ikot ng buhay. Minsan ay masaya, minsan naman ay malungkot. At kung may pagsubok na darating dapat ay harapin ng buong tapang. Pagsubok lang naman iyon na may kalutasan, di ba?
Kaya sa iyo Mr. Ronald San Pedro sana ay mapansin talaga ang mga script mong sinulat sa iyong pupuntahan. Para naman matupad ang inilihim mong ambisyon sa akin na nais mong maging scriptwriter.

Karanasan

KARANASAN

Magmamahal pa ba ako. Nakakailang beses na nga ba akong nagmahal.
Isa......dalawa......tatlo......apat. Sa apat na iyon masasabi ko na nagkaroon talaga ng seryosong relasyon, na nauwi rin sa wala. Naaalala ko pa noong hindi pa ako nililigawan ng una kong naging boyfriend. Kaklase ko siya sa paaralan. Una ko pa lang pagkakita sa kanya ay nagkagusto agad ako sa kanya. Madalas lagi akong nagpapapansin sa kanya. Kahit puwede akong humiram ng libro sa aking kaibigan ay sa kanya ako humihiram. Minsan naman ay humihingi ako sa kanya ng papel kahit na may papel ako. Matindi talaga ang naging tama sa akin ng una kong boyfriend. Kaya nga ng niligawan niya ako ay sinagot ko agad siya. Hindi na ako nag-alinlangan.
Napakasaya ko noong kami pa ng una kong boyfriend. Sa loob ng dalawang taon na aming relasyon wala akong masasabi sa kanya. Napakamaasikasuhin niya sa akin. Hindi niya ako binibigyan ng sama ng loob. At kapag may problema naman ay nagtutulungan kami. Sayang nga lamang at pinatigil siya sa pag-aaral nu'ng magtatatlong taon na kami ng mga magulang niya sa probinsya. Financial problem daw ang dahilan. Masyado talaga akong naapektuhan ng magkalayo kami.
Sa pangalawa ko namang naging boyfriend ay di agad nagtagal. Limang buwan lang kami dahil di ko nakayanan na masyado siyang seloso. Madalas niya akong sumbatan kapag may nakakausap akong ibang lalaki. Naghihinala agad siya na nagpapaligaw pa ako. Ako na ang nakipagbreak sa kanya. Gayundin din sa pangatlo kong naging boyfriend. Umabot lang ng siyam na buwan ang relasyon namin. Dahil nalaman ko na hindi lang pala ako ang babae niya kundi mayroon pa.
At sa huli kong naging boyfriend akala ko talaga ay kami na. Ayos lang sa kanya na nagkaroon na ako ng tatlong boyfriend. Minahal niya talaga ako ng tapat. Hindi siya nagkulang ng pagmamahal sa akin. Ngunit sadya yatang mapait ang pag-ibig para sa akin. Dahil noong limang taon na ang relasyon namin at nagbabalak na magsama na ay naaksidente ang sinasakyan niyang jeep papunta sa kanila na naging dahilan ng pagkasawi niya. Nasabi ko sadya yatang mailap sa akin ang magkaroon ng permamenteng karelasyon.
Lumipas pa ang ilang taon at di na ako nagmahal pa. Kapag may nanliligaw naman sa akin ay sinasabihan ko agad na sa iba na lang ibaling ang pagtingin. Trabaho ko na lang ang aking inaatupag.
Heto ako ngayon, thirty years old na. Kung kailan pa ako tatanggap ng manliligaw siguro tadhana ang makapagsasabi.

Sir Donnie

Sir Donnie

Isa siya sa mga maestro na hinahangaan ko. Bukod sa napakagaling magturo ay guwapo pa! Disenteng-disente talaga ang dating niya kapag pumapasok na sa paaralan. Karamihan nga sa klase namin ay crush siya. Ngunit hanggan doon na lang dahil may asawa na si Sir Donnie. Iyon kasi ang pakilala niya sa amin. Taken na raw siya.
Isang umaga habang ako ay papasok sa paaralan ay tinawag ako ni Sir Donnie. Nasa tapat siya ng paaralan. Ewan ko kung sinadya niya talaga na hintayin ang pagpasok ko. Paglapit ko sa kanya agad ay sinabihan niya ako na kung puwede ay mamasyal raw kami sa Sabado. Nagulat ako ng sabihin niya sa akin iyon. Kasi sa isipan ko ay may asawa na si Sir. Dahil isa niya akong estudyante at crush ko rin si Sir Donnie ay pumayag ako.
Nasa loob na ako ng paaralan ay tuwa at takot ang nararamdaman ko. Tuwa dahil ako ang napili ni Sir na mamasyal at takot dahil baka makita kami ng misis niya at pagsabihan ako ng masama. Habang nagtuturo nga ang guro namin ay hindi ako nakikinig. Nasa isip ko talaga ang mangyayari sa sabado.
At ng matapos na ang klase at si Sir Donnie na ang susunod na magtuturo ay namutla ako. Lalo na ng pumasok na siya. Habang siya ay nagtuturo tinitingnan ko talaga siya ng mabuti. Nasa isip ko ano kaya ang plano niya sa akin? Bakit? ako ang napili niya na mamasyal, gayong hindi naman ako masyadong maganda at mahirap lang kami.
Araw ng Sabado na pagkikita namin para mamasyal ay balisa ako. Ngunit ng makita ko na siya bigla ay nagalak ako. Paano? kasama ko ang guwapong si Sir Donnie na hinahangaan sa paaralan. Hindi siya mukhang thirty years old. Kundi mukha siyang twenty years old.
Habang kami ay namamasyal na ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang asawa. Na love at first sight daw siya sa misis niya ng una niya itong makita. Nakilala daw niya ito sa isang seminar na pinuntahan niya. Isa daw itong guro. Halos magkasing-edad lang daw sila. Ngunit nagtuturo sa pampublikong paaralan sa probinsya nila. Sa pagsasalaysay pa niya tungkol sa kanilang mag-asawa ay nalungkot ako ng magsabi siya na hindi raw sila nagkakaroon ng anak. Sa loob daw ng pitong taon na sila ay mag-asawa hindi nagbubuntis ang misis niya. May diperensya daw ito. Dahil sabi ni Sir ay hindi siya baog. Gusto na raw niya na magkaroon ng anak.
Sa pagtapat ng isang restoran bigla ay nagyaya siya na kumain kami. Habang kami ay kumakain na bigla ay nagsalita siya ng hindi ko inaasahan. Oo, crush ko si Sir Donnie at alam niya iyon dahil nakikita niya sa kislap ng mga mata ko kapag siya ay aking tinitingnan. Pero hindi ako desperada na babae para pumayag sa kanyang alok na maging kabit para siya magkaroon ng anak. Dahil bata pa ako at may pangarap pa sa buhay na dapat tuparin. Pagkasabi ko sa kanya na ayoko ay ayos lang sa kanya. Hiniling lang niya sa akin na sana walang ibang makaalam sa pinag-usapan namin. At pumayag naman ako.
Pagdating ng Lunes sa oras ng klase ni Sir Donnie parang wala lang nangyari. Nakibati rin ako tulad ng iba kong kaklase ng "good morning sir." Nasa isip ko kung may anak lang sana si Sir Donnie masayang-masaya sana siya.
Sa likod ng kanyang mga ngiti kapag nagtuturo ay may nakatago palang kalungkutan.

Panaginip

PANAGINIP


"Parang awa mo na, patawarin mo na ako!" humahagulgol na sabi ni Dianne kay Luis.
"Hindi kita patatawarin, niloloko mo lamang ako," sabi ni Luis kay Dianne.
"Kapag wala ako sa piling mo nagpapaligaw ka pa. Kitang-kita ng dalawang mata ko," dugtong pa niya.
"Kaibigan ko lang si Adonis, kaklase ko siya dati noong hindi pa kita nakikilala," naiiyak na sabi ni Dianne.
"Kung nakita mo man na sweet kami kanina habang nag-uusap ay dahil ganoon lang kami. Wala talaga kaming relasyon," dugtong pa ni Dianne.
"Basta ayoko na! simula ngayon break na tayo," sabi pa ni Luis sabay iwan kay Dianne.
"Pagkaalis ni Luis iyak ng iyak si Dianne sa isang tabi. Hindi niya inalintana kung may nagdaraan man. Ang mahalaga sa kanya sa sandali na iyon ay ibuhos ang lahat ng luha na dulot ni Luis. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-iyak ay di pa rin niya tanggap na sila ay magkakahiwalay na ni Luis. Kaya napagpasyahan niya na lamang na umuwi.
Pagdating niya sa kanilang bahay agad ay sinalubong siya ng kanyang mama.
"O, Dianne bakit malungkot kang tingnan ngayon. Dati ka namang masayahin?"
"Wala mama, ayos lang ako," sagot ni Dianne sa mama niya sabay punta na sa kanyang kuwarto.
Pagpasok niya sa kuwarto agad ay nahiga siya. Ginunita ang mga masasayang alaala nila ni Luis. Ang pamamasyal nila sa mall. Ang pagtatawanan nila minsan kung ang pinag-uusapan ay nakakatawa. Ang pagtulong sa bawat isa kapag may problema. Ang pag-aalala kung kumain na ba, at iba pa na nagpapasaya sa kanya kapag sila ay magkasama.
Higit sa lahat na ginunita niya ay kung sila ay namamasyal sa dalampasigan. Magkahawak kamay habang pinagmamasdan ang alon at pinag-uusapan ang mga pangarap sa buhay. Kasama na ang pangarap na kapag sila ay mag-asawa na dapat may magandang buhay na naghihintay para sa kanilang magiging anak.
Nasa ganoon siyang tagpo ng maisipan niyang magbigti. Paglabas ng kaluluwa niya sa katawan agad ay sinalubong siya ni Kamatayan. Sumama raw siya sa kanya dahil sa impiyerno ang bagsak niya. Paghawak pa lang sa kanya ni Kamatayan agad ay sumigaw siya "saklolo, saklolo, tulungan niyo ako!"
"Dianne, Dianne, gising, gumising ka!, nananaginip ka." Bigla ay napabalikwas siya sa pagkakahiga. Panaginip lang pala ang lahat. Pati na ang paghihiwalay nila ni Luis ay di pala totoo.
Bigla ay tumunog ang telepono. Si Luis ang tumawag at pinapaalala na dapat tuloy bukas ang pamamasyal nila sa dalampasigan.
Kinabukasan sa pagkikita nila ni Luis habang nasa dalampasigan na ay sinabi niya ang tungkol sa kanyang napanaginipan na siya ay nagpakamatay dahil siya ay iniwanan.
Napatawa lang si Luis ng marinig iyon. Dahil kailanman, kahit anong mangyari. Hinding-hindi niya iiwan si Dianne.

Kaya ko

KAYA KO

Kakalimutan na kita. Iyon ang madalas kong sabihin kapag ako ay nag-iisa. Masakit man na tanggapin kailangan ay kayanin at magsimula sa panibagong buhay. Mahirap nga naman kapag ako ay lagi na lang sa isang tabi at inaalala ang nakaraan.
"Rose, gising na umaga na at papasok ka pa sa trabaho". "Huh!", si Inay pala ginising na naman ako. Ito talaga si Inay kahit kailan hindi ako binibigo. Lagi akong inuunawa. Kahit may pagkakamali ako iniintindi niya. Hindi katulad ni Itay na kinukunsinti pa ako. "Opo Inay" sagot ko.
Habang nasa opisina walang ibang iniisip kundi ang trabaho. Masarap talaga magtrabaho kapag wala kang inaalala masyado. Nakakaconcentrate ka sa iyong ginagawa. Kung bakit naging malungkutin ako dati. Simple lang naman ang dahilan. Hiniwalayan ako ng mahal kong si Andrew.
Si Andrew ay isa lang sa maraming lalaking nanligaw sa akin. Sa pagtitiyaga niya ayun nakuha niya ang matamis kong oo. Sa bawat araw na aming pagkikita ni Andrew ay sumasaya talaga ako. Siya ang tipong lalaki na kapag magkasama kayo ay enjoy ka talaga. Kaya nga siya ang sinagot ko.
Sa tatlong taon na aming relasyon ni Andrew marami talaga ang nangyari. Mga pangyayari na masasabi ko talaga ay kami na ang magkakatuluyan. Ngunit hindi pala. Ang lahat pala ay may katapusan. Pagkatapos na makuha ni Andrew ang gusto sa akin ay iiwan din pala ako. Ang loko! pinagsawaan lang pala ako. Siya pa naman ang inspirasyon ko. Madalas pa naman niyang sabihin sa akin noong kami pa na hindi niya ako iiwan. Magpapakasal daw kami sa simbahan balang araw. Sinasabi lang pala niya para ako sumaya at mapagbigyan siya sa gusto niya. Iyon pala makikipaghiwalay din sa akin. Ang buhay ng babae nga naman madali talaga na mabola.
Ngunit ngayon, ngayong wala na talaga si Andrew sa isipan ko. Pipilitin ko na tuparin mag-isa ang mga pangarap ko na hindi siya inspirasyon. At pipilitin ko na makaya ang mga pagsubok na darating sa akin na hindi na siya katulong. Kaya ko iyon!, kayang-kaya ko. Nakakaya nga ng iba. Ako pa kaya. Isa pa marami pa naman ang nagkakagusto sa akin. Pero hindi muna ako magmamahal. Tutuparin ko muna ang mga pangarap ko pa sa buhay saka uli ako tatanggap ng manliligaw.
At pag nangyari iyon. Masasabi ko talaga na matatag ako sa buhay. Mayroong determinasyon. Nakakaya ko ang lahat. Kaya ko!.

Si Emmanuel

Si Emmanuel


Madalas lagi si Emmanuel sa bilyaran. Iyon ang kanyang tambayan na nasa kanto. Minsan lamang siya kung maglaro. Ang sadya niya lang doon ay masilayan ang kagandahan ni Catherine na tapos na sa kolehiyo.
Si Catherine ay isa niyang kababata na mayaman. Noong mga bata pa sila ay doon sa bahay ni Catherine sila lagi naglalaro. Palibhasa mayaman kapag natatapos na silang maglaro at pagod na ay binibigyan sila ng meryenda ng katulong. Dahil sila ay musmos pang mga bata noon ay wala silang malisya kung maglaro man sila na minsan ay nahuhubaran.
Natigil lamang ang madalas nilang paglalaro kasama ng iba pang mga kaibigan ng magpasya ang magulang ni Catherine na sa Maynila siya papag-aralin ng high school at college. Masakit man sa kalooban na di na niya makikita at makakalaro si Catherine ng matagal ay tinanggap niya. Batid na niya kasi na iyon ang mangyayari dahil mayaman nga sina Catherine.
Kapag umuuwi si Catherine tuwing Disyembre at summer ay doon lang ulit sila nagkikita kasama ng iba pang mga kaibigan. Palibhasa nasa high school na minsan ay tungkol naman sa kanilang crush ang kanilang pinag-uusapan. At kapag naririnig ni Emmanuel na ang crush ni Catherine ay ang kaklase niya sa Maynila ay nasasaktan siya. May pagseselos sa puso niya. Gustuhin man niya na sabihin kay Catherine na siya ang crush niya ay hindi niya magawa. Natotorpe siya kay Catherine. Tumatawa na lamang siya kapag tinatanong siya kung sino ang crush niya o di kaya minsan sinasabi niya na wala pa siyang crush. Tinatago na lamang niya ang nararamdaman kay Catherine, dahil sa tingin niya hindi siya nababagay dahil sa mayaman sina Catherine at sila ay mahirap lang.
Minsan isang araw habang nagpapahinga siya sa bahay nila ay pinuntahan siya ng kaibigan nilang si Dave. Akala niya ay kung ano lang ang pag-uusapan nila. Iyon pala ay para lang ibalita na ang kababata nilang si Catherine ay ikakasal. At sila na mga kababata ay iniimbitahan na dumalo. Ang mapapangasawa raw ni Catherine ay taga Maynila.
Sa pag-alis ni Dave bigla lungkot ang kanyang naramdaman. Paano?, ikakasal na ang babae na tibok ng puso niya ngunit kahit minsan hindi man lang naipahiwatig ang nararamdaman. May pagsisisi man sa kanya ay hiling na lang niya na sana lumigaya si Catherine sa piling ng kanyang mapapangasawa.
Dalawang araw bago ang kasal ni Catherine ay inimbitahan silang mga kababata sa bahay ni Catherine para kumain at magkuwentuhan. Doon ay pinag-usapan nila ang mga nakaraan at ang mga pagbabago na sa buhay.
Sa isang sandali na si Catherine ay pumunta sa kusina ay sinundan niya ito. Doon ay kanyang sinabi na sana lumigaya siya ng husto ngayong magkakaroon na siya ng asawa. Ngunit ang ikinabigla ni Emmanuel ay ng magsalita si Catherine na, " Alam mo Emmanuel noong ako ay bata pa at nagdalaga ay ikaw ang gusto ko. Hinihintay ko nga na ligawan mo ako kaso ay hindi mo ginawa. Ang pagsasabi ko noon na ang crush ko ay ang kaklase ko sa Maynila ay hindi iyon totoo. Sinasabi ko lang iyon baka sakali magkaroon ka ng lakas ng loob na magsabi sa akin ng iyong nararamdaman. Kaya ito, ng ligawan ako ni Jeffrey na aking mapapangasawa ay natutuhan ko siyang mahalin."
Pagkatapos nilang mag-usap ni Catherine ay may pagsisisi si Emmanuel kung bakit di niya niligawan si Catherine kahit na ito ay mayaman. At sa araw ng kasal ni Catherine habang ito ay nakaupo at katabi si Jeffrey sa harap ng altar ay di niya naiwasan ang hindi mapaluha.
Tunay na dapat kahit na mayaman pa ang iyong gusto di dapat na mag-alinlangan sa pagpapahiwatig ng nararamdaman.

Pighati ( sana di ka masaktan )

*Pagkasilang pa lang may kapalaran ng nakalaan sa atin. Kapalaran na magpupunta sa atin kung saan tayo talaga. Kung ano ang iyong pangarap o ambisyon hindi mo iyon makakamit kapag hindi nakalaan sa iyo. Kahit ano pang pilit mo hindi mo talaga iyon makukuha. Kahit sa pag-ibig ganoon din. Kapag hindi para sa iyo ang gusto mo hindi talaga mangyayari na kayo ay magmamahalan dahil hindi nakatadhana. Masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan na hindi kayo para sa isat-isa.*

TIME MAY DRAW US APART BUT MEMORIES WILL PUT US TOGETHER

PIGHATI
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakasaya ko ng makilala ka
Lalo na ng maging kaibigan kita
Bawat araw inspirado ako
Paano? umiibig ako sa'yo.

Kapag tayo ay nagkakausap
Di ako makatingin sa'yo ng diretso
Para bang hindi ako makapaniwala
Na kaharap talaga kita.

Kapag tayo naman namamasyal
Pakiramdam ko napakasuwerte ko
Dahil kasama ko sa buhay
Tinatangi ng puso ko.

Akala ko talaga
Kasiyahan kong ito na dahil sa'yo
Ay wala ng katapusan
Mawawala ka rin pala sa akin.

Tulad din pala ng dati
Na aking nakilala at naging kaibigan
Iiwanan din ako na luhaan
Pagkatapos ng lahat.

Napakasakit na tanggapin
Na dahil sa magkaiba
Ang estado ng buhay natin
Iyon ang dahilan para lumayo ka.

Oo mayaman ka
At ako ay mahirap lang
Hindi ko kaya makipagsabayan sa'yo
Lalo na pagsangkot ang pera.

Minsan ay naiisip ko
Kung ganito lang pala ang mangyayari
Sana di ka na lang napalapit sa akin
Ako tuloy ngayon nalulungkot.

Masisisi mo ba ako?
Kung tibok ka ng puso ko
Kasalanan ko ba?
Kung mapamahal ako sa'yo.

Bakit mahirap sa iyo?
Mahalin ang taong kulang sa pera
Hindi naman iyon ang sukatan
Nang tunay na pag-ibig.

Marahil tama ang sabi mo
Di ko mabibili pangangailangan mo
Dahil wala akong sapat na pera
Hindi ko matutustusan kasosyalan mo.

Pero bakit kailangan?
Na sabihin mo sa akin
Maghanap ako ng iba
Eh, ikaw ang mahal ko.

Hindi mo ba alam?
Kahit naiisip lang kita
Parang lumulutang ako sa hangin
Lalo na pag kasama ka.

Ngunit kung sadyang ganoon nga
Alam ko na mahirap na tanggapin
Dahil langit ka sa akin
Pero wala akong magagawa.

Marahil sadyang nakatadhana
Hindi na lalalim pa
Ang pinagsamahan nating dalawa
Dahil langit ka at lupa ako.

Ganoon pa man
Hiling ko pa rin bawat araw
Sana lagi kang masaya
Walang problema na darating sa'yo.

Dahil iba ka sa akin
Mga panahon na tayo ay magkasama
Pakiwari ko ay natupad na
Mga pangarap ko sa buhay.

Sayang talaga wala na tayo
Hindi na mauulit pa pinagsamahan natin
Mapupunta na lang sa alaala
Ang lahat na nangyari sa atin.

Saan ka man ngayon
Nais kong malaman mo
Paglalayo ng landas natin
May kirot sa dibdib ko.

Alam ko pagsubok lang ito
Na bigay ng diyos sa akin
Pagsubok na matindi
Dahil para akong nawalan ng inspirasyon.

Pero kakayanin ko ito
Dahil sa bawat pagsubok
Na dumarating sa buhay
Ay mayroong kalutasan.

Alam ko masakit ang magpaalam
Dahil sa bawat pagpapaalam
May hapdi tayong mararamdaman
Lalo na pag ang nagpapaalam mahalaga sa'yo.

Ngunit wala akong magagawa
Dahil iyon ang gusto mo
Ang iwanan ako
Dahil kulang ako sa pera.

Bilang panghuli sa PIGHATI kong ito
Gusto kong ipaabot sa'yo
Hinding-hindi kita makakalimutan
Kahit ginanito mo ako.

Dahil sa mga panahon
Na tayo ay magkaibigan
O higit pa sa kaibigan
Kahit paano pinasaya mo ako.

Ginising mo ang natutulog ko ng puso
Binigyan mo ng kulay
Buhay kong naging malungkot
Iba ka talaga sa akin.

Kaya kahit wala na tayo
Maaalala pa rin kita
Pangako ko iyan sa'yo
Pagkat ikaw ay walang katulad.

Kahit na ang tingin mo sa akin
Isang hamak na hampas lupa
Walang iba na maibibigay sa'yo
Kundi...............pagmamahal lang.