Friday, June 29, 2007

Kagaya sa Magulang ( one page story line )

* Minsan nakabasa ako sa diaryo ng isang contest sa paggawa ng isang one page story line lang at puwede ipadala sa e-mail. Sa kagustuhan ko na makapag submit ay nagpadala ako. At ito po ang ginawa ko ang pamagat ay "Kagaya sa Magulang". Ewan kung ano ang kinalabasan ng pag submit ko nito.*





KAGAYA SA MAGULANG
Ni: Arvin U. de la Peña

Siya si Manilyn, nag-iisang anak ng mag-asawang Roberto at Caridad. Bilang magulang lahat ginagawa nina Roberto at Caridad para may ipantustos sa pag-aaral ni Manilyn. Dahil sa sila na mag-asawa ay kapwa di nakatapos ng pag-aaral. Hanggang third year high-school lang sila. Iyon ay dahil naging mapusok sila noong kabataan pa nila. Madalas nga ay naaalala ni Caridad ang pangyayari ng matuklasan ng magulang niya na siya ay buntis.
"Walang hiya kang babae ka, wala kang utang na loob. Pagkatapos ka naming papag-aralin sa de kalidad pa na paaralan ito pa ang isasalubong mo sa amin. Layas!, lumayas ka. Magsama kayo ng nobyo mo."
At sa bawat paggunita na iyon ni Caridad sa naging asal ng magulang niya sa kanya ay napapaiyak siya.Paano?, hindi siya natanggap na siya ay nagbuntis at di na rin susustentuhan.
Kaya nga sa pagtira niya sa baht nina Roberto na kanyang asawa pinapakita niya talaga na karapat-dapat siya sa pamilya nito. Lalo na ng siya ay manganak. Pinakita niya talaga na puwede na siyang maging isang ina kahit na bata pa. At ang asawa niya naman na si Roberto ay lalong nagpursige sa pamamasada ng jeep kasi di na naman siya nag-aaral.
" Hanggang dito na lang po ako, " sabi ng pasahero.
"Ilulugar ko lang po sa babaan ng pasahero", sagot naman ni Roberto.
Nang magtatatlong taon na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay tumanggap na si Caridad ng labahan.Kahit na nakakapagod ang paglaba ay kinaya niya. Kasi nakakahiya na sa mister niya na hindi man lang siya kumukita. Higit sa lahat sa mga magulang ng kanyang mister.
Nang nasa elementarya na ang anak nila na si Manilyn. Doon ay hinahatid-sundo niya sa paaralan. Kahit mahal na mahal niya ang nag-iisa nilang anak. Hanggang sa pag high -school ng anak nila hindi pa rin tumitigil sa Caridad sa paaralan para sa paghatid at sundo sa anak. Lagi niyang pinagsasabihan na mag-aral ng mabuti.
"Manilyn, anak dapat makatapos ka ng pag-aaral ng sa ganun makapagtrabaho ka ng nasa opisina o kaya sa kompanya. Huwag mo kaming tularan ng tatay mo na hindi nakatapos. Kaya heto ako, labandera at ang tatay mo driver ng jeep".
Sa pag-aaral na ni Manilyn sa college doon ay hindi na siya hinahatid sundo ng nanay niya kasi malayo sa bahay nila.
Sa umpisa ng pag-aaral ni Manilyn pinagbuti niya talaga para di niya mabigo ang mga magulang niya. Hanggang siya ay mag-second year college ganun pa rin ang prinsipyo niya ; pag-aaral muna. Kahit may nanliligay sa kanya di niya tinatanggap. Sa panahon na iyon labandera pa rin ang nanay niya at ang tatay niya ay driver pa rin.
Ngunit sa pagsapit niya ng 3th year college nabali ang prinsipyo niya. Tinanggap niya ang panliligaw sa kanya ng kaklase niyang si Harold na hindi alam ng magulang niya. Ilang sundo at hatid sa sakayan pauwi. At ilang pamamasyal sa labas at kain, doon ay bumigay si Manilyn sa kagustuhan ng kasintahan niyang si Harold. Nalaman na lang niya na nasa loob na sila ng motel. Nasundan pa iyon ng nasundan na lingid sa kaalaman ng magulang niya.
Sa paglipas pa ng ilang buwan doon ay nalaman na ng magulang niya na siya ay buntis. Pinagalitan siya at pinagmumura ng nanay niya.
"Wala kang utang na loob. Pinag-aral ka namin ng tatay mo para ka makatapos sa pag-aaral. At para naman umasenso tayo. Pero anong ginawa mo, nagpabuntis ka sa kasintahan mo", sabi ng nanay niya
"Patawarin mo ako inay", sabi naman ni Manilyn
"Paano na ngayon iyan matitigil ka sa pag-aaral dahil buntis ka. Malandi ka rin palang babae ka!", sabay alis ng nanay ni Manilyn
Pagpunta ni Manilyn sa bahay nina Harold doon ay pinagtapat niya ang nangyari.
"Harold pinagalitan ako ng nanay ng malaman niyang buntis ako," sabi ni Manilyn
"Huwag kang mag-alala ganun talaga iyon. Hindi naman kita pababayaan," mahinahon na sabi ni Harold.
Isang araw pa bago manganak si Manilyn doon ay pumunta na si Harold sa bahay nina Manilyn. Noong una ay hindi siya matanggap dahil bata pa nga sila. Pero kalaunan ay tinanggap na rin siya. Dahil sa pangakong siya ang magtataguyod sa kanyang pamilya dahil sa maykaya naman sila.
Pagkapanganak ni Manilyn doon ay naramdaman agad ni Harold na tatay na siya at si Manilyn naman nanay na.
Si Caridad naman ay masaya sa panganganak ng anak niyang si Manilyn. Pero sa puso niya medyo may hinanakit pa rin dahil hindi nakatapos ng pag-aaral ang anak niya. At hindi matutupad ang nais niya na si Manilyn ay papasok sa opisina o kaya sa kompanya para magtrabaho.
At si Roberto naman ay masaya rin dahil may apo na siya. Ngunit nanghihinayang din siya na inuna muna ni Manilyn ang pag-ibig kaysa pag-aaral. Pero sa isip niya wala na siyang magagawa dahil nangyari na at higit sa lahat ganun di naman sila ng asawa niyang si Caridad. Inuna muna ang pag-ibig kaysa pag-aaral.

THE END

Thursday, June 28, 2007

Kasalanan ko ba?

KASALANAN KO BA?

Kasalanan ko ba kung ako'y magmahal ng tapat
Kasalanan ko ba kung maging masunurin ako sa gusto mo
Kasalanan ko ba kung magpatangay ako sa haplos ng iyon pagmamahal
Kasalanan ko ba kung tumanggi ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung pagbawalan kita
Kasalanan ko ba kung awayin kita
Kasalanan ko ba kung maiisip kita lagi
Kasalanan ko ba kung durog na ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung sumbatan kita
Kasalanan ko ba kung sinasabi ko sa'yo na wala kang hiya
Kasalanan ko ba kung maging suwail ako sa aking mga magulang dahil sa'yo
Kasalanan ko ba kung baliw na baliw ako sa'yo
Kasalanan ko ba kung maging mahina ako
Kasalanan ko ba kung mapaaway ako dahil sa'yo
Kasalanan ko ba kung gumawa ako ng hakbang na hindi ko talaga nais dahil kagustuhan mo
Kasalanan ko ba kung umibig ako ng walang pag-aalinlangan
Kasalanan ko ba kung puso ko sa iyo lang talaga
Kung kasalanan man ang lahat ng ito bakit?
Bakit iniwan mo ako na ikaw ang dahilan nito?

Taong Grasa

TAONG GRASA
Ni Manelynne T. Trani

Basurang lumalakad kung ako ay tawagin. Kung bakit basura? Iyon ay dahil wala na akong silbi sa lipunan. Lahat ay iniiwasan ako. Kapag ako ay naglalakad iniiwasan nila ako na makasalubong. At kapag ako naman ay nagpapahinga at dinadaanan nila ang kanilang ilong kadalasan ay tinatakpan nila.
Palabuy-laboy lang ako sa kung saan. Wala akong permamenteng tirahan. Kapag may nakikita na puwedeng makain sa basurahan o sa kalsada iyon ay pinupulot ko para kainin. Minsan lang kung may magbigay sa akin ng pagkain o kaya pera para ko ipambili ng pagkain. Kulang na lang talaga sa akin ay mamatay na. Pero natatakot ako na magpakamatay. Kaya mahirap man ang kalagayan sa tulad ko ay nilalabanan ko na lang para mabuhay.
Minsan ay nangangarap din ako na may tumulong sa katulad ko. Para naman makawala na ako sa pagiging "taong grasa". Nang sa ganoon ay makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May matulugan na sapat na higaan at mamuhay kahit isang ordinaryong mamamayan lang. Ngunit hanggan pangarap na lang yata iyon. Dahil pinagtatabuyan na nga ako, tutulong pa kaya.
Sana isang araw ay magising talaga ako na maayos na ang buhay ko. Bagong gupit, hindi marumi, at maayos ang damit na suot. Higit sa lahat nakikisalamuha sa mga tao. Kung hindi naman dumating ayos na rin sa akin. Alam ko naman na may katapusan ang lahat ng ito sa akin. Kung kailan, iyon ay kung hindi na ako humihinga.

Sawi

SAWI

Madalas ikaw ang naiisip ko
Mula sa umaga pagkagising
Hanggang sa gabi ay matutulog
Kahit ako ay di mo pansin

Oo aaminin ko gusto kita
Noon pa man una kitang nakita
Dahil ginising mo talaga
Ang puso kong natutulog

Dati ay sinabi ko sa sarili
Hindi na ako iibig
Ngunit ng masilayan kita
Nagbago ang isip ko

Masakit nga lamang sa dibdib
Para lang akong hangin
Na nagdaraan sa iyo
Na hinding-hindi mo talaga napapansin

Hinihiling ko na lamang
Sana maging masaya ka lagi sa buhay
Walang problema na kakaharapin
Para ako ay maligaya rin.

dalawang kuwento

BAKIT

Parang nasabugan ako ng bomba ng bigla ay makipaghiwalay ka sa akin. Dahil mahal na mahal mo ako. Noong nililigawan mo pa lang ako kahit ilang oras kaya mo akong hintayin sa paaralan. Hinahatid mo pa ako sa amin. Nang minsan na sinermonan ka ng mga magulang ko na dapat hindi mo ako nililigawan dahil mahirap ka lang ay balewala lang sa iyo. Hindi ka nagalit. Naging matiyaga ka talaga sa akin. Gustong-gusto mo talaga ako. Kaya nga ng sagutin kita, kitang-kita ko sa mukha mo ang kasiyahan. Labis-labis ang iyong pasasalamat na tinanggap ko ang iyong panliligaw.
Nang tayo ay nagmahalan na wala akong masabi sa iyo. Napakamaasikasuhin mo sa akin. Hindi ka gumagawa ng hakbang na maaaring ikagalit ko sa'yo. Kapag may araw naman na di tayo nagkikita ay tinatawagan mo ako at kinukumusta. Para alamin kung ayos lang ba ako.
Ngunit bakit ngayon? Bakit pagkatapos ng tatlong taon na pag-iibigan natin bigla kang makikipaghiwalay sa akin? May kasalanan ba ako? Mayroon ba akong nagawang pagkakamali sa'yo? Bakit ito ang igaganti mo sa akin pagkatapos kong maibigay ang lahat sa'yo? Akala ko ba ako na sa piling mo? Ako ang gusto mong makasama sa habambuhay. Pero bakit? Bakit nakipaghiwalay ka sa akin ng walang sapat na dahilan? Paano na ang mga pangarap natin? Hahayaan na lamang ba na di matupad? Hindi ka ba nasasayangan roon?
Sana ay tama ang aking hinala na nabigla ka lang kaya ka nakipaghiwalay sa akin. Ayaw mo lang muna na makita ako at makasama. At babalik ka rin para ako ay sorpresahin. Dahil sa estado ng buhay natin ay langit ako at ikaw ay lupa. Pagbalik mo ay pantay na tayo at di ka na mahihiya sa aking mga magulang.
Umaasa talaga ako na wala pang katapusan sa ating dalawa. Magpapatuloy pa balang araw ang maganda nating relasyon. Wala pang wakas sa pag-iibigan natin. Kung ang wakas ay wala na ngang karugtong.

HINANAKIT NG PINALAGLAG

Kaytamis ng inyong pagmamahalan. Sweet kayo lagi sa isa't isa. Kapag kayo ay magkasama nais niyo talaga ay di na maghiwalay. Lalo na kapag nagkakasarilinan. Pangako sa bawat isa kaysarap pakinggan. Habang gumagawa kayo ng hakbang na maaaring mabuo ako para bang handa na kayo na maging anak ako. Para bang handa na kayo na maging magulang habang nagtatampisaw sa kaligayahan. Hindi niyo man lang talaga iniisip na kapag nagbunga ang dagta ng inyong pagmamahalan may responsibilidad na kayo kahit na kayo ay responsibilidad pa ng inyong mga magulang.
Ngayon buo na ako. Sanggol na ako na maituturing sa sinapupunan. Umaasa ako na pagkatapos pa ng ilang buwan makikita ko na ang mundo ng mga tao. Higit sa lahat umaasa ako na makikita ko ang dalawang tao na nagmahalan na bumuo sa akin. Para pasalamatan kahit sa isip pa lamang.
Huh!, ano ito? Bakit hinihila ako palabas? Ayoko!, ayoko! hindi pa ito ang tamang araw para ko makita ang liwanag ng mundo. Maawa ka naman sa akin. Masakit ang iyong ginagawa sa akin, masakit!. Tigilan mo na ang ginagawa mo, parang awa mo na!
Patay na ba ako? Bakit nasa isang supot na ako ng plastik? Hindi na ako nasa loob ng sinapupunan. Bakit nagawa niyo sa akin ito? Bakit pinapatay niyo ako habang maliit pa at walang kalaban-laban? Akala ko ba mamahalin niyo ako katulad ng pagmamahal niyo sa isat-isa. Bakit hindi niyo man lang ako hinayaan na mabuhay para naman matupad ang mga pangarap ko? Bakit hindi niyo man lang ako binigyan ng pag-asa na maging bahagi ng lipunan? Makakaya ko naman na tiisin ang hirap na aking mararanasan bilang bahagi ng isang pamilya. Bakit naging ganoon ang pasya niyo pagkatapos na mabuo ako?
Sana hindi na lang ako nabuo kung ipapalaglag rin lang. Hindi pa pala kayo handa na maging magulang. Tuloy pinag-uusapan ako ngayon dahil pinatapon niyo lang ako sa kung saan may makakakita sa akin. Wala talaga kayong awa sa akin.

Maling Akala

MALING AKALA
Ni Manelynne T. Trani

"Wala na siya rito sa ating lugar. Umalis na siya, matagal na. Siguro mga dalawang taon na at mula noon hindi pa siya bumabalik. Nangyari ang pag-alis niya rito isang buwan pagkatapos mong magpasya na sa Maynila mag-aral ng panibagong kurso sa kolehiyo". Para akong nasabugan ng sabihin ng kaibigan ko ang mga salitang iyon. Ang dahilan kung bakit nagbakasyon ako ay hindi ko pala makikita. Si Enrico hindi ko pala siya makakausap tungkol sa aming naputol na magandang relasyon.
Sino nga ba si Enrico sa buhay ko? Well, siya ang dahilan bakit naging makulay ang buhay ko. Siya ang taong nagmahal sa akin ng totoo. Hindi siya katulad ng iba kong nakarelasyon na puro dusa ang inabot ko. Nandun ang pagkakataon na ako ay paiiyakin, sasaktan, at higit sa lahat nakakakita ako ng dahilan para ako ay magselos. Ngunit kay Enrico hindi ko naranasan ang mga iyon. Masayang-masaya talaga ako sa kanya.
Noong una hindi ko pansin si Enrico. Paano?, isa ko siyang kababata. Magkalapit lang ang aming bahay. Madalas ay magkasama kami noon kung maglaro. Kahit nagpapasaring siya noon binabalewala ko lang. Mas pinansin ko ang mga pasaring ng mga lalaki na malayo sa aming bahay. Iyon pala hindi ako magiging masaya sa piling nila. Kay Enrico ko pala matatagpuan ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig.
Nagkalayo lang kami ng magpasya ang mga magulang ko na sa Maynila ako mag-aral sa bago kong kukunin na kurso. Wala kasing nangyari sa una kong natapos sa kolehiyo. Nang sabihin ko kay Enrico iyon ay di niya tanggap. Dahil kami raw ay magkakalayo. May kurso naman daw dito na malapit lang sa aming lugar ang kukunin ko sa Maynila, bakit doon pa raw ako mag-aaral. SInabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit doon ako mag-aaral ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. Hanggang sa ako ay paalis na patungong Maynila hindi pa rin niya tanggap na doon talaga ako mag-aaral. Ngunit sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako na sinang-ayunan ko naman dahil mahal na mahal ko rin siya. At sinang-ayunan ko rin ang sinabi niya sa akin na huwag lang kaming magsulatan dahil malulungkot lang siya kapag may matatanggap na sulat na galing sa akin na malayo ako sa piling niya.
Habang nasa Maynila ako siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Dahil umaasa ako na sa aking pagbalik o pagbakasyon ay may Enrico na naghihintay sa akin.
Subalit heto ako ngayon sa aming lugar nagbabakasyon ng isang buwan pero wala si Enrico na aking inaasahan. At ramdam ko na mula ng kami ay magkarelasyon ngayon lang ako nakadama ng lungkot. Masaya na sana ako dahil ang nasa isip ko pumunta lang sa malayong lugar si Enrico para magkaroon ng magandang buhay para sa muli naming pagkikita ay mapag-usapan na namin ang para sa aming pagsasama ng bigla ay may nabalitaan ako isang linggo pagkaraan ng aking bakasyon. Kagigising ko lang ng malaman ko sa aking kapatid na si Enrico ay umuwi pero may kasamang babae. Parang sasabog ang dibdib ko ng marinig ko iyon. Gusto kong puntahan si Enrico sa bahay nila kung bakit niya ako pinalitan gayong wala namang break-up na nangyari sa aming relasyon.
Hanggang sa makita mismo ng dalawa kong mga mata na totoo ang sinabi ng aking kapatid. Si Enrico may iba ng babae at pinalitan na ako. Akala ko pa naman hindi siya tutulad sa mga nakarelasyon ko. Tumulad din pala siya.
Bukas aalis na lang ako papuntang Maynila. Hindi ko na lang tatapusin ang isang buwan ko na bakasyon. Sana malimot ko ang alaala namin ni Enrico pagdating ko roon. Masakit pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi siya para sa akin.

Dakilang Ina

DAKILANG INA

Buhay ko ay sa inyo lamang
Inilalaan sa bawat araw
Naghahanap-buhay ako
Para kayo ay aking mapakain

Bawat araw nanalangin pa ako
Sana sa inyong paglaki
Magpakabuti kayo at magpakabait
Walang kalaban sa lipunan

Oo aaminin ko
Minsan nasasaktan ko kayo
Sa sobra ninyong pasaway
Hindi ko mapigilan na di ko kayo
paluin ng konti

Dumating man ang araw
Na di ko na kayo kayang buhayin
Dahil ako ay mahina na
Sana tulungan niyo rin ako

Mga anak, o aking mga anak
Kayo ang bunga na aking pag-ibig
Sobra nga lamang na masakit
Mag-isa ko na bumubuhay sa inyo.

Love Story

LOVE STORY

Bata pa lamang ako
Ikaw na ang pangarap ko
Minimithi ko sa buhay
Na makasama sa habang panahon

Kapag tayo ay nagkakalaro
Madalas mata ko sa'yo nakatingin
Tinitingnan ka ng mabuti
Baka mapaano ka

Walang araw noon
Na hindi ako nag-aalala sa'yo
Paano, ikaw lang ang kababata ko
Na hangang-hanga ako

Kung tayo ay nagkakausap
Masayang-masaya ako
Para bang ayaw ko
Matigil ang pag-uusap natin

Hanggang sa tayo ay lumaki
Nagbinata ako at nagdalaga ka
Ganoon pa rin hindi nagbabago
Ang paghanga ko sa'yo

Masakit nga lamang
Marami na ang humahanga sa'yo
At pakiwari ko talaga
Hindi ako makakasabay sa kanila

Dahil hindi ako katulad nila
Na humahanga rin sa'yo
May kaya sa buhay
Hindi katulad ko, mahirap

Minsan naiisip ko
Bakit umibig ako sa'yo
Gayong alam ko noon pa man
Mayaman ang iyong pamilya

At nababatid ko
Hindi tatanggapin ang tulad ko
Dahil hindi nababagay
Sa katulad mo.

2 na tula

KAHILINGAN NG INA

Sa iyong paglaki sana makaasa ako
Na makakayanan mo anak ko
Mga pagsubok na darating sa'yo
Kahit na ito ay mahirap pa

Ang mga payo ko sa'yo
Sana ito ay sundin mo
Dahil lahat ng iyon
Para naman sa iyong ikabubuti

Mangyari man na nasasaktan ka
Tawagin mo lamang ako
Handa agad kitang tulungan
Dahil ikaw ang bunga ng aking pag-ibig

Pangarap na nais mo
Pilitin mo na maabot
Kung kailangan na magsikap ka
Gawin mo para matupad

Hindi man ako mayaman
Katulad ng ibang ina
Laha ng gusto mo
Pipilitin kong maibigay ng buong puso

Tangi ko lang hiling
Sana magkaroon ng kabuluhan
Mga pagod at hirap ko para sa'yo
Upang ako ay maging masaya habang buhay.

PAG-IBIG

Salamat sa iyo kaibigan
Napakabait mo sa akin
Kapag ako ay nangangailangan
Nandiyan ka para ako ay damayan

Kahit na ba ikaw ay mahirapan
At kahit na masaktan pa
Handa kang magsakripisyo
Alang-alang sa akin

Hindi naman tayo magkamag-anak
Lalong hindi tayo magpinsan
Pero napakabuti mo sa akin
Pinapasaya mo ako ng sobra

Tuloy nasabi ko sa sarili
Sana di ka magbago sa akin
Dahil kung pag-ibig ang dahilan
Handa kitang mahalin.

Pangarap ( published )

PANGARAP

Ako ay katulad rin ng iba
Kaginhawaan sa buhay
Ay laging hinahangad
Kailan, kailan kaya darating

Kaya nga ng dumating ang
isang pagkakataon
Na ako ay makakapunta
Sa ibang bansa
Labis ang aking kasiyahan

Heto nandito na ako
Sa bansa ng mga Hapon
Mahirap man trabaho
Tinitiis ko na lamang para
maahon sa kahirapan

At sa aking pag-uwi
Naiisip ko na dito pa lang
Naipon na pera ay ipupuhunan
sa negosyo
Para kahit paano guminhawa
pamilya ko.

- Manelynne T. Trani
St. John's Academy
Jose Gil St. San Juan
Metro Manila

Pagbangon ni Mama ( published ) aka. SANA NGA

PAGBANGON NI MAMA
( sana nga)
Ni Manelynne T. Trani

Kaysarap dati ng buhay ko. Panahon na sina mama at papa ay nagsasama pa. Bawat Sabado at Linggo ay namamasyal talaga kami. Palibhasa kapwa pumapasok sa opisina at mataas pa ang sahod ay ayos lang kung gumasto man ng pera. Basta para sa ikasasaya ng pamilya walang problema. Kung gusto ko naman ng isang bagay o laruan ay naibibili talaga nina mama at papa para sa akin. Kaya nga noon sinasabi ko suwerte ako at nagkaroon ako ng magulang na tulad nila. Hindi katulad sa iba kong mga kaibigan na bukod sa wala pang katulong sa bahay ay nagsasakripisyo pa sila sa bawat araw para mabuhay. Ako ay hindi na. Mayroon ng nag-aasikaso para sa pagkain namin at naglalaba ng maruming damit.
Akala ko talaga ay walang katapusan ang kasiyahan ko sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila. Hindi pala, lahat pala ay may katapusan. Nalaman ko na lang isang umaga na pagkagising ko na si mama ay umiiyak. Iyak na masyadong nasasaktan sa pangyayari. Ako na sampung taong gulang noon at musmos pa ang kaisipan ay di ko agad nadama ang kanyang pag-iyak. Ngunit ng sabihin niya sa akin na si papa ay sumama na sa ibang babae at di na magbabalik sa amin ay di ko napigilan ang di umiyak. Paano?, di ko na makakapiling pa si papa. Noon pa raw pala ay may kinahuhumalingan ng ibang babae si papa.
Lumipas pa ang ilang araw napansin ko na lagi na lang malungkot si mama. Kung dati ay di siya tumitikim ng alak ngayon ay umiinom na siya ng alak. Pinalayas na rin niya ang katulong namin. Kung dati ay hindi ako naglalaba ngayon ay nagkukuskos na ako ng maruming damit. Madalas na rin akong utusan ni mama na bumili ng pagkain. Nag-iba talaga ang buhay ko mula ng mawala sa amin si papa. Ang masakit pa ay pinag-uusapan kami lagi ng aming mga kapit-bahay.
Kapag ako naman ay nasa paaralan at tinatanong ako ng mga kaibigan ko kung nasaan si papa ay di agad ako nakakasagot. Nahihiya ako sa mga kaibigan ko na naghiwalay ang mga magulang ko. At kapag nakikita ko naman ang iba kong mga kaibigan na magkasama silang pamilya ay may pagkainggit sa aking sarili. Naaalala ko ang mga sandali na magkasama kami nina mama at papa.
Tuwing sumasapit naman ang Sabado at Linggo ay lagi na lang ako sa bahay. Nasa isip ko na lamang ang aming pamamasyal. Kung humiling naman ako kay mama na kami ay mamasyal ay di siya pumapayag. Masyado talaga siyang naapektuhan sa nangyari.
Minsan isang gabi ay nanaginip ako. Kaming dalawa ni papa ay namamasyal. Masayang-masaya ako habang kami ay namamasyal. Gusto ko sabihin sa kanya kung bakit niya pinalitan si mama pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na dapat harapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin at huwag akong paaapi para di masaktan si mama.
Kinabukasan pagkagising ko at paglabas sa silid ay nakita ko si mama na nagdarasal sa altar. Namangha ako kasi mula ng magkahiwalay sila ni papa ay di na niya iyon ginawa. Pero ng araw na iyon nagdasal ulit siya sa altar. Taimtim na nagdarasal.
Nasa kusina ako ng tawagin ang pangalan ko ni mama. Maghanda raw ako kasi kami ay mamamasyal. Pagkarinig ko na kami ay mamamasyal ay napaluha ako ng kaunti. Nasa isip ko sana nga ay matanggap na talaga ni mama na si papa ay wala na sa amin.
Tuwang-tuwa ako ng araw na iyon.

Plano

PLANO
Ni Manelynne T. Trani

Magkatabi ng kuwarto na paupahan sina Lester at Kristine. Ngunit magkaiba ang paaralan na kanilang pinapasukan. Si Kristine ay kasama niya ang kanyang kapatid at pinsan. Samantala si Lester ay nag-iisa lang sa kanyang kuwarto. Dahil si Lester ay medyo mayaman at kumukuha ng kursong abogasya. Sa loob ng halos tatlong buwan na nila na magkatabi ng kuwarto ay hindi man lang sila nagkakausap ng masinsinan. Dahil si Lester ay mahiyain sa babae kahit na guwapo! At si Kristine naman nahihiya na siya ang lumapit kay Lester para makipag-usap dahil baka sabihin na siya pa ang nagpapakita ng motibo. Pero si Kristine ay crush niya si Lester. Gayundin si Lester may lihim siyang pagtingin kay Kristine.
Minsan isang gabi pag-uwi ni Lester galing sa paaralan ay nakita niya na may bisitang lalaki si Kristine. Nag-uusap silang dalawa sa sala at parang masayang-masaya si Kristine. Agad ay nakadama ng selos si Lester. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto agad ay nagsisisi siya kung bakit hinayaan na lamang niya ang pagtingin na nadarama kay Kristine. Ayan tuloy, mauunahan pa yata siya.
Kinabukasan paggising niya at pagpunta sa canteen para kumain nakasabay niya sina Kristine. Habang pumipili si Kristine ng pagkain nila na bibilhin ay naglakas-loob na nagtanong si Lester kay Kristine.
"Kristine, sino ba ang lalaki na bisita mo kagabi?".
"Ah, si Junjun kaklase ko", sagot ni Kristine.
"Nanliligaw ba siya sa iyo?" tanong uli ni Lester.
"Medyo," mahinang sagot ni Kristine kay Lester
"Ganun ba?", malungkot na sinabi ni Lester kay Kristine sabay puwesto na sa upuan para kumain,.
Habang siya ay kumakain hindi siya mapalagay. Nagtatalo ang puso niya at isipan. Sa isipan niya ayaw niya munang magmahal dahil magiging abala iyon sa kanyang pangarap na maging isang abogado. Ngunit sa puso niya ay nag-uudyok na ligawan na si Kristine. Dahil noon pa man na makita niya ito ay nagkaroon na siya ng pagtingin sa dalaga pero inililihim lang niya.
Kinagabihan muli ay bumisita na naman si Junjun. Ang masakit siya pa ang napagtanungan kung nandiyan ba si Kristine dahil nakatayo siya sa may pinto. At ilang sandali pa nagselos na naman siya.
Pagkabukas dahil sa hindi na niya talaga makaya na pigilan na lang ang nararamdaman kay Kristine ay niyaya niya ito na mamasyal. Laking pasasalamat niya ng si Kristine ay pumayag. Nasundan pa iyon ng nasundan. Bawat imbita niya kay Kristine ay pumapayag ito at sa bawat pamamasyal nila masayang-masaya siya, gayundin si Kristine. Ang ipinagtataka niya bakit mula ng mamasyal sila ni Kristine ay di na muli pang bumisita si Junjun.
Hanggang isang araw na hinihintay niya si Kristine na dumating galing sa paaralan ay nakipagkuwentuhan muna siya kay Rhea na pinsan ni Kristine. Sa pag-uusap nila doon ay nalaman niya na si Junjun ay kaibigan lang pala ni Kristine sa paaralan. Kinasabwat na kunwari ay manliligaw sa kanya para siya ay magselos ng sa ganun maglakas-loob na ipadama ang nararamdaman niya kay Kristine dahil mula pa raw noong una alam na ni Kristine na siya ay may pagtingin.
Pagdating ni Kristine ay napatawa lang si Lester. Nasa isip niya na naisahan siya ni Kristine. Nalaman ni Kristine na siya ay mayroon talagang pagtingin. Kaya si Kristine na ang gumawa ng plano para mangyari ang nais dahil si Kristrine crush din siya. Magpaganun pa man walang pagsisisi na minahal niya si Kristine dahil hindi iyon naging sagabal sa kanyang pag-aaral kundi naging inspirado pa siya.
Hanggang sa maging sila.

Kokak ng Kamatayan

KOKAK NG KAMATAYAN
Ni Manelynne T. Trani

Kokak...kokak...kokak...kokak...palakas ng palakas ang tinig na iyon at parami ng parami. Tila nagbabadya na may mangyayaring di maganda. Kinakabahan ako ng gabing iyon. Sa isang bahay na kami lang dalawa ni Inay.
Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga tao na nagdaraan. Nang tingnan ko si Inay sa higaan niya ay wala. Agad ay bumaba ako para siya ay hanapin.Nalaman ko sa mga tao na nagdaraan na pupunta sila sa tabi ng ilog para kumita sa taong napatay. Warak daw ang dibdib at kinain ang puso ng tao. Sa pagpunta ko doon nagulat ako sa aking nakita. Totoo yata na may aswang. Doon ko rin nakita si Inay. Nakiusyoso din pala siya sa nangyari.
Nang araw na iyon naging usap-usapan agad ang nangyari. Pati sa kabilang baryo ay umabot ang usapan. Wala silang alam na suspek kahit isa. Mag-iingat na lamang daw at kung maaari ay huwag ng lumabas ng bahay kapag hating-gabi na.
Kumakain kami ni Inay ng tanungin ko siya kung nakarinig din ba siya ng kokak ng mga palaka kagabi. Nagulat ako sa naging sagot niya dahil wala raw siyang narinig. Eh! sa palagay ko sigurado ako na kahit tulog ay magigising dahil sa masyado talagang malakas at maraming kokak ang naririnig ko.
Isang linggo ang lumipas muli nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka sa hating-gabi. Katulad rin noong una kong marinig ang mga iyon. Palakas ng palakas at parami ng parami. Nasa isip ko sana di mangyari ang hinala ko na may papatayin na naman.
Muli pagkabukas nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Nang tingnan ko naman si Inay sa higaan niya ay wala. Usap-usapan ng mga tao ang taong pinatay sa may puno ng akasya. Ang pagkakapatay ay katulad din daw sa taong pinatay sa tabi ng ilog. Aswang daw ang may kagagawan.
Sa pagpunta ko sa may puno ng akasya. Muli ay nakita ko na katulad talaga ang pagkakapatay isang linggo na ang nakakaraan. Warak ang dibdib at wala ng puso ang tao. At si Inay nakita ko na naroon din.
Naglilinis ako ng bahay ng si Inay ay tanungin ko rin tungkol sa kokak ng mga palaka. Tulad din ng dati ang naging sagot niya. Wala siyang naririnig na mga kokak ng palaka.
Naulit pa ng naulit iyon. Na sa bawat pakakarinig ko ng kokak ng mga palaka pagkabukas ay may patay na tao na warak ang dibdib at wala ng puso. Gusto kong ikuwento sa mga tao na kapag ako ay nakakarinig sa hating-gabi ng mga kokak ng palaka ay may patay pagkabukas. Ngunit hindi ko magawa dahil baka pagtawanan lang nila ako.
Minsan isang hating-gabi nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka. Kinakabahan ako ng gabing iyon at di mapakali. Naisipan kong tingnan si Inay sa kanyang higaan. Nagulat ako dahil wala siya roon. Hinalugad ko ang buong bahay wala talaga si Inay. Gusto kong lumabas ng bahay para siya hanapin ngunit naghari ang takot sa akin. Nagdasal na lamang ako na sana walang masama na mangyari sa kanya.
Muli, nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Agad pumasok sa isip ko si Inay dahil wala siya kagabi ng marinig ko ang mga kokak ng palaka. Habang papunta ako sa pinangyarihan ay kinakabahan ako. Lalo na ng makarinig ako na ang pinatay na babae ay halos magkasing-edad lang ni Inay.
Laking pasasalamat ko na lang ng hindi si Inay ang pinatay ng aswang. Ngunit ng makita ko si Inay ay di katulad noong dati ko siyang nakikita kapag may pinapatay ang sinasabi nilang aswang. Dahil si Inay ng makita ko ay may mga kaunting sugat sa katawan. Lalo na sa kanyang mga kamay. Para siyang nakipaglaban. Gusto kong lapitan si Inay sa oras na iyon para alamin kung bakit nagkaganun siya. Pero di ko na lang ginawa. Hanggang sa pag-uwi ng bahay hindi ko na siya tinanong. Naging palaisipan na lang sa akin kung bakit nagkaroon siya ng mga kaunting sugat.
Kokak...kokak...kokak...kokak..."Huh!", ito na naman ang kokak ng mga palaka. Sana bukas ay walang tao na patay na warak ang dibdib at wala ng puso.
-wakas-

Sir Bobby: PNP-TMG

SIR BOBBY: PNP-TMG


Tawagin na lang natin siyang Sir Bobby. Ang pangalan niya kasi ay Roberto. Isa siya sa mga miyembro ng PNP-Traffic Management Group na hinahangaan ko. Dahil hindi siya tumatanggap ng suhol. Kapag mayroon talagang violation ang sasakyan ay huhulihin niya. Kahit sino pa ang may-ari.
Ang paghanga ko sa kanya ay sobra-sobra. Kapag kami ay nagkakausap makikita mo talaga na pawang katotohanan ang sinsabi niya.
Isa sa mga dahilan kung bakit hanga ako sa kanya ay tungkol sa buhay niya. Noong nag-aaral pa raw siya ay may banda sila.Tumutugtog sila sa kung saan-saan at ang pera na ibinabayad sa kanila ay ginagasto nilang lahat sa pag-aaral. Ang iba daw na kasama niya sa banda ay nasa ibang bansa na. Kung nag-interes daw siya na mangibang bansa at tumugtog doon ay sigurado daw na matutupad iyon. Dahil magaling siyang maggitara at umaawit din siya. Dahil sa kanilang banda ay second voice siya sa vocalist.
Marami pang dahilan kung bakit hinahangaan ko siya. Ngunit ang masyado kong hinangaan sa kanya ay ng makasalba siya sa isang hinostage na babae. Nasa kalsada siya at ginagampanan ang tungkulin bilang PNP-TMG. Nang may mapadaan na taxi na sa loob ay may hostage. Agad ay hinabol nila ng kasamahan niya. Dahil matraffic bigla ay nakalabas ay driver ng taxi at naiwan sa loob ang biktima at ang suspek na ang hawak ay patalim. Sigaw pa raw ng sigaw ang suspek na papatayin niya ang biktima habang nasa loob ng taxi at tinututukan ng patalim ang biktima. Kahit anong pakiusap raw nila na palayain na ang babaing biktima ay ayaw makinig ng suspek. Kitang-kita raw niya na masyado ng kinakabahan ang biktima dahil hindi nagbibiro ang suspek.
Sa tawag ng tungkulin na baka tuluyan ng suspek ang biktima agad ay nag-isip siya kung paano babarili ang suspek na hindi makakahalata. Dahan-dahan ay pumunta siya sa likod ng taxi. May mga reporter na daw noon at nakavideo na ang nagaganap. At ng makalugar na siya na barilin ang suspek agad ay pinaputukan niya sa kanang braso ang suspek na doon hawak ang patalim. At agad ay nadampot nila ang suspek na namimilipit na sa sakit.
Iyak ng iyak daw ang babae na hinostage pagkatapos na siya ay makawala na sa suspek. Dahil sa akala ng babae ay katapusan na niya. Sa araw na iyon agad ay ipinakita sa TV ang naganap na pangyayari. Bayani siya sa tingin ng iba ngunit sa mga magulang ng suspek ay hindi. Dapat daw ay hindi binaril ang suspek at pinakiusapan lang ng mabuti na palayain ang hinostage dahil sa ang suspek ay galing sa mental hospital at kalalabas lang ng araw na iyon.
Lalo siyang nagulat ng siya ay kinasuhan ng mga magulang ng suspek na mayaman pala. Dahil sa tingin niya tama ang ginawa niya at di niya alam galing sa mental hospital ang suspek ay nilabanan niya ang kaso. Umutang pa raw siya ng pera para ipambayad sa abogado.
Ang masakit ay bawat hearing ng kaso ay pumupunta siya sa Maynila. Dahil isang linggo pagkatapos na mangyari ang insidente ay nagpalipat siya sa probinsya. Dahil sa pakiusap na rin ng mga kaibigan niya na baka siya gantihan. Nakailang hearing din daw ang nangyari hanggang sa siya ay manalo sa kaso.
Kahit daw pala ikaw ay alagad ng batas at gumawa ka ng hakbang na sa tingin mo ay tama ay hindi ka nakakasiguro na tama nga ang iyong ginawa. Dahil iyon daw ang nangyari sa kanya.
Hanggang ngayon si Sir Bobby ay patuloy pa rin na nagseserbisyo bilang PNP-TMG. Tapat siyang naglilingkod.

Japayuki

JAPAYUKI

Si Nicole ay isa kong kababata. Katulad niya rin ako na nakatira sa squatter area. Ulila na siya sa ama. Ang mama niya naman ay sa Japan nagtratrabaho. Bata pa lang kami ay kaming dalawa na ang magkasundo sa lahat ng bagay. Sa paglalaro naman kaming dalawa ay laging magkakampi. Kung mayroon siyang kaaway kinakampihan ko siya. Gayundin siya sa akin. Kahit sabihin pa na kami ang may kasalanan nagkakampihan pa rin kami. Pagdating naman sa problema kami ay nagtutulungan.
Kaya nga ng isama siya ng kanyang mama pagkatapos namin ng high school ay nalungkot ako. Kasi mawawala pansamantala ang matalik kong kaibigan. Nang lumipad na nga ang eroplano na sinakyan nila sa paghatid ko sa airport ay di ko napigilan ang hindi lumuha.
Hanggan sa pag-uwi ko sa amin ramdam ko pa rin ang lungkot ng pag-alis ni Nicole. At sa isipan ko inaalala ang mga sandali na kami ay magkasama.
Nawala lang ang kalungkutan ko ng ako ay ipasok ng nanay ko sa isang malaking tindahan bilang tindera. Wala raw silang pera na ipagpapaaral sa akin sa kolehiyo kaya mabuti pang magtindera na lang muna ako. Para sakali ay makapag-ipon ako ng pera.
At paglipas pa ng dalawang taon bilang tindera ay nagpasya ako na mag-aral na sa kolehiyo. Nasa pangatlong taon ako sa kolehiyo ng umuwi si Nicole galing sa Japan. Tuwang-tuwa ako ng malaman ko talaga iyon.Agad nga kinagabihan ay pumunta ako sa kanila.
Ngunit ang ikinabigla ko ay ng di man lang niya ako pinansin masyado. Pinapasok niya lang ako at pinaupo. Mas binigyan niya ng pansin ang dalawa rin naming kababata na sa club nagtratrabaho dito sa Maynila. Nasa isang upuan lang ako at pinagmamasdan lang sila na nag-uusap. Nagtatawanan pa sila kung minsan. At pagkalipas pa ng halos isang oras na ganun pa rin ang kalagayan ko ay nagpasya ako na magpaalam na. Nasa isip ko na lamang na baka may mahalaga lang silang pinag-uusapan.
Kinabukasan umaga pa lang ay pinuntahan ko na siya sa kanila. Nasa mesa siya at kumakain. Pinasabay lang niya ako sa pagkain tapos ay wala na. Kung humihiling ako sa kanya na magkuwento naman tungkol sa buhay niya sa Japan hindi siya sumasagot. At ng yayain ko na mamasyal kami ay umayaw rin. Ngunit ng dumating sina Tina at Jean na ang trabaho ay sa club at nagyaya kay Nicole na mamasyal ay pumayag siya. Pumasok agad sa isip ko siguro ayaw na ni Nicole na makipagkaibigan sa akin.
Nasa isang tindahan ako kinagabihan ng makita ko sina Nicole, Tina, at Jean na magkakasama. Masyadong seksi ang suot nilang damit. Agad ay nagbalak ako na sundan sila. Dahil masama ang kutob ko na sa club ang punta nila. At hindi nga ako nagkamali dahil sa club nga sila pumunta. Agad sa isipan ko ay bakit ganun na si Nicole? Eh! noong bata pa kami ay galit siya sa mga tao na ang trabaho ay sa club. Pero bakit ngayon ay nandoon siya?
Pag-uwi ko sa amin nasa pintuan pa lang ako ay narinig ko na nag-uusap sina Inay at Itay. Akma na akong papasok ng bigla akong mapatigil dahil naring ko na si Nicole ay tumulad din pala sa mama niya na naging Japayuki. Higit akong nabigla ng marinig ko na hindi lang pagbabakasyon ang iniuwi ni Nicole kundi para rin makalikom ng pera sa mga magiging kustomer niya sa club.
Pagpasok ko ay diretso agad ako sa kuwarto. Hindi nila alam na narinig ko ang pag-uusap nila tungkol kay Nicole. Paghiga ko agad ay nanghihinayang ako para kay Nicole kung bakit naging ganun ang trabaho niya.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit ayaw na ni Nicole na mapalapit ako sa kanya. Dahil baka pagsabihan ko siya tungkol sa uri ng trabaho niya o di kaya mahikayat niya ako na tumulad sa kanya.

Naglahong Diploma

NAGLAHONG DIPLOMA

Malapit na naman ang pasukan. Sigurado ako na masayang-masaya na naman ang mga estudyante na papasok sa paaralan. Nakauniporme at bagong ligo pag pumupunta na sa paaralan. Ang paggising sa umaga para maghanda sa pagpasok ay balewala lang dahil nasusuklian naman sa kasiyahan na nadarama sa paaralan. Lalong-lalo na pag nakikita na ang mga kaibigan. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagbibiruan, at kung minsan ay naghahabulan pa.
Pero ako ay heto, hanggan pangarap na lang yata ang makapag-aral pa. Hindi na siguro mangyayari sa akin na makagawa pa ng takdang-aralin. Lalong-lalo na ang paghawak ng libro at babasahin sa harap ng guro at mga kaklase.
Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay at ang bunso ko naman ay tatlong taon gulang pa lamang. Mga magulang ko ay walang permamenteng trabaho. Ang nanay ko minsan may kumukuha para maglaba ng mga maruming damit. At ang tatay ko naman konduktor ng pampasaherong jeep. Kapag hindi bumibiyahe ang jeep walang trabaho si Itay.
Nang makatapos ako ng Grade 5 napakasaya ko. Kasi pag ako ay Grade 6 na nakakasiguro ako na makakatanggap ako ng diploma. Na kailanman ang mga magulang ko ay hindi nagkaroon ng diploma. Kaya nga pinagsisikapan ko ang pag-aaral para sakali ako ay makatanggap ng hindi natanggap ng mga magulang ko. Ngunit kung hindi para sa'yo ang isang bagay hindi talaga mapupunta sa'yo.
Akala ko ng isang umaga at pinagbihis ako ng nanay ay para kami pumunta sa paaralan at ako ay ipaenroll. Hindi pala dahil dinala ako sa kumare niya para tumulong ako sa pag-aasikaso ng mga paninda sa palengke. Para daw makatulong na ako sa pamilya. Dahil hindi sapat ang kinikita nila para sa pang araw-araw na pangagailangan namin. Magtrabaho na daw ako.
Gustuhin ko man na tumanggi kasi maglalaho ang diploma kong hangad hindi ko magawa. Hindi ko kaya na suwayin si Inay. Marahil tama siya na kailangan kahit kaunti ay kumita na ako ng pera para makatulong sa aming pamilya. Marahil tama din siya na kahit ako ay makatapos ng Grade 6 hindi nila ako kayang papag-aralin sa hayskul. Masasayang din lang daw ang pagtatapos ko ng elementarya kong hindi ako mag-aaral sa hayskul.
Kaya ngayong pasukan na darating mamimiss ko talaga ang pag-aaral. At ang diploma na hinahangad ko na makamit sana balang araw makuha ko iyon. Kung hindi man sana managinip na lang ako na tinanggap ko na iyon para kahit sa panaginip maramdaman ko ang kasiyahan ng may tinanggap na diploma.

Lihim na Ambisyon

LIHIM NA AMBISYON



Nalungkot ako bigla ng magsabi ka na lalayo pansamantala. Kasi paano na ako? Hindi ko yata makakaya na ika'y wala sa akin. Dahil noon pa man ikaw na ang inspirasyon ko. Sa iyo ako kumukuha ng lakas. Kapag mayroon akong problema ikaw ang nasasandalan ko. Kahit kailan ay di mo ako binigo. Oo, alam ko may ambisyon ka. At sa iyong pupuntahan nakakasiguro ka na matutupad ang minimithi mo. (Kahit walang kasiguraduhan).
Simple lang naman ang mga pangarap nating dalawa noong mga bata pa tayo. Ang makapagtapos ng pag-aaral ng sa ganoon ay makahanap ng magandang trabaho. Nang matuto na tayong umibig tayo pang dalawa ang nagkaibigan. Nagmahalan tayo sa isa't isa.
Akala ko talaga ganoon na ang pangarap mo katulad ko. Simpleng pangarap para sa simpleng buhay. Hindi pala dahil may inilihim kang ambisyon na ngayon mo lang sinabi sa akin. Ngayong tapos na tayo sa pag-aaral. Kaya pala mahilig ka na mag-isa dahil may iniisip ka na script. At sa pag-uwi mo ng bahay doon ay tinatapos mo at tinatago lang. Kahit pala tayo ay magkasama ang isip mo sa paggawa ng script nakatuon dahil balang araw sa palagay mo magagamit iyon. Gustong-gusto mo pala na maging scriptwriter ng sa gayon ay sumikat ka. Simple ka palang tao ngunit may kahanga-hangang talento sa pagsulat.
Okey, tinatanggap ko na lalayo ka na. Babalik ka rin naman dahil iyon ang pangako mo. Magtagumpay ka bilang scriptwriter o hindi ay di mo ako bibiguin. Hindi mo ako hahayaan na maging malungkot. Dahil mahal natin ang isa't isa. Gusto natin lagi tayong masaya.
Kung tatanungin mo naman ako kung mamimiss kita kung lalayo ka na. Siyempre ay oo ang isasagot ko. Mamimiss kita ng sobra. Sadyang ganoon naman talaga ang ikot ng buhay. Minsan ay masaya, minsan naman ay malungkot. At kung may pagsubok na darating dapat ay harapin ng buong tapang. Pagsubok lang naman iyon na may kalutasan, di ba?
Kaya sa iyo Mr. Ronald San Pedro sana ay mapansin talaga ang mga script mong sinulat sa iyong pupuntahan. Para naman matupad ang inilihim mong ambisyon sa akin na nais mong maging scriptwriter.

Karanasan

KARANASAN

Magmamahal pa ba ako. Nakakailang beses na nga ba akong nagmahal.
Isa......dalawa......tatlo......apat. Sa apat na iyon masasabi ko na nagkaroon talaga ng seryosong relasyon, na nauwi rin sa wala. Naaalala ko pa noong hindi pa ako nililigawan ng una kong naging boyfriend. Kaklase ko siya sa paaralan. Una ko pa lang pagkakita sa kanya ay nagkagusto agad ako sa kanya. Madalas lagi akong nagpapapansin sa kanya. Kahit puwede akong humiram ng libro sa aking kaibigan ay sa kanya ako humihiram. Minsan naman ay humihingi ako sa kanya ng papel kahit na may papel ako. Matindi talaga ang naging tama sa akin ng una kong boyfriend. Kaya nga ng niligawan niya ako ay sinagot ko agad siya. Hindi na ako nag-alinlangan.
Napakasaya ko noong kami pa ng una kong boyfriend. Sa loob ng dalawang taon na aming relasyon wala akong masasabi sa kanya. Napakamaasikasuhin niya sa akin. Hindi niya ako binibigyan ng sama ng loob. At kapag may problema naman ay nagtutulungan kami. Sayang nga lamang at pinatigil siya sa pag-aaral nu'ng magtatatlong taon na kami ng mga magulang niya sa probinsya. Financial problem daw ang dahilan. Masyado talaga akong naapektuhan ng magkalayo kami.
Sa pangalawa ko namang naging boyfriend ay di agad nagtagal. Limang buwan lang kami dahil di ko nakayanan na masyado siyang seloso. Madalas niya akong sumbatan kapag may nakakausap akong ibang lalaki. Naghihinala agad siya na nagpapaligaw pa ako. Ako na ang nakipagbreak sa kanya. Gayundin din sa pangatlo kong naging boyfriend. Umabot lang ng siyam na buwan ang relasyon namin. Dahil nalaman ko na hindi lang pala ako ang babae niya kundi mayroon pa.
At sa huli kong naging boyfriend akala ko talaga ay kami na. Ayos lang sa kanya na nagkaroon na ako ng tatlong boyfriend. Minahal niya talaga ako ng tapat. Hindi siya nagkulang ng pagmamahal sa akin. Ngunit sadya yatang mapait ang pag-ibig para sa akin. Dahil noong limang taon na ang relasyon namin at nagbabalak na magsama na ay naaksidente ang sinasakyan niyang jeep papunta sa kanila na naging dahilan ng pagkasawi niya. Nasabi ko sadya yatang mailap sa akin ang magkaroon ng permamenteng karelasyon.
Lumipas pa ang ilang taon at di na ako nagmahal pa. Kapag may nanliligaw naman sa akin ay sinasabihan ko agad na sa iba na lang ibaling ang pagtingin. Trabaho ko na lang ang aking inaatupag.
Heto ako ngayon, thirty years old na. Kung kailan pa ako tatanggap ng manliligaw siguro tadhana ang makapagsasabi.

Sir Donnie

Sir Donnie

Isa siya sa mga maestro na hinahangaan ko. Bukod sa napakagaling magturo ay guwapo pa! Disenteng-disente talaga ang dating niya kapag pumapasok na sa paaralan. Karamihan nga sa klase namin ay crush siya. Ngunit hanggan doon na lang dahil may asawa na si Sir Donnie. Iyon kasi ang pakilala niya sa amin. Taken na raw siya.
Isang umaga habang ako ay papasok sa paaralan ay tinawag ako ni Sir Donnie. Nasa tapat siya ng paaralan. Ewan ko kung sinadya niya talaga na hintayin ang pagpasok ko. Paglapit ko sa kanya agad ay sinabihan niya ako na kung puwede ay mamasyal raw kami sa Sabado. Nagulat ako ng sabihin niya sa akin iyon. Kasi sa isipan ko ay may asawa na si Sir. Dahil isa niya akong estudyante at crush ko rin si Sir Donnie ay pumayag ako.
Nasa loob na ako ng paaralan ay tuwa at takot ang nararamdaman ko. Tuwa dahil ako ang napili ni Sir na mamasyal at takot dahil baka makita kami ng misis niya at pagsabihan ako ng masama. Habang nagtuturo nga ang guro namin ay hindi ako nakikinig. Nasa isip ko talaga ang mangyayari sa sabado.
At ng matapos na ang klase at si Sir Donnie na ang susunod na magtuturo ay namutla ako. Lalo na ng pumasok na siya. Habang siya ay nagtuturo tinitingnan ko talaga siya ng mabuti. Nasa isip ko ano kaya ang plano niya sa akin? Bakit? ako ang napili niya na mamasyal, gayong hindi naman ako masyadong maganda at mahirap lang kami.
Araw ng Sabado na pagkikita namin para mamasyal ay balisa ako. Ngunit ng makita ko na siya bigla ay nagalak ako. Paano? kasama ko ang guwapong si Sir Donnie na hinahangaan sa paaralan. Hindi siya mukhang thirty years old. Kundi mukha siyang twenty years old.
Habang kami ay namamasyal na ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa kanyang asawa. Na love at first sight daw siya sa misis niya ng una niya itong makita. Nakilala daw niya ito sa isang seminar na pinuntahan niya. Isa daw itong guro. Halos magkasing-edad lang daw sila. Ngunit nagtuturo sa pampublikong paaralan sa probinsya nila. Sa pagsasalaysay pa niya tungkol sa kanilang mag-asawa ay nalungkot ako ng magsabi siya na hindi raw sila nagkakaroon ng anak. Sa loob daw ng pitong taon na sila ay mag-asawa hindi nagbubuntis ang misis niya. May diperensya daw ito. Dahil sabi ni Sir ay hindi siya baog. Gusto na raw niya na magkaroon ng anak.
Sa pagtapat ng isang restoran bigla ay nagyaya siya na kumain kami. Habang kami ay kumakain na bigla ay nagsalita siya ng hindi ko inaasahan. Oo, crush ko si Sir Donnie at alam niya iyon dahil nakikita niya sa kislap ng mga mata ko kapag siya ay aking tinitingnan. Pero hindi ako desperada na babae para pumayag sa kanyang alok na maging kabit para siya magkaroon ng anak. Dahil bata pa ako at may pangarap pa sa buhay na dapat tuparin. Pagkasabi ko sa kanya na ayoko ay ayos lang sa kanya. Hiniling lang niya sa akin na sana walang ibang makaalam sa pinag-usapan namin. At pumayag naman ako.
Pagdating ng Lunes sa oras ng klase ni Sir Donnie parang wala lang nangyari. Nakibati rin ako tulad ng iba kong kaklase ng "good morning sir." Nasa isip ko kung may anak lang sana si Sir Donnie masayang-masaya sana siya.
Sa likod ng kanyang mga ngiti kapag nagtuturo ay may nakatago palang kalungkutan.

Panaginip

PANAGINIP


"Parang awa mo na, patawarin mo na ako!" humahagulgol na sabi ni Dianne kay Luis.
"Hindi kita patatawarin, niloloko mo lamang ako," sabi ni Luis kay Dianne.
"Kapag wala ako sa piling mo nagpapaligaw ka pa. Kitang-kita ng dalawang mata ko," dugtong pa niya.
"Kaibigan ko lang si Adonis, kaklase ko siya dati noong hindi pa kita nakikilala," naiiyak na sabi ni Dianne.
"Kung nakita mo man na sweet kami kanina habang nag-uusap ay dahil ganoon lang kami. Wala talaga kaming relasyon," dugtong pa ni Dianne.
"Basta ayoko na! simula ngayon break na tayo," sabi pa ni Luis sabay iwan kay Dianne.
"Pagkaalis ni Luis iyak ng iyak si Dianne sa isang tabi. Hindi niya inalintana kung may nagdaraan man. Ang mahalaga sa kanya sa sandali na iyon ay ibuhos ang lahat ng luha na dulot ni Luis. Ngunit kahit anong gawin niyang pag-iyak ay di pa rin niya tanggap na sila ay magkakahiwalay na ni Luis. Kaya napagpasyahan niya na lamang na umuwi.
Pagdating niya sa kanilang bahay agad ay sinalubong siya ng kanyang mama.
"O, Dianne bakit malungkot kang tingnan ngayon. Dati ka namang masayahin?"
"Wala mama, ayos lang ako," sagot ni Dianne sa mama niya sabay punta na sa kanyang kuwarto.
Pagpasok niya sa kuwarto agad ay nahiga siya. Ginunita ang mga masasayang alaala nila ni Luis. Ang pamamasyal nila sa mall. Ang pagtatawanan nila minsan kung ang pinag-uusapan ay nakakatawa. Ang pagtulong sa bawat isa kapag may problema. Ang pag-aalala kung kumain na ba, at iba pa na nagpapasaya sa kanya kapag sila ay magkasama.
Higit sa lahat na ginunita niya ay kung sila ay namamasyal sa dalampasigan. Magkahawak kamay habang pinagmamasdan ang alon at pinag-uusapan ang mga pangarap sa buhay. Kasama na ang pangarap na kapag sila ay mag-asawa na dapat may magandang buhay na naghihintay para sa kanilang magiging anak.
Nasa ganoon siyang tagpo ng maisipan niyang magbigti. Paglabas ng kaluluwa niya sa katawan agad ay sinalubong siya ni Kamatayan. Sumama raw siya sa kanya dahil sa impiyerno ang bagsak niya. Paghawak pa lang sa kanya ni Kamatayan agad ay sumigaw siya "saklolo, saklolo, tulungan niyo ako!"
"Dianne, Dianne, gising, gumising ka!, nananaginip ka." Bigla ay napabalikwas siya sa pagkakahiga. Panaginip lang pala ang lahat. Pati na ang paghihiwalay nila ni Luis ay di pala totoo.
Bigla ay tumunog ang telepono. Si Luis ang tumawag at pinapaalala na dapat tuloy bukas ang pamamasyal nila sa dalampasigan.
Kinabukasan sa pagkikita nila ni Luis habang nasa dalampasigan na ay sinabi niya ang tungkol sa kanyang napanaginipan na siya ay nagpakamatay dahil siya ay iniwanan.
Napatawa lang si Luis ng marinig iyon. Dahil kailanman, kahit anong mangyari. Hinding-hindi niya iiwan si Dianne.

Kaya ko

KAYA KO

Kakalimutan na kita. Iyon ang madalas kong sabihin kapag ako ay nag-iisa. Masakit man na tanggapin kailangan ay kayanin at magsimula sa panibagong buhay. Mahirap nga naman kapag ako ay lagi na lang sa isang tabi at inaalala ang nakaraan.
"Rose, gising na umaga na at papasok ka pa sa trabaho". "Huh!", si Inay pala ginising na naman ako. Ito talaga si Inay kahit kailan hindi ako binibigo. Lagi akong inuunawa. Kahit may pagkakamali ako iniintindi niya. Hindi katulad ni Itay na kinukunsinti pa ako. "Opo Inay" sagot ko.
Habang nasa opisina walang ibang iniisip kundi ang trabaho. Masarap talaga magtrabaho kapag wala kang inaalala masyado. Nakakaconcentrate ka sa iyong ginagawa. Kung bakit naging malungkutin ako dati. Simple lang naman ang dahilan. Hiniwalayan ako ng mahal kong si Andrew.
Si Andrew ay isa lang sa maraming lalaking nanligaw sa akin. Sa pagtitiyaga niya ayun nakuha niya ang matamis kong oo. Sa bawat araw na aming pagkikita ni Andrew ay sumasaya talaga ako. Siya ang tipong lalaki na kapag magkasama kayo ay enjoy ka talaga. Kaya nga siya ang sinagot ko.
Sa tatlong taon na aming relasyon ni Andrew marami talaga ang nangyari. Mga pangyayari na masasabi ko talaga ay kami na ang magkakatuluyan. Ngunit hindi pala. Ang lahat pala ay may katapusan. Pagkatapos na makuha ni Andrew ang gusto sa akin ay iiwan din pala ako. Ang loko! pinagsawaan lang pala ako. Siya pa naman ang inspirasyon ko. Madalas pa naman niyang sabihin sa akin noong kami pa na hindi niya ako iiwan. Magpapakasal daw kami sa simbahan balang araw. Sinasabi lang pala niya para ako sumaya at mapagbigyan siya sa gusto niya. Iyon pala makikipaghiwalay din sa akin. Ang buhay ng babae nga naman madali talaga na mabola.
Ngunit ngayon, ngayong wala na talaga si Andrew sa isipan ko. Pipilitin ko na tuparin mag-isa ang mga pangarap ko na hindi siya inspirasyon. At pipilitin ko na makaya ang mga pagsubok na darating sa akin na hindi na siya katulong. Kaya ko iyon!, kayang-kaya ko. Nakakaya nga ng iba. Ako pa kaya. Isa pa marami pa naman ang nagkakagusto sa akin. Pero hindi muna ako magmamahal. Tutuparin ko muna ang mga pangarap ko pa sa buhay saka uli ako tatanggap ng manliligaw.
At pag nangyari iyon. Masasabi ko talaga na matatag ako sa buhay. Mayroong determinasyon. Nakakaya ko ang lahat. Kaya ko!.

Si Emmanuel

Si Emmanuel


Madalas lagi si Emmanuel sa bilyaran. Iyon ang kanyang tambayan na nasa kanto. Minsan lamang siya kung maglaro. Ang sadya niya lang doon ay masilayan ang kagandahan ni Catherine na tapos na sa kolehiyo.
Si Catherine ay isa niyang kababata na mayaman. Noong mga bata pa sila ay doon sa bahay ni Catherine sila lagi naglalaro. Palibhasa mayaman kapag natatapos na silang maglaro at pagod na ay binibigyan sila ng meryenda ng katulong. Dahil sila ay musmos pang mga bata noon ay wala silang malisya kung maglaro man sila na minsan ay nahuhubaran.
Natigil lamang ang madalas nilang paglalaro kasama ng iba pang mga kaibigan ng magpasya ang magulang ni Catherine na sa Maynila siya papag-aralin ng high school at college. Masakit man sa kalooban na di na niya makikita at makakalaro si Catherine ng matagal ay tinanggap niya. Batid na niya kasi na iyon ang mangyayari dahil mayaman nga sina Catherine.
Kapag umuuwi si Catherine tuwing Disyembre at summer ay doon lang ulit sila nagkikita kasama ng iba pang mga kaibigan. Palibhasa nasa high school na minsan ay tungkol naman sa kanilang crush ang kanilang pinag-uusapan. At kapag naririnig ni Emmanuel na ang crush ni Catherine ay ang kaklase niya sa Maynila ay nasasaktan siya. May pagseselos sa puso niya. Gustuhin man niya na sabihin kay Catherine na siya ang crush niya ay hindi niya magawa. Natotorpe siya kay Catherine. Tumatawa na lamang siya kapag tinatanong siya kung sino ang crush niya o di kaya minsan sinasabi niya na wala pa siyang crush. Tinatago na lamang niya ang nararamdaman kay Catherine, dahil sa tingin niya hindi siya nababagay dahil sa mayaman sina Catherine at sila ay mahirap lang.
Minsan isang araw habang nagpapahinga siya sa bahay nila ay pinuntahan siya ng kaibigan nilang si Dave. Akala niya ay kung ano lang ang pag-uusapan nila. Iyon pala ay para lang ibalita na ang kababata nilang si Catherine ay ikakasal. At sila na mga kababata ay iniimbitahan na dumalo. Ang mapapangasawa raw ni Catherine ay taga Maynila.
Sa pag-alis ni Dave bigla lungkot ang kanyang naramdaman. Paano?, ikakasal na ang babae na tibok ng puso niya ngunit kahit minsan hindi man lang naipahiwatig ang nararamdaman. May pagsisisi man sa kanya ay hiling na lang niya na sana lumigaya si Catherine sa piling ng kanyang mapapangasawa.
Dalawang araw bago ang kasal ni Catherine ay inimbitahan silang mga kababata sa bahay ni Catherine para kumain at magkuwentuhan. Doon ay pinag-usapan nila ang mga nakaraan at ang mga pagbabago na sa buhay.
Sa isang sandali na si Catherine ay pumunta sa kusina ay sinundan niya ito. Doon ay kanyang sinabi na sana lumigaya siya ng husto ngayong magkakaroon na siya ng asawa. Ngunit ang ikinabigla ni Emmanuel ay ng magsalita si Catherine na, " Alam mo Emmanuel noong ako ay bata pa at nagdalaga ay ikaw ang gusto ko. Hinihintay ko nga na ligawan mo ako kaso ay hindi mo ginawa. Ang pagsasabi ko noon na ang crush ko ay ang kaklase ko sa Maynila ay hindi iyon totoo. Sinasabi ko lang iyon baka sakali magkaroon ka ng lakas ng loob na magsabi sa akin ng iyong nararamdaman. Kaya ito, ng ligawan ako ni Jeffrey na aking mapapangasawa ay natutuhan ko siyang mahalin."
Pagkatapos nilang mag-usap ni Catherine ay may pagsisisi si Emmanuel kung bakit di niya niligawan si Catherine kahit na ito ay mayaman. At sa araw ng kasal ni Catherine habang ito ay nakaupo at katabi si Jeffrey sa harap ng altar ay di niya naiwasan ang hindi mapaluha.
Tunay na dapat kahit na mayaman pa ang iyong gusto di dapat na mag-alinlangan sa pagpapahiwatig ng nararamdaman.

Pighati ( sana di ka masaktan )

*Pagkasilang pa lang may kapalaran ng nakalaan sa atin. Kapalaran na magpupunta sa atin kung saan tayo talaga. Kung ano ang iyong pangarap o ambisyon hindi mo iyon makakamit kapag hindi nakalaan sa iyo. Kahit ano pang pilit mo hindi mo talaga iyon makukuha. Kahit sa pag-ibig ganoon din. Kapag hindi para sa iyo ang gusto mo hindi talaga mangyayari na kayo ay magmamahalan dahil hindi nakatadhana. Masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan na hindi kayo para sa isat-isa.*

TIME MAY DRAW US APART BUT MEMORIES WILL PUT US TOGETHER

PIGHATI
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakasaya ko ng makilala ka
Lalo na ng maging kaibigan kita
Bawat araw inspirado ako
Paano? umiibig ako sa'yo.

Kapag tayo ay nagkakausap
Di ako makatingin sa'yo ng diretso
Para bang hindi ako makapaniwala
Na kaharap talaga kita.

Kapag tayo naman namamasyal
Pakiramdam ko napakasuwerte ko
Dahil kasama ko sa buhay
Tinatangi ng puso ko.

Akala ko talaga
Kasiyahan kong ito na dahil sa'yo
Ay wala ng katapusan
Mawawala ka rin pala sa akin.

Tulad din pala ng dati
Na aking nakilala at naging kaibigan
Iiwanan din ako na luhaan
Pagkatapos ng lahat.

Napakasakit na tanggapin
Na dahil sa magkaiba
Ang estado ng buhay natin
Iyon ang dahilan para lumayo ka.

Oo mayaman ka
At ako ay mahirap lang
Hindi ko kaya makipagsabayan sa'yo
Lalo na pagsangkot ang pera.

Minsan ay naiisip ko
Kung ganito lang pala ang mangyayari
Sana di ka na lang napalapit sa akin
Ako tuloy ngayon nalulungkot.

Masisisi mo ba ako?
Kung tibok ka ng puso ko
Kasalanan ko ba?
Kung mapamahal ako sa'yo.

Bakit mahirap sa iyo?
Mahalin ang taong kulang sa pera
Hindi naman iyon ang sukatan
Nang tunay na pag-ibig.

Marahil tama ang sabi mo
Di ko mabibili pangangailangan mo
Dahil wala akong sapat na pera
Hindi ko matutustusan kasosyalan mo.

Pero bakit kailangan?
Na sabihin mo sa akin
Maghanap ako ng iba
Eh, ikaw ang mahal ko.

Hindi mo ba alam?
Kahit naiisip lang kita
Parang lumulutang ako sa hangin
Lalo na pag kasama ka.

Ngunit kung sadyang ganoon nga
Alam ko na mahirap na tanggapin
Dahil langit ka sa akin
Pero wala akong magagawa.

Marahil sadyang nakatadhana
Hindi na lalalim pa
Ang pinagsamahan nating dalawa
Dahil langit ka at lupa ako.

Ganoon pa man
Hiling ko pa rin bawat araw
Sana lagi kang masaya
Walang problema na darating sa'yo.

Dahil iba ka sa akin
Mga panahon na tayo ay magkasama
Pakiwari ko ay natupad na
Mga pangarap ko sa buhay.

Sayang talaga wala na tayo
Hindi na mauulit pa pinagsamahan natin
Mapupunta na lang sa alaala
Ang lahat na nangyari sa atin.

Saan ka man ngayon
Nais kong malaman mo
Paglalayo ng landas natin
May kirot sa dibdib ko.

Alam ko pagsubok lang ito
Na bigay ng diyos sa akin
Pagsubok na matindi
Dahil para akong nawalan ng inspirasyon.

Pero kakayanin ko ito
Dahil sa bawat pagsubok
Na dumarating sa buhay
Ay mayroong kalutasan.

Alam ko masakit ang magpaalam
Dahil sa bawat pagpapaalam
May hapdi tayong mararamdaman
Lalo na pag ang nagpapaalam mahalaga sa'yo.

Ngunit wala akong magagawa
Dahil iyon ang gusto mo
Ang iwanan ako
Dahil kulang ako sa pera.

Bilang panghuli sa PIGHATI kong ito
Gusto kong ipaabot sa'yo
Hinding-hindi kita makakalimutan
Kahit ginanito mo ako.

Dahil sa mga panahon
Na tayo ay magkaibigan
O higit pa sa kaibigan
Kahit paano pinasaya mo ako.

Ginising mo ang natutulog ko ng puso
Binigyan mo ng kulay
Buhay kong naging malungkot
Iba ka talaga sa akin.

Kaya kahit wala na tayo
Maaalala pa rin kita
Pangako ko iyan sa'yo
Pagkat ikaw ay walang katulad.

Kahit na ang tingin mo sa akin
Isang hamak na hampas lupa
Walang iba na maibibigay sa'yo
Kundi...............pagmamahal lang.

Miss You ( a poem )

MISS YOU
From: Arvin U. de la Peña

Through the days that we've see
There were always smile in our face
And there were always talk
About how are we now and others

But now that I'm gone
Far away from you
Our friendship that happened
Will not sweet as past anymore

All I hope to you
Please don't forget me
In your mind my friend
Always remember me

Even that sometimes
There were hate in our hearts
Because of our misunderstanding
Don't use that to be forget me

Because now I miss you
Because you've been a part of me
The happy moment that I'm with you
I learn a lot more

Thus forever and ever
I will keep in my mind
That you are a true friend
I love you very much.

My Crush ( a poem )

MY CRUSH
By: Arvin U. de la Peña

Every time I think and see you
Every time my heart beat
Because I'm in love with you
But I can't tell my feelings

Sadness that happen to me
Remembering your smile
The pain that I feel
Will easily disappear

Truly you are different
In all women that I meet
Telling " I Love You" to you
It is very hard for me

But what I will be do
So that you will know
That in my heart and mind
Only you that I want

I'm a questionable man
I'm shy to be with others
I'm afraid to loved a girl
Which is beautiful........like you!

Salamat ( napublished na tula )

SALAMAT
Ni: Arvin U. dela Peña
University of Cebu, Cebu City

Salamat kahit paano
ay minahal mo ako
Alam ko na may pagkakamali ako
Dahilan para ako ay iwanan mo

Salamat rin na ikaw ang
una kong pag-ibig
Dahit sa'yo marami akong
natutunan sa buhay

Hindi naman ako ang
mahal mo ngayon
Nais kong malaman mo
na salamat sa lahat
Na naibigay, naitulong at
naipadama mo sa akin

Hinding-hindi ko iyon
makakalimutan magpakailan man
Maraming-maraming salamat sa'yo.

Sakristan ( napublished na kuwento )

SAKRISTAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Ako'y isang dating sakristan. Noon pa man iyon na talaga ang gusto ko. Ang makapaglingkod sa simbahan. Bilang isang sakristan marami rin akong naging kaibigan. Karamihan ay mga dalaga. Lapitin kasi ng dalaga ang isang sakristan. Dahil ang isang sakristan ay malinis at hinahangaan pa lalo na kapag may mesa at nakikita na tumutulong sa pari.
Kung saan-saang lugar ang napuntahan ko bilang isang sakristan. Dahil bawat imbita sa pari ay isinasama ako. Ang ibang sakristan ay hindi. Minsan inaabot kami ng hating-gabi sa aming pinupuntahan. Kaya di naiiwasan na sa kumbento na lang ako matulog. At uuwi na lang sa aming bahay pagkaumaga.
Labing-dalawang taong gulang ako ng pumasok bilang isang sakristan. Katatapos ko lang na maggraduate ng elemtarya noon. Nang ako ay sakristan na kaylaki ng ipinagbago ng buhay ko noong panahon na iyon. Imbes na maglalaro ako lagi dahil summer o kaya maninirador ng ibon, iba ang nangyari. Pagkagising ko sa umaga ay maliligo para pumunta sa kumbento . Tumutulong sa mga gawain doon. Siyempre sa kumbento na rin ako kumakain kasama ng iba pang sakristan. At kapag mayroon ng mesa ginagampanan ko na ang tungkulin ko bilang isang sakristan.
Si Father Ignacio na rin ang nagpa-enroll sa akin sa high-school. Bawat katatapos ng klase sa hapon at sabado't linggo na lang ang paglingkod ko bilang sakristan. At sa sabado at linggo na iyon binubuo ko talaga ang araw ko sa kumbento. Doon ko na rin ginagawa ang aking takdang-aralin.
Minsan isang araw nakita ako ni Father Ignacio na may kausap na dalaga. Mag-aapat na taon na ako noon bilang isang sakristan niya. Sa di ko malamang dahilan ay kita ko sa kanyang mukha ang galit sa akin. Di ko na lang pinansin iyon dahil kausap ko nga ang babae na nililigawan ko.
Araw ng sabado ng mangyari ang di ko inaasahan. Pagkatapos kong maligo at pumunta na sa kumbento ay kinausap ako ni Father Ignacio. Samahan ko raw siya sa pagpunta sa isa niyang kaibigan. Pumayag naman ako dahil maraming beses na rin naman na sumasama ako sa kanya sa ibang lugar.
Mag-aalas-onse ng dumating kami sa bahay ng kaibigan niya. Halos dalawang oras ang biyahe namin. Sinalubong agad kami ng kaibigan niya na Fred daw ang pangalan. Ngunit ang ipinagtaka ko ay bakit bakla itong kaibigan ni Father Igancio. At pagkalipas pa ng ilang sandali nagsidatingan na ang iba pang kaibigan ni Father Igancio na puro bakla rin. Di ko na lang pansin iyon dahil baka iyon lang talaga ang mga kaibigan ni Father Ignacio na sa tingin ko sa kanya ay lalaking-lalaki talaga.
Pagkatapos naming kumain lahat ay nagsimula na ang inuman. San Miguel Beer ang iniinom namin. Habang tumatagal panay na ang tingin sa akin ng ibang bakla na kaibigan ni Father Ignacio. Lalong-lalo na si Fred. Nakakarinig pa ako ng pasaring na guwapo at malaki ang katawan na sakristan na kasama ni Father Ignacio. Iyon ay nu'ng lasing na ako at masakit na talaga ang ulo ko.
Ilang sandali pa na di ko na kaya pang uminon, nagsabi ako na matutulog muna ako. Sa sobrang kalasingan di ko na namalayan kung sino ang naghatid sa akin sa kuarto.
At ilang sandali lang na nasa kuarto ako nararamdaman ko na hinihimas ang harapan ko. Di naman ako makatanggi at maidilat ang aking mata kung sino ang tao dahil masakit na talaga sa ulo dahil sa sobrang kalasingan. Hanggang sa maramdaman ko na na ibinaba na ang aking pangtalon. Doon ginawa na sa akin kung ano ang ginagawa ng isang bakla sa isang natitipuhan niya. At pagkatapos na mapagsamantalahan ang kalasingan ko ay narinig ko pa ang sinabi ng nagsamantala sa akin kay Father Ignacio na " salamat Father Ignacio at binigyan mo ako ng sariwa ". Habang ginagawa ang kahalayan sa akin ay pinapanood pala ni Father Ignacio.
Pagkagising ko at gabi na ay wala na ang mga bisita. Tulog na rin si Fred. At si Father Ignacio ay nasa sala at hinihintay na ako para umuwi na kami. Habang pauwi na kami di ko na lang siya tinanong tungkol sa nangyari. Hindi ko na rin inusisa ang tunay niyang pagkatao.
Kinabukasan araw ng linggo di na ako pumunta sa kumbento para gampanan ko ang tungkulin bilang isang sakristan sa simbahan. Hindi ko nagustuhan na iniregalo niya ako sa kaibigan niyang bakla habang sariwa pa. Ayaw niya na babae muna ang unang makatikim sa akin.
Hindi na ako nagsakristan pa.


MACHO DANCER

Hindi ko ito ninanais
Sumasayaw sa entabalado
Habang ako ay tinitilian
At pinapalakpakan
Lalo na kung ang
paggiling ay nakakaakit

Tulad din naman
ako ng iba
Kailangan na kumayod
para may ibuhay sa
aking sarili at sa
aking pamilya

Sa mga nagsasabi
Na di maganda ang
trabaho ko at nakakahiya pa
Di ko na lang pansin
Kahit na masakit pakinggan
Balewala na lang sa akin

Kaya kasalanan ko ba
Kung ito ang pagkakitaan ko
Kasalanan ko ba
Kung maging malaswa ako sa iba
Kasalanan ko ba
Kung ako'y isang macho dancer.

Arvin U. de la Peña
University of Cebu

Magulang ( napublished )

MAGULANG
Kay Jellyboy T. Ignas
Ni: Arvin U. de la Peña
University of Cebu

Bawat araw kasama mo sila
Nagbigay buhay sa'yo
Kung kaya ikaw ay narito
Masaya na nabubuhay sa mundo

At sa kanilang mga mata
Ikaw ang kanilang pag-asa
Na aahon sa kahirapan
Upang kayo naman ay umasenso

Ngunit bakit suwail ka
Hindi mo sinusunod utos nila
Kumpleto naman sila sa pangaral sa'yo
Dahil sa ikaw ay kanilang anak

Pati nga pag-aaral mo
Pinababayaan mo na
Masunod mo lamang
Kung ano ang gusto mo

Hiling ko lamang sa'yo
Magbago ka na kaibigan
Huwag mong bigyan ng problema
Mga nagmamahal sa'yo

Sa halip kaawaan mo ang iyong magulang
Mahal na mahal ka nila
Hindi mo ba alam
Nagsisikap rin sila para sa'yo.

Sana ( unang tula na napublished )

SANA
(Irene Yvonne S. Mosqueda)
Ni: Arvin U. dela Peña
University of Cebu, Cebu City


Simula ng magkasama tayo
Sa iisang silid paaralan
Nawala lahat ang mga dinaramdam ko
Dahilan para ako ako ay lumigaya

Pangarap ko tuloy
Ikaw ang makasama ko
Magpakailan man sa piling ko
Para lubos ang aking kasiyahan

Oo inaamin ko ito
Mayroon akong gusto sa'yo
Sino nga ba naman
Ang hindi magkakagusto sa'yo

Isa kang magandang babae
Marami ang naghahangad
Na ikaw ay maangkin
At siyang maalayan ng pag-ibig

Minsan pa nga
Sa buhay kong ito
Hindi ako nakakatulog
Sa kaiisip ko sa'yo

Sana, kahit isang pagkakataon man lang
Maramdaman ko sa'yo
May pagtingin ka rin sa akin
Upang umpisahan kitang ligawan.

Sana Maalala Pa ( napublish na tula )

SANA MAALALA PA
Kay Haide Hanopol
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat araw na tayo ay nagkikita
Laging mayroong ngiti
At laging mayroong pag-uusap
Tungkol sa buhay natin at iba pa

Ngunit ngayong nahiwalay ako sa'yo
Malayo na sa piling mo
Ang ating pagiging magkaibigan
Hindi na magiging kasing-saya tulad ng dati

Hiling ko lamang sa'yo
Huwag mo sana akong kalimutan
Sa iyong isipan
Sana maalala mo pa rin ako

Kahit ba minsan
Tayong dalawa ay nagkakagalit
Dahil sa hindi pagkakaunawaan
Huwag 'yun idahilan para ako ay limutin

Dahil ako lagi kitang maaalala
Dahil naging parte ka ng buhay ko
Sa mga panahong tayo ay
nagkikita at nag-uusap
Marami akong natutunan sa buhay

Kaya magpakailan man
Lagi kong isasaisip
Na ikaw ay tunay kong kaibigan
Ingatan mo lagi ang iyong sarili.

Cellphone ( unang napublish na kuwento )

* Ang istorya po na CELLPHONE ang una kong gawa na kuwento na napublish. Mula noon ay nagsulat na po ako ng nagsulat ng kuwento at salamat naman ay may napublish pa. Sinundan iyon ng napublished pang kuwento na CONTESSA at ang SAKRISTAN. At ang iba ko pong napublish ay mga tula. *


CELLPHONE
Ni: Arvin U. de la Peña

Tunog sa malapit sa'yo, tunog sa malayo sa'yo, o tunog sa tabi mo. iyan ang maririnig kung ikaw ay nasa lugar na marami ang tao. Gaya ng sa mall, sa sinehan, sa party, o kahit sa lansangan. Noong una ko na marinig ang tunog na iyon akala ko kung ano. Nagulat na lang ako ng dumukot ang isang lalaki sa kanyang bulsa dahil may tumunog at nagsabi siya ng hello!. Agad pumasok sa isip ko kaygandang telepono, maliit. Kalaunan nalaman ko na lang na cellphone pala iyon. Nalaman ko rin na sa cellphone na iyon puwede kang mag text. Iyon bang hindi ka na tatawag. Mag text ka na lang at doon magkakaroon na kayo ng komunikasyon.
Kayganda ng bagay na iyon. Lagi kong nasasabi sa sarili ko. Nakakahiya mang aminin ang totoo ay minsan naiinggit ako sa may cellphone. Lalong-lalo na ng halos lahat ng mga kaibigan ko ay nagkaroon na ng ganun. Mismong sa harap ko nakikita ko sila na tumatawag o kaya nagtetext. Minsan sinasabihan nila ako na gamitin ko ang cellphone nila. Pero dahil wala naman akong tatawagan o kaya padalhan ng text, umaayaw na lang ako. Sa mga kaibigan ko rin nalaman na may mga tao na nagkakaroon ng kasintahn ng dahil sa cellphone. Dahil din sa cellphone nagiging mabilis ang komunikasyon sabi pa nila sa akin.
Sabi nga ng isa kong kaibigan na si Haide. " Arvin, bumili ka ng cellphone o kaya magpabili ka sa auntie mo para madali ka naming mahagilap. kasi minsan di ka namin naisasama kung may pupuntahan ang grupo". Tumawa na lang ako ng marinig ko iyon.
Kung kailan ako magkakaroon ng cellphone, siguro di ko alam. Malabo namang mangyari ang sabi ng isa kong kaibigan na si Castulo na bibili lang siya ng cellphone kung ang halaga ay isandaan na. Katuwiran niya mangyayari iyon kung sa daigdig siya na lang ang walang cell phone.
Pero kahit wala akong cellphone. Sumasaya pa rin ako kahit paano. Kasi ang pera na dapat ipambibili ko ng load kung may cellphone ako, ay naibibili ko sa aking pangangailangan.
Kayo na katulad ko na walang cellphone. Gusto niyo rin ba na magkaroon. Siguro kung wala kayong pinagkakakitaan huwag na lang kayo maghangad. Baka kung magkacellphone pa kayo isa kayo na mabiktima ng mang-aagaw ng cellphone.
Hay naku! ang cellphone nga naman.

Contessa ( napublish na kuwento )

HULING SULYAP KAY CONTESSA
Ni: Arvin U. de la Peña

Siya si Contessa. Isa ko siyang kababata. Sa mga kababata ko siya lang ang hinahangaan ko. Dahil bukod sa maganda siya ay mabait pa. Sa araw-araw na nakikita ko siya noong bata pa kami sumisigla talaga ako. Kung naglalaro naman kami, siyempre ginagalingan ko para kahit paano ay humanga din siya sa akin. Kung nakakapag-usap kami, wow para akong lumilipad. Ang kislap ng kanyang mga mata at ang kanyang mga ngiti tunay talaga na nakakapasaya sa aking puso.
Kaya nga noong nasa high-school na kami at alam ko na marami ang sa kanya ang magkakagusto. Di ako nagdalawang isip ng bigyan talaga siya ng loveletter. Dahil sa kilala naman niya ako at alam niya na malinis ang hangarin ko, sinagot niya ako, Napakasaya ko ng sagutin niya ako. Sa apat na taon sa high-school ako ang masasabi niya na boyfriend. Sabi nga ng mga kaibigan ko suwerte daw ako kasi maganda raw si Contessa. Pagkatapos nga namin ng high-school di ko talaga mapigilan na di siya halikan sa pisngi. Paano graduate na kami ng high-school.
Dahil sa kakulangan sa pera namim. Sa pag-aaral na ng college kami di nagkasabay. Ang mahal ko na si Contessa sa Maynila siya mag-aaral. Habang papalapit na ang kanyang pag-alis para mag-aral madalas ang aming pag-uusap. Mga nakaraan namin noong mga bata pa muli naming binabalik tanaw. Ang paglalaro ng taguan. Ang paliligo sa ulan at iba pa na mga larong pambata. Mga hirap at sarap noong nasa high-school kami muli rin namin pinag-usapan.
Ang di ko malilimutan sa lahat na sinabi niya sa akin ay ng sabihin niya sa akin na mahal na mahal niya ako at sana kami na nga ang magkatuluyan. Siyempre dahil sa mahal ko siya sinabi ko naman na makakaasa ka na ikaw lang sa buhay ko. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. At sa pag-alis niya papuntang Maynila nasa isip ko siya lagi at ang sinabi niya lagi kong inaasahan. Naging madalas ang pagsusulatan namin. Paano hindi siya uuwi ng apat na taon. Uuwi lang siya kung tapos na siya sa kolehiyo. Natigil na lang ang pagsusulatan namin ng sabihin niya sa akin na huwag muna akong sumulat kasi last semester na niya sa kolehiyo at ayaw muna niya na magambala ng tungkol sa pag-ibig.
Lumipas pa ang ilang buwan. Alam ko na tapos na sa kolehiyo si Contessa at makakauwi na rin siya. Nasa aming bahay ako at nagpapahinga ng lapitan ako ng aking kaibigan at sabihin sa akin na si Contessa ay umuwi na pero buntis. Ha! nasabi ko sa kanya. Agad-agad nga ay pinuntahan ko si Contessa.
Totoo ba na buntis ka, tanong ko sa kanya. Oo, buntis ako ang sagot niya. Patawarin mo ako. Di ako makatanggi sa professor ko. Ibabagsak niya ako sa klase kung di ko siya pagbibigyan. Ang magada di niya ako pababayaan. Pakakasalan niya ako.
Napaiyak ako sa sinabi niya. Sa apat na taon na magkalayo kami wala akong niligawan na iba. Sa pagpaalam ko sa kanya na aalis na ako marahil iyon na ang huli kong sulyap sa kanya. Huling sulyap kay .........

Pahiwatig ( mahabang tula )

* Alam mo habang sinusulat ko ito ay dalawa ang nararamdaman ko. Malungkot at masaya. Kasi dahil dito maaaring mawala ka sa akin o kaya manatili sa akin. Kung mawawala ka sa akin, syempre ako ay magiging malungkot pero pipilitin ko na malagpasan ang lungkot kasi ako lang naman ang nagpupumilit na makipagkaibigan sa iyo. Kung mananatili ka naman sa akin, syempre ako ay sasaya kasi magiging kaibigan kita at makakaasa ka na magiging mabuti ako sa iyo.*


PAHIWATIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Madalas lagi kitang naiisip
Sa pagkagising ko sa umaga
At sa gabi ako ay matutulog na
Kahit na tayo ay magkalayo

Pakiwari ko ay malapit ka lang
Sa piling ko sinta
Nakakausap at napagsasabihan
Ng aking problema

Tuloy gusto kita
Kahit di pa kita nakikita
Nakakahiya man na aminin
Ang totoo ay hibang ako sa'yo

Kapag naiisip ko naman
Baka di kita makita ng personal
Ako ay nalulungkot
Tumutulo ang aking luha

Alam ko naman talaga
Na ikaw ay mayaman
At ako ay mahirap lang
Langit at lupa ang ating pagitan

Ibaling ko man sa iba
Ang pagtinigin ko sa iyo
Ay di ko nagagawa
Ikaw talaga sa puso at isip

Kung naiisip ko naman
Na mayroon kang kasintahan diyan
Masyado akong nanghihina
Na ewan ko kung dapat ba

Kung bakit ganito ako sa iyo
Simple lang naman ang dahilan
Mula ng makilala kita
Pinasaya mo ang buhay ko

Nagkaroon ako ng kulay ang buhay ko
Naging inspirado ako
Nagsisikap ako na maabot
Ang aking mga pangarap

Bawat araw talaga
Hinihiling ko sa maykapal
Na sana magkita tayo
Para lubos ang aking kasiyahan

Ngunit minsan alam mo?
Pinipilit ko na limutin ka
Dahil baka hanggang pangarap lang kita
Kaso hindi ko nagagawa

Hiling ko lamang sa iyo
Sana kahit magkalayo tayo sa isat'-isa
Ay huwag magbabago
Ang iyong pakikitungo sa akin

Kahit na minsan
Mayroon akong pagkakamali
Sa aking mga sinasabi
Hindi ko naman sinasadya iyon

Dahil ako hindi kita makakalimutan
Kahit ako ay pumanaw na
Na hindi man lang kita nasisilayan
Sa kabilang buhay iisipin pa rin kita

Dahil iba ka sa lahat
Kung magkaroon man ng katuparan
Minimithi ko sa buhay
Iyon ay dahil sa'yo

Muli uulitin ko
Hindi man tayo magkita
Taos puso pa rin ang aking pasasalamat
Na ikaw ay nakilala ko

At ngayong nasabi ko na
PAHIWATIG kong ito sa iyo
Nasa iyo na ang pagpapasya
Kung ako ay may halaga pa sa'yo o wala na.

Irene

IRENE
Ni: Arvin U. de la Peña

Second year college ako ng makilala ko si Irene. Labing-walong taong gulang ako noon. Nang una ko siyang makita akala ko bagong lipat siya sa departamento ng kurso na kinukuha ko. Dahil noong first year college ako hindi ko siya nakikita lalo na kung may pagtitipon ng mga first year. Nalaman ko na lang na Bachelor of Science in Accountancy ang kurso niya. Kumuha lang pala siya ng subject sa aming departamento dahil gusto niya ang oras na iyon, ayon sa plano niya sa pagkuha ng mga subject.
Economics II ang subject na aming pinagsamahan sa silid paaralan, 3:30 ng hapon hanngang 4:30 ang aming klase. Lunes, Miyerkules, at Biyernes iyon. Mula sa kinauupuan ko ay nasa pangatlo siya pakaliwa. Simple lang si Irene. Medyo kulot ang buhok at hindi masyadong maputi. Bagay na bagay sa kanya na ang kanyang buhok ay tinatali. Matalino rin siyang babae. Kapag nakikita ko talaga siya masyado akong nagiging inspirado. At sa isip ko alam ko pag-ibig ang nadarama ko sa kanya. Nag-aalinlangan naman ako na magpakita sa kanya ng motibo dahil baka may boyfriend na siya. Kaya naging sapat na alng sa akin na kami ay nag-uusap o kaya nagkukuwentuhan kapag wala pa ang aming guro.
Lumipas pa ang dalawang buwan napansin ko na wala pa talaga yatang kasintahan si Irene. Dahil narinig ko ang pag-uusap nila ng kaklase kong babae. Nang marinig ko iyon biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Mas lalong nagkaroon ako ng pag-asa na maliligawan ko siya.
Araw ng biyernes ng mangyari ang gusto ko. Pagkatapos ng klase namin ay sinamahan ko siya papunta sa isa niyang subject, na dati ay hindi ko ginagawa. Habang nag-uusap kami tinanong ko siya kung puwede ay mamasyal kami sa linggo. Laking tuwa ko ng pumayag siya. Nang sandali na iyon ay pinasalamatan ko na agad siya. Magkita na lang daw kami sa tapat ng paaralan sa linggo.
Araw ng sabado ay masyado na akong excited sa mangyayari pagkabukas. Dahil iyon ang una kong pagkakataon na ako may makakasamang babae sa pamamasyal na kaming dalawa lang.
Linggo ng umaga ay handa na ako. Nasa isip ko na kung saang mall kami mamamasyal, kakain, at manonood ng sine. Hindi pa nag-aalas-onse ay nasa tapat na ako ng paaralan. Eksakto alas-onse sa relo ko ng makita ko siya na patawid na sa kinaroroonan ko. Hindi pa siya nakakalapit sa akin ay nginingitian ko na siya. Lalo na ng makalapit na sa akin.
Mula sa araw na iyon na aming unang pamamasyal ay nasundan pa iyon ng nasundan. Kahit na natapos na ang aming subject na pinagsamahan. Bawat araw ay lagi kaming masaya. Hanggang sa kaming dalawa ay naging magkasintahan.
At ngayon na 4th year college na kami at parehong magtatapos ngayong Marso ay patuloy pa rin ang aming magandang relasyon. Umaasa kaming dalawa na kami na talaga ang magkakatuluyan. Nasa isip rin namin na kapag nagkaroon na kami ng trabaho at makaipon ng sapat na pera ay magpapakasal kami para makabuo ng isang pamilya.

Dalawa Po

AWIT SA NAGLALABAN-LABAN

Iisang dugo ang inyong pinagmulan
Pagmamahal sa isat-isa
Bakit hindi niyo ginagawa
Nag-aaway-away kayo
Tuloy bawat isa sa inyo ay nasasaktan
At nasusugatan

Hindi niyo ba nalalaman
Na sa inyong ginagawa
Pinag-uusapan kayo lagi
Ng ibang mga tao

Pag-aaway-away niyo tigilan niyo naman
Walang mangyayari
Kung 'yan ay ipagpapatuloy niyo
Magkakaubusan lang kayo ng lahi

Pag-aaway-away niyo tigilan niyo naman
Walang mangyayari
Kung 'yan ay ipagpapatuloy niyo
Magkadugo kayo dapat kayo ay magmahalan
-Arvin U. de la Peña

KABABATA

Maligaya ako natupad mo
Ang iyong mga pangarap
Kahit paano hindi nasayang
Ang apat na taon mong pag-aaral.

Napakasaya ko kapag naaalala
Pinagdaanan nating buhay
Naglalaro, naghahabulan, at kung ano pa
At ang mga pangarap nabuo.

Kahit ako'y naging ganito
Hindi ako nagsisisi
Kung di natupad ang nais ko
Kasalanan ko rin naman.

Masayang-masaya ako
Kapag tayo ay nagkikita
At ako ay iyong niyayaya
Na kumain kahit sandali.

Kung hanggang kailan
Kasiyahan kong ito para sa iyo
Hindi ko masasabi
Sana panghabam-buhay.
-Arvin U. de la Peña

Istambay

ISTAMBAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Matagal na rin akong ganito. Palakad-lakad lang sa kalye. At kung may nakikita na dapat pagkaabalahan doon ay gumugugol ng ilang oras. At pagkatapos punta naman sa iba na paglilibangan.
Halos ganun na lang palagi sa bawat araw. Uuwi sa bahay pag gusto ng kumain o di kaya sa restoran ay kakain. Pagkatapos ay babalik na naman sa paglilipasan ng oras. Kahit na pinagsasabihan pa ako ng aking mga kaibigan at magulang na mag-iba na ako ng lifestyle ay hindi ko sila sinusunod. Kahit na alam ko na may qualification ako para sa pagtrabaho. Basta ito ang gusto ko "happy go lucky guy", ika nga.
Kapag nakikita ko naman ang mga naging kaklase ko na nakauniporme para sa pagpasok sa trabaho ay nasasabi ko sa sarili na sana ay tumagal sila sa trabaho na pinasukan nila. Para sila ay makaipon ng pera at umasenso. Lagi ko iyon nasasabi sa aking sarili. Mas gusto o pa na guminhawa ang buhay nila. Kailanman ay hindi ako nainggit sa kanila na sila ay pumapasok sa trabaho at mayroong tinatanggap na sahod.
Dahil para sa akin sapat na ang ganito kong buhay. Kahit istambay lang nakakaraos naman sa bawat araw. Hindi ako naghahangad na yumaman o di kaya ay magkaroon ng maraming pera dahil sa tabaho. Masaya para sa akin ang ganitong uri ng buhay. Ang diploma na aking natanggap sa pag-aaral ay di ako nanghihinayang na hindi iyon nagamit. Kahit na ba bago ko iyon nakuha ay marami munang pagsubok ang aking nadaanan. Ang paggising ng maaga para maghanda sa pagpasok sa paaralan at ang pagbabasa na umaabot ng hating-gabi. Ilan lang iyon.
Kung kailan ako laging ganito, istambay lang. Hindi ko alam. Siguro hangga't hindi ako nagsasawa. O di kaya baka kung magkaroon na ako ng asawa at magkaroon ng anak ay mag-iba na ang pananaw ko sa buhay.
Basta sa ngayon masaya ako bilang istambay.

Maraming Salamat Sa Iyo

MARAMING SALAMAT SA IYO
Ni: Arvin U. de la Peña


Maraming-maraming salamat sa iyo
Kahit paano ay nabigyan mo ng
kulay ang buhay ko
Mga panahon na ako ay malungkot
Puntahan o tawagan lang kita
Ay nandiyan ka para pasayahin ako
Kahit kailan ay di mo ako binigo

Maraming-maraming salamat sa iyo
Masakit man na aminin
Ang totoo ay nahihirapan ako
Nag-aalinlangan akong sabihin
na mahal na mahal kita
Dahil langit at lupa ang ating pagitan
Hindi ako bagay sa katulad niyo

Maraming-maraming salamat sa iyo
Tinanggap mo ang pakikipagkaibigan ko
Itinuring mo akong katulad ng iyong
mga kaibigan, lahat ay mababait
Hinding-hindi mo ako binibigyan
ng sama ng loob
Katulad ng ginagawa ko sa'yo

Maraming-maraming salamat sa iyo
Kapag ako ay mayroong problema
Tinutulungan mo ako
Ayaw mo talaga na makita
Na ako ay mayroong dinaramdam
Gusto mo ako ay laging masaya
Bawat sandali ay may ngiti sa labi

Maraming-maraming salamat sa iyo
Mga kabutihan mo sa akin
Sobra-sobra sa inaakala ko
Higit pa talaga sa kaibigan
Ang iyong turing sa akin
Magpakailan man ay di talaga ako
Mag-iisip na ikaw ay saktan kahit konti

Maraming-maraming salamat sa iyo
Sakali man na ako ay pumanaw na
Kahit sa kabilang buhay
Hindi talaga kita makakalimutan
Dahil kahit sa internet tayo nagkakilalal
Pakiwari ko ay parang magkababata tayo
Walang pag-aalinlangan sa isa't-isa.

Lawin ( alay kay FPJ )

LAWIN
(alay kay Fernando Poe Jr.)

Paalam na sa iyo lawin
Bukod tangi kang pinagpala
Hindi ka man lumilipad
Para ka na ring nasa himpapawid
Tinitingala ka ng lahat
Sa bawat tulong na iyong naipagkakaloob
Naiibsan kahit konti ang problema

Paalam na sa iyo lawin
Sa kagustuhan mong makatulong minsan
Nang lubos sa taong bayan
Kinonsente at nilait ang iyong kakayahan
Pati na ang iyong pagkatao
Dapat ay sa puting-tabing ka lang daw
Huwag na sa pulitika

Paalam na sa iyo lawin
Lahat ng tao ay nagluluksa
Maging mayaman man o mahirap
Lalo na sa daigdig mong kinasikatan
Dahil malaki kang kawalan
Sa mundo ng industriya
Ng pelikulang pilipino at telebisyon

Paalam na sa iyo lawin
Masakit man na isipin
Ang mga taong nagpipilit noon
Na ikaw ay pabagsakin at sirain
Ang iyong imahe sa publiko
Ay nakikiramay rin at nagsasabi pa
Na ikaw ay walang katulad at
sana hindi ka sumakabilang-buhay
Para marami ka pang matulungan.
---Arvin U. de la Peña
__________________________________________________

Chalk Dust

CHALK DUST
Ni: Arvin U. de la Peña

Dati akong teacher. Nagtuturo ako noon sa isang private school sa high-school. Kahit na maliit lang ang sahod kumpara sa public school ay okey lang sa akin. Sa aking trabaho na pinili masasabi ko talaga na kuntento na ako sa buhay ko. Kasi natupad ang aking pangarap na makapagturo at hindi masayang ang apat na taon kong pag-aaral sa kolehiyo.
Kapag ako ay naglelecture na sa klase lahat na mga estudyante ko ay nakikinig talaga. Hindi nila ako binibigyan ng sama ng loob. Madalas nga ay pinagsasabihan ako ng aking mga estudyante na magaling daw akong magturo.
Hanggang sa ako ay makapag-asawa ganun pa rin ang trabaho ko. Sa anim na taon ko ng nagtuturo sa paaralan na iyon masasabi ko na iyon na ang pangalawa kong bahay. Kasi maraming oras na nandoon talaga ako sa paaralan. Dahil sa kung wala namang pasok hindi naman ako madalas sa aming bahay. Pumupunta rin naman ako sa aking mga kaibigan.
Sa pagkakaroon ko naman ng anak ang pagbili ng pangangailangan sa bata ay nakabibili naman kami ng misis ko. Kahit na ang misis ko ay walang trabaho. Ngunit mayroon namang maliit na tindahan. Kapag para sa bata ay nabibili talaga namin. At hanggang sa nasundan pa ang anak namin ganoon pa rin ang sitwasyon.
Ngunit ng nasa grade 6 at grade 5 na ang mga anak ko. Doon ay naramdaman ko na hindi na sapat ang sahod ko bilang teacher para sa pamilya. Kapag naiisip ko na papasok na sa high-school ang anak ko nararamdaman ko na malaking gastusin na ang haharapin namin.
Kaya labag man sa kalooban naisipan ko na magretire na sa pagtuturo. Pagkatapos na makakuha na kaunting benepisyo doon ay bumili ako ng isang jeep na pampasahero. Dinagdagan ko pa ng kaunting pera para sa jeep.
Sa pamamasada ko ng jeep doon ay nalaman ko na malaki pala ang kita ko sa isang araw kaysa bilang teacher. Sapat na para sa pamilya at para sa pag-aaral ng aking dalawang anak . Kahit na pumasok na sila sa high-school ay makakaya na. At kapag may kaunting sobra ay aming iniipon para sa kinabukasan.
Kung tinatanong naman ako ng dati kong mga estudyante kong bakit tumigil ako sa pagtuturo sinasabihan ko na lang na masaya ako sa pagiging driver ng jeep. Kahit na ang tunay na dahilan ay dahil naliliitan na ako sa sahod dahil may dalawang anak na nga ako na nag-aaral.
At kapag napapadaan naman ako sa paaralan na aking iniwanan kahit paano ay naiisip ko ang pagiging teacher ko dati. Na kung ako ay tawagin SIR.

Kasal

KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikakasal na pala si Joanna sa Lunes doon sa Maynila, pare. Namangha ako ng sabihin sa akin iyon na kaibigan ko. Parang di ako naniniwala na ikakasal nga si Joanna. Dahil tandang-tanda ko pa ang sinabi niya na dalawang taon pa bago siya tumanggap ng manliligaw. Iyon ay ng itigil na niya ang pakikipagrelasyon sa akin para sa pagpunta nila ng magulang niya sa Maynila para doon na manirahan ay wala na siyang aalalahanin. Eh! wala pang isang taon si Joanna sa Maynila.
Si Joanna ay isa lang namang masayahing babae. Kung titingnan mo siya mababakas mo talaga na siya ay mukhang laging masaya. Mapagbiro siya sa mga kaibigan niya. Lalo na sa akin. Kapag kami nga ay nagkakasama minsan hindi ko napipigilan na di tumawa kahit na marami ang tao. Siya pa ang mahilig magpatawa kaysa sa akin na lalaki.
Isa lang naman si Joanna sa mga naging kababata ko. Sa panliligaw ko sa kanya pagkatapos kong mabigo sa unang pag-ibig ay di na ako nahirapan pa sa kanya. Sinagot niya agad ako. Katuwiran niya para naman talaga sa lalaki ang babae.
Kaya nga ng siya ay nagpasya na itigil na ang relasyon namin ay nalungkot talaga ako. Dahil mawawalan na naman ako ng inspirasyon sa buhay. Isa pa mahirap na makahanap ng katulad niya. Nais ko man na pigilan siya ay di ko magawa. Kasi para naman sa kapakanan niya ang gagawin ng mga magulang niya. Nasa Maynila daw kasi ang suwerte nila. Hindi nasa probinsya.
Gusto ko man na sumama sa kanila ay ayaw naman ng mga magulang ko. Mahirap daw ang buhay sa Maynila. At isa pa nakakahiya sa pagtira sa aming kamag-anak.
Pagsapit ng Lunes na araw ng kasal ni Joanna sa Maynila, umaga pa lang ay malungkot na ako. Iniisip ko ang mga nakaraan naming dalawa na magiging alaala na lang talaga. Ang hirap at saya na aming mga pinagdaanan. At ang mga pagsubok na aming nalagpasan.
Nasa malungkot akong sitwasyon ng biglang mag ring ang telepono. Sa pagsabi ko ng "hello". Doon ay nagulat ako dahil si Joanna ang tumawag. Sa pag-uusap namin sinabi niya na ikakasal na siya ilang oras na lang. Sinabi rin niya na salamat sa lahat na naibigay, naitulong, at naipadama ko sa kanya.
Ngunit ang hindi ko malilimutan sa lahat ng mga sinabi niya sa akin ay ng sabihin niya na sana ay nandoon daw ako. Para makita ko raw siya sa unang pagkakataon sa kanyang mukha na malungkot. Dahil sa pinilit lang daw siya ng kanyang mga magulang na tanggapin ang alok na kasal ng manliligaw niyang mayaman na matanda sa kanya ng labin-limang taon. Hindi raw niya gusto ang lalaki pero wala siyang magawa dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Para daw umasenso naman ang buhay nila.
Pinatawa pa niya ako sa pagsabi sa akin na sa oras daw ng kasal ay ako ang nasa isip niya.

Inspirasyon

INSPIRASYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Katatapos ko lang mag-graduate sa high-school ng maisipan kong sumulat ng isang kanta. Noong una ay balisa ako kung anong uri ng kanta ang gagawin ko. Ako na tao ay mahilig ako sa mga love songs dahil naiisip ko ang sarap at hirap sa aking buhay pag-ibig. Ang mga kaibigan ko naman ay rock songs ang gusto nila dahil madalas sila sa tambayan sa kanto para maggitara at minsan naman mag-inuman. Kaya nalilito pa talaga ako kung ano ang gagawin ko.
Hanggang sa makapag-desisyon ako na ang gawing kanta ay ang nangyari sa buhay-pag-ibig ko. Iyon ay ang paglayo ng aking mahal sa piling ko sa kabila na lahat ay ibinibigay ko sa kanya. Bukod pa sa mahal na mahal ko siya. Habang sinusulat ko ang kanta minsan ay tumitigil ako sa pagsulat para lumuha. Dahil hindi ko talaga matanggap na lalayuan ako ng pinakamamahal ko na hindi ko mang lang alam ang dahilan. Ang masakit pa sa bawat araw ay hindi ko na siya nasisilayan.
Nang matapos ko ng gawin ang kanta ay inawit ko. Sa pag-awit ko ang nasa isip ko ay isa akong singer. Nasa isip ko rin na papangalanan ko ang babae na nais kong handugan ng awitin para marinig ng mga manonood.
Lahat ng mga inisip ko ay hanggang sa isipan lang pala. Hindi pala ako magiging singer at hindi pala ako makakapaghandog ng awitin sa entablado. Bagkus ay ako lang pala ang magmamay-ari ng kanta na aawitin ng singer.
Nangyari iyon limang buwan matapos kong magawa ang kanta. Nasa unang taon na ako noon bilang isang mag-aaral sa kolehiyo. At ang dahilan kung bakit naawit ang likha kong kanta ay dahil sa kaklase kong si Saddy.
Katatapos lang ng isang subject sa gabi ng isama ako ni Saddy para pumunta sa inuman na may banda na tumutugtog. Tig-tatlong bote pa lang ng beer ang nauubos namin ng lapitan siya ng kumakanta kanina sa pagdatin namin at kumustahin siya. Magkababata pala sila at si Saddy madalas na pala sa inuman na iyon.
Habang kainom na namin ang singer na pinapatawag lang sa akin ni Saddy ng Yokal ay nagsabi ako na "Yokal may gawa akong kanta at nais ko na awitin mo katulong na iyong banda". Laking tuwa ko ng pumayag siya. Sinabihan pa ako na pumunta lang sa boarding-house nina Saddy pagkabukas.
Kinabukasan nga ay pumuna ako sa boarding-house nina Saddy. Ilang minuto lang ay dumating na si Yokal. Doon ay ibinigay ko sa kanya ang kanta at pinarinig ko pa siya kung paano ko awitin.
Ilang oras lang na ginagawan niya ng chords at sarili niyang lyrics ng magsabi siya na ayos na at aawitin niya sa biyernes.
Para akong lumilipad sa hangin ng marinig ko ang sinabi niya. Pag-alis niya sinabihan ko na maraming salamat at pakikinggan ko sa biyernes
Pagsapit ng biyernes ay excited na ako. Lalo na ng sumapit na ang gabi at nasa inuman na kami ni Saddy. Nakakaubos na kami ng tig-apat na bote ng beer ng ang susunod na tutugtog ay ang banda ni Yokal. Unang awit niya ay hindi pa. Hanggang sa pangalawa. Pangatlong pag-awit na niya ng kantahin ang gawa kong kanta. Sobrang kasiyahan ang nadarama ko habang pinapakinggan ang pagkanta dahil sa wakas naawit na rin ang compose kong awitin na ang naging inspirasyon ko sa paglikha ay dahil linayuan ako ng aking mahal.
Mas lalo akong naging masaya ng inaawit na niya ang nasa chorus;
" Hirap at ginhawa kailan pa man
Sa isipan ay di nagbabago
Laging ikaw ang laman
Sayang nga lamang
Ikaw ay lumayo
At di ko na nakita pa "
Nasabi ko tuloy sa aking sarili na ito ay umpisa pa lang sa marami ko pang kanta na gagawin. At sa iba ko pang kanta na gagawin ang magiging inspirasyon ko ang mga babae na crush ko at liligawan.
At ang babae na linayuan ako na ang pangalan ay Jeanelyn ay nakapagpasya ako na kakalimutan ko na lang siya. Pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil kung hindi sa kanya siguro ay hindi ako makakapag-isip na sumulat ng isang kanta.

tatlong maikling tula

PANGULO

Ang pangulo ng isang bansa
dapat ay mayroong karisma
at bumibilib ang mga tao
Sa mga pangyayaring gusot
dapat ay matatag talaga
Katulad ng punong niyebe
Bagyo man ang dumating
di matatangay ng hangin.
- Arvin U. de la Peña

PATAWAD

Patawad kung minsan
naisasama ko kayo
sa aking mga sinusulat
na hindi niyo nalalaman
Nais ko lamang ay
maging bahagi kayo
sa aking tagumpay
Patawad din kung minsan
hindi ko kayo pinapansin
Sa mga araw kasi na iyon
ay may naiisip akong
isulat na isang kuwento.
- Arvin U. de la Peña

BUWAYA

Ang mga buwaya akala ko
ay sa tabing ilog lang
makikita at mapapansin
Hindi na pala ngayon
Iba na pala sila

Nakapagsusulat na pala sila
at pumapasok na sa opisina
Doon ay may ginagawa
silang tungkulin para
mabigyan ng sahod

Ngunit ang buwaya ay
buwaya talaga
Kahit saang angulo tingnan
Makikita talaga ang pagkagahaman
Pero hindi sa pagkain
Kundi sa posisyon sa GOBYERNO.
-Arvin U. de la Peña