Thursday, June 28, 2007

Cellphone ( unang napublish na kuwento )

* Ang istorya po na CELLPHONE ang una kong gawa na kuwento na napublish. Mula noon ay nagsulat na po ako ng nagsulat ng kuwento at salamat naman ay may napublish pa. Sinundan iyon ng napublished pang kuwento na CONTESSA at ang SAKRISTAN. At ang iba ko pong napublish ay mga tula. *


CELLPHONE
Ni: Arvin U. de la Peña

Tunog sa malapit sa'yo, tunog sa malayo sa'yo, o tunog sa tabi mo. iyan ang maririnig kung ikaw ay nasa lugar na marami ang tao. Gaya ng sa mall, sa sinehan, sa party, o kahit sa lansangan. Noong una ko na marinig ang tunog na iyon akala ko kung ano. Nagulat na lang ako ng dumukot ang isang lalaki sa kanyang bulsa dahil may tumunog at nagsabi siya ng hello!. Agad pumasok sa isip ko kaygandang telepono, maliit. Kalaunan nalaman ko na lang na cellphone pala iyon. Nalaman ko rin na sa cellphone na iyon puwede kang mag text. Iyon bang hindi ka na tatawag. Mag text ka na lang at doon magkakaroon na kayo ng komunikasyon.
Kayganda ng bagay na iyon. Lagi kong nasasabi sa sarili ko. Nakakahiya mang aminin ang totoo ay minsan naiinggit ako sa may cellphone. Lalong-lalo na ng halos lahat ng mga kaibigan ko ay nagkaroon na ng ganun. Mismong sa harap ko nakikita ko sila na tumatawag o kaya nagtetext. Minsan sinasabihan nila ako na gamitin ko ang cellphone nila. Pero dahil wala naman akong tatawagan o kaya padalhan ng text, umaayaw na lang ako. Sa mga kaibigan ko rin nalaman na may mga tao na nagkakaroon ng kasintahn ng dahil sa cellphone. Dahil din sa cellphone nagiging mabilis ang komunikasyon sabi pa nila sa akin.
Sabi nga ng isa kong kaibigan na si Haide. " Arvin, bumili ka ng cellphone o kaya magpabili ka sa auntie mo para madali ka naming mahagilap. kasi minsan di ka namin naisasama kung may pupuntahan ang grupo". Tumawa na lang ako ng marinig ko iyon.
Kung kailan ako magkakaroon ng cellphone, siguro di ko alam. Malabo namang mangyari ang sabi ng isa kong kaibigan na si Castulo na bibili lang siya ng cellphone kung ang halaga ay isandaan na. Katuwiran niya mangyayari iyon kung sa daigdig siya na lang ang walang cell phone.
Pero kahit wala akong cellphone. Sumasaya pa rin ako kahit paano. Kasi ang pera na dapat ipambibili ko ng load kung may cellphone ako, ay naibibili ko sa aking pangangailangan.
Kayo na katulad ko na walang cellphone. Gusto niyo rin ba na magkaroon. Siguro kung wala kayong pinagkakakitaan huwag na lang kayo maghangad. Baka kung magkacellphone pa kayo isa kayo na mabiktima ng mang-aagaw ng cellphone.
Hay naku! ang cellphone nga naman.

No comments: