BUHAY SABONG
Kay Noel "Bhay" Beñalet
Ni: Arvin U. De la Pena
University of Cebu
BUHAY SABONG
Umulan man at umaraw
Sa umaga at hapon
Inaalagaan na mga manok
Kailangan na mapakain
Buhay ng tagapag-alaga ay ganyan
Para sa iba mahirap
Pero sa kanila masarap
Lalo na kung nanalo ang manok
Kaibigan kong lalaki
Ang trabaho niya ay ganyan
Mga panabong na manok
Kailangang ikondisyon ng mabuti
Katuwiran niya sa buhay
Balang araw makikilala din siya
Mga sabungero sa bayan
Hahangaan din siya
Nangyayari man na siya ay pinipintasan
Hindi na lang niya pinapansin
Dahil ang buhay sa sabong
Mayroong nananalo at natatalo.
Ate Jhajha Vlogs
-
Ang post ko pong ito ay patungkol po sa video blog ni Ate Jhajha. Isa po
siyang DJ sa MOR Tacloban. Sana po ay magustuhan niyo din ang mga video
blog niya....
5 years ago
No comments:
Post a Comment