PULUBI
Ni: Arvin U. de la Pena
University of Cebu
Bago pa man sumikat ang araw
Handa ka na sa bagong umaga
Upang harapin na naman
Ang buhay na kaysaklap
Bakit nga ba naman
Naging isang mahirap ka
Iyon lagi ang sinasabi mo
Nagtitiis sa palimos para mabuhay
Kahit dinadaan-daanan ka pa
Hindi ka nahihiya
Sapagkat iyon ang ikinabubuhay mo
Ang manghingi ng pera sa kapwa
Mga kakilala mo noon
Na naging kaibigan mo pa
Di ka man nila pansin
Hindi ka nagdaramdam
Dahil nabatid mo na
Na ang buhay ay sadyang ganyan
Kapag nasa taas na ang isang tao
Wala nang kinikilala.
Ate Jhajha Vlogs
-
Ang post ko pong ito ay patungkol po sa video blog ni Ate Jhajha. Isa po
siyang DJ sa MOR Tacloban. Sana po ay magustuhan niyo din ang mga video
blog niya....
5 years ago
No comments:
Post a Comment