Thursday, June 28, 2007

Tatlong Tula

SA GITNA NG KADILIMAN

Sa gitna ng kadiliman
Mata'y walang maaninag
Panganib ang nasa isip
Kung ikaw ay makakabalik

Sa gitna ng kadiliman
Isip mo'y walang direksyon
Nasa isip mo ang krimen
Araw-araw nangyayari

Sa gitna ng kadiliman
Iniisip mga mahal
Puso mo'y pipintig-pintig
Sila ay makapiling pa

Sa gitna ng kadiliman
Isipan di mapakali
Naiisip mga salot
Na di takot sa pagpatay.

SANA MAGBAGO KA NA
MAHAL KO

Noong una
pangarap lamang kita
Sa bawat sandali
ikaw ay hinahanga ko
na sana ay makapiling

At ngayon nga
ikaw ay kapiling ko na
Lubos ang aking pasasalamat
Na kahit paano
Nagtagumpay ako sa panliligaw

Ngunit bakit?
Sa paglipas ng panahon
Na tayo ay nagmamahalan
Para akong nasasakal
Sa iyong mga bisig

Ayaw mo akong nakikita
Na sa iba ay nakikipag-usap
Kahit pa sa pagpunta
sa mga barkada ko
Pinipigilan mo rin ako

Noong una pa man
Akala ko magiging masaya
Ako sa piling mo habang-buhay
Nagkamali pala ako
Sana magbago ka na mahal ko.

PANGARAP

Ako'y katulad rin
ng iba
Kaginhawaan sa buhay
ay laging hinahangad
Kailan, kailan kaya darating

Kaya nga ng dumating
ang pagkakataon
Na ako ay makakapunta
na sa ibang bansa
Lubos ang aking kasiyahan

Heto, nandito na ako
Sa bansa ng mga arabyano
Mahirap man ang trabaho
Tinitiis ko na lamang
Maahon lang sa kahirapan

At sa aking pag-uwi
Naiisip ko na dito
Naipon na pera
ay ipupuhunan sa negosyo
Para guminhawa namam buhay ko.

Arvin U. de la Peña
Universtiy of Cebu

No comments: