Thursday, June 28, 2007

Sakristan ( napublished na kuwento )

SAKRISTAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Ako'y isang dating sakristan. Noon pa man iyon na talaga ang gusto ko. Ang makapaglingkod sa simbahan. Bilang isang sakristan marami rin akong naging kaibigan. Karamihan ay mga dalaga. Lapitin kasi ng dalaga ang isang sakristan. Dahil ang isang sakristan ay malinis at hinahangaan pa lalo na kapag may mesa at nakikita na tumutulong sa pari.
Kung saan-saang lugar ang napuntahan ko bilang isang sakristan. Dahil bawat imbita sa pari ay isinasama ako. Ang ibang sakristan ay hindi. Minsan inaabot kami ng hating-gabi sa aming pinupuntahan. Kaya di naiiwasan na sa kumbento na lang ako matulog. At uuwi na lang sa aming bahay pagkaumaga.
Labing-dalawang taong gulang ako ng pumasok bilang isang sakristan. Katatapos ko lang na maggraduate ng elemtarya noon. Nang ako ay sakristan na kaylaki ng ipinagbago ng buhay ko noong panahon na iyon. Imbes na maglalaro ako lagi dahil summer o kaya maninirador ng ibon, iba ang nangyari. Pagkagising ko sa umaga ay maliligo para pumunta sa kumbento . Tumutulong sa mga gawain doon. Siyempre sa kumbento na rin ako kumakain kasama ng iba pang sakristan. At kapag mayroon ng mesa ginagampanan ko na ang tungkulin ko bilang isang sakristan.
Si Father Ignacio na rin ang nagpa-enroll sa akin sa high-school. Bawat katatapos ng klase sa hapon at sabado't linggo na lang ang paglingkod ko bilang sakristan. At sa sabado at linggo na iyon binubuo ko talaga ang araw ko sa kumbento. Doon ko na rin ginagawa ang aking takdang-aralin.
Minsan isang araw nakita ako ni Father Ignacio na may kausap na dalaga. Mag-aapat na taon na ako noon bilang isang sakristan niya. Sa di ko malamang dahilan ay kita ko sa kanyang mukha ang galit sa akin. Di ko na lang pinansin iyon dahil kausap ko nga ang babae na nililigawan ko.
Araw ng sabado ng mangyari ang di ko inaasahan. Pagkatapos kong maligo at pumunta na sa kumbento ay kinausap ako ni Father Ignacio. Samahan ko raw siya sa pagpunta sa isa niyang kaibigan. Pumayag naman ako dahil maraming beses na rin naman na sumasama ako sa kanya sa ibang lugar.
Mag-aalas-onse ng dumating kami sa bahay ng kaibigan niya. Halos dalawang oras ang biyahe namin. Sinalubong agad kami ng kaibigan niya na Fred daw ang pangalan. Ngunit ang ipinagtaka ko ay bakit bakla itong kaibigan ni Father Igancio. At pagkalipas pa ng ilang sandali nagsidatingan na ang iba pang kaibigan ni Father Igancio na puro bakla rin. Di ko na lang pansin iyon dahil baka iyon lang talaga ang mga kaibigan ni Father Ignacio na sa tingin ko sa kanya ay lalaking-lalaki talaga.
Pagkatapos naming kumain lahat ay nagsimula na ang inuman. San Miguel Beer ang iniinom namin. Habang tumatagal panay na ang tingin sa akin ng ibang bakla na kaibigan ni Father Ignacio. Lalong-lalo na si Fred. Nakakarinig pa ako ng pasaring na guwapo at malaki ang katawan na sakristan na kasama ni Father Ignacio. Iyon ay nu'ng lasing na ako at masakit na talaga ang ulo ko.
Ilang sandali pa na di ko na kaya pang uminon, nagsabi ako na matutulog muna ako. Sa sobrang kalasingan di ko na namalayan kung sino ang naghatid sa akin sa kuarto.
At ilang sandali lang na nasa kuarto ako nararamdaman ko na hinihimas ang harapan ko. Di naman ako makatanggi at maidilat ang aking mata kung sino ang tao dahil masakit na talaga sa ulo dahil sa sobrang kalasingan. Hanggang sa maramdaman ko na na ibinaba na ang aking pangtalon. Doon ginawa na sa akin kung ano ang ginagawa ng isang bakla sa isang natitipuhan niya. At pagkatapos na mapagsamantalahan ang kalasingan ko ay narinig ko pa ang sinabi ng nagsamantala sa akin kay Father Ignacio na " salamat Father Ignacio at binigyan mo ako ng sariwa ". Habang ginagawa ang kahalayan sa akin ay pinapanood pala ni Father Ignacio.
Pagkagising ko at gabi na ay wala na ang mga bisita. Tulog na rin si Fred. At si Father Ignacio ay nasa sala at hinihintay na ako para umuwi na kami. Habang pauwi na kami di ko na lang siya tinanong tungkol sa nangyari. Hindi ko na rin inusisa ang tunay niyang pagkatao.
Kinabukasan araw ng linggo di na ako pumunta sa kumbento para gampanan ko ang tungkulin bilang isang sakristan sa simbahan. Hindi ko nagustuhan na iniregalo niya ako sa kaibigan niyang bakla habang sariwa pa. Ayaw niya na babae muna ang unang makatikim sa akin.
Hindi na ako nagsakristan pa.


MACHO DANCER

Hindi ko ito ninanais
Sumasayaw sa entabalado
Habang ako ay tinitilian
At pinapalakpakan
Lalo na kung ang
paggiling ay nakakaakit

Tulad din naman
ako ng iba
Kailangan na kumayod
para may ibuhay sa
aking sarili at sa
aking pamilya

Sa mga nagsasabi
Na di maganda ang
trabaho ko at nakakahiya pa
Di ko na lang pansin
Kahit na masakit pakinggan
Balewala na lang sa akin

Kaya kasalanan ko ba
Kung ito ang pagkakitaan ko
Kasalanan ko ba
Kung maging malaswa ako sa iba
Kasalanan ko ba
Kung ako'y isang macho dancer.

Arvin U. de la Peña
University of Cebu

No comments: