Thursday, June 28, 2007

tatlong maikling tula

PANGULO

Ang pangulo ng isang bansa
dapat ay mayroong karisma
at bumibilib ang mga tao
Sa mga pangyayaring gusot
dapat ay matatag talaga
Katulad ng punong niyebe
Bagyo man ang dumating
di matatangay ng hangin.
- Arvin U. de la Peña

PATAWAD

Patawad kung minsan
naisasama ko kayo
sa aking mga sinusulat
na hindi niyo nalalaman
Nais ko lamang ay
maging bahagi kayo
sa aking tagumpay
Patawad din kung minsan
hindi ko kayo pinapansin
Sa mga araw kasi na iyon
ay may naiisip akong
isulat na isang kuwento.
- Arvin U. de la Peña

BUWAYA

Ang mga buwaya akala ko
ay sa tabing ilog lang
makikita at mapapansin
Hindi na pala ngayon
Iba na pala sila

Nakapagsusulat na pala sila
at pumapasok na sa opisina
Doon ay may ginagawa
silang tungkulin para
mabigyan ng sahod

Ngunit ang buwaya ay
buwaya talaga
Kahit saang angulo tingnan
Makikita talaga ang pagkagahaman
Pero hindi sa pagkain
Kundi sa posisyon sa GOBYERNO.
-Arvin U. de la Peña

No comments: